3rd point of view.
Hindi mapakali si Sigiero sa damit na susuotin niya, ngayon lang naman siya sasayaw sa harap ng maraming tao. Kanina pa ito nakatingin sa damitan niya at wala pa rin ito mapili, napabuntong hininga ito dahil sa problema kinaharap niya narinig niya bumukas ang pintuan nito at nakita niya ang kaniyang ina na pumasok.
"Ma..." Mahinang tawag niya.
"Oh? Akala ko umalis ka na, anong oras na at mahuhuli ka na sa klase mo," wika nito.
"Wala kasi ako mapiling damit para sa sayaw namin mamaya," nakangusong wika ng binata.
"Ay nako, bakit hindi mo agad sinabi edi sana kanina pa kita natulungan." Lumapit ang kaniyang ina sa damitan nito at naghanap ng susuotin.
"Akala ko po kasi umalis na kayo," sagot ng binata.
"Aysus, heto oh." Inabot ng kaniyang ina ang isang pares ng damit. Kinuha ito ni Sigiero at tinignan naman laman ito ng black shirt at black pant na may texture na silky.
"May ganito pala ako," manghang wika niya.
"Oo naman hindi mo lang talaga ako tinawag, ayos na ba 'yan?"
"Opo, saktong-saktong sa sasayawin namin." Nakangiting wika ng binata.
Ilang araw na napapansin ng kaniyang ina ang pagiging iba ng kaniyang anak, may mga oras na uuwi ito ng masaya pero nitong mga nakaraan ay malungkot ito napapaisip tuloy ito kung ano ba nangyayari sa kaniyang anak.
"Sigiero..."
"Ma?"
"May nagugustuhan ka na ba?" Biglang tanong nito.
Natigilan ang binata at dahan-dahan tumingin sa kaniyang ina wala naman bakas na galit sa tono ng pananalita ng kaniyang ina pero biglang naramdaman ni Sigiero ang kaba. Ngumiti ito tanda na wala dapat ikabahala ang kaniyang ina.
"Ako? Ma, hindi uso sa'kin 'yan," paninigurado pa ni Sigiero.
"Sigurado ka? Sigiero, alam mo naman kung ano ang mga bagay na dapat unahin ang mga ganiyan bagay ay makakapag-intay pero sa ngayon ay pag-aaral muna." Seryosong wika nito.
"Alam ko po 'yun ma," wika ng binata.
"Siya sige na, pumasok ka na at ilagay mo na 'yan sa bag mo. Mag-iingat ka sa pag pasok at umuwi ng maaga," bilin nito.
"Opo," sagot ng binata.
Ginawa na nga ni Sigiero ang utos ng kaniyang ina nilagay niya ito sa bag nagpaalam na siya sa kaniyang ina at umalis na ng bahay sumakay na lang ito dahil nagmamadali na rin wala pang bente minutos ay nakarating na ito sa eskwelahan pagkapasok niya pa lang sa klasrum nila ay nadatnan niya agad si Jai na nakikipag-usap sa kanilang mga kaklase.
"Late ka ata," puna nito nang maka-upo ito sa pwesto.
"Nahirapan ako maghanap ng susuotin ko damit," reklamo nito.
"Sus baka may iba ka ginawa ha," pang-aasar pa nila sa binata.
"Tumigil ka nga diyan, nga pala ano oras tayo sasayaw?" Tanong ni Jai.
"Hindi ko alam," sagot ni Rys isa sa mga kaklase ni Sigiero at Jai.
"Sayaw na sayaw na ako." nakasimangot na saad ni Rys.
"Harot mo talaga, gusto mo lang makasyaw yung senior natin na si Aphra e!" Pang-aasar pa ni Jai.
Habang sila nag kwekwentuhan ay tahimik na napaisip si Sigiero kung ano oras ba talaga
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...