Kabanata 27

1 0 0
                                    

3rd POV

Isang linggo na ang makalipas ng mangyari ang sagutan nila Sigiero at Astrea simula rin noon ay tuluyan na iniwasan ni Sigiero si Astrea bumalik siya sa pokus niya na pag-aaral lang. Napansin ito ng mga kaibigan nila pero wala silang lakas ng loob para magtanong, hinayaan na lang din nila. Ngayon ang araw kung kailan sila pupunta sa camping site na nirentahan ng kanilang eskwelahan para sa mga fourth year student at ssg. Abala si Sigiero para magcheck ng mga gamit na nilalagay sa bus.

"Astrea ang bagal mo kumilos!" Wika ng isang dalaga.

"Mauna ka na, bakit mo ba ako hinihintay?" May bahid ng pagkainis ang tono ng pananalita ni Astrea. Napatingin siya sa binata na nakatalikod mula sa kaniya, gusto niya ito lapitan at humingi ng tawad ngunit may bumabara sa lalamunan niya.

"Dalian mo na, katabi mo si Alonzo," usal ni Aphra.

Tumango na lang si Astrea at tinapon na ang sigarilyo at tuluyan pumasok sa loob. Sa kabilang banda ay ramdam pa rin ni Sigiero na kahit papaano ay nasasaktan pa rin siya kahit sa ganitong maliit na bagay. Gusto niya hilahin si Astrea ngayon at palayuin sa lalaking iyon pero pinipili niyang ibaon sa limot ang lahat.

"Sigiero!" Naputol ang pag-iisip niya ng malalim dahil sa boses na iyon. Lumingon ito at nakita niya si Ria na palapit sa kaniya.

"Bakit?" Tanging naitanong niya.

"Tapos ka na ba riyan?" Tanong ng dalaga ng siya ay makalapit.

"Oo, natignan ko naman lahat at walang kulang,"

"Mabuti, siya nga pala bawat bus ay mayroon naka-assigned na officers to check ang mga fourth year,"

"Noted, saan bus pala ako?"

"Here." Sinundan ni Sigiero ang kaniyang hintuturo at dinala ako nito sa bus na ngayon ay nasa harapan ko.

"Sige, papasok na ba ako?"

"Oo, since tapos na 'yung trabaho mo at para makapag-pahinga ka na rin."

Tumango na lang si Sigiero at matapos ang kanilang usapan ay umakyat na ito sa bus at dahil mapaglaro ang tadhana kung saan pumasok sina Astrea kanina ay dito rin si Sigiero. Patay malisya siya dumiretso sa may pinaka dulo, napansin ito ni Astrea ngunit hindi ito nagtangka na kausapin ulit.

Buong biyahe ay tahimik lang si Sigiero habang pinakikinggan ang bawat kaingayan sa kapaligiran niya. Nakahilig lang ang kaniyang ulo sa bintana at hinihintay makarating sa kanilang destinasyon.

"Sigiero?" Napatingin siya sa gilid.

"Ano 'yun?"

"A-ah ano g-gusto lang kita alukin ng pagkain ko," wika nito

Tinignan ni Sigiero si Lia at malugod naman tinanggap ang pagkain, noon pa man ay magkakilala na sila ng dalaga hindi lang talaga sila madalas mag-usap nagsimula na rin sila magpalitan ng mga tanong at mga sagot.

Naririnig ni Astrea ang mga hagikgikan at mga palitan nila ng salita, napansin ni Alonzo na masama ang tingin nito sa babae hindi na lang niya naiwasan na guluhin ang buhok ng dalaga. Mula mangyari ang insidente ay may malaking pagbabago na si Astrea, lagi na dumadalo ng klase at bibihira na lang na umabsent. Alam niya na darating ang oras na aamin din ito pero sana wag matagalan.

Nakarating na sila sa pupuntahan nila at pumunta na sa hall para mag orientation, naghiwalay na rin ng landas sina Lia at Sigiero dahil may gagawin pa ito. Dumiretso si Sigiero sa mga kasama niya para tumulong. Nakarating sila sa isang camping camp malapit lang sa pampangga kaya hindi naging mahirap ang biyahe.

"Good morning everyone, nandito tayo sa camp Alisunod para mag enjoy ng tatlong araw. Ako nga pala si Ria ang part ng ssg officers. Pagkatapos niyo ilagay ang mga gamit niyo bandang alas-dose ay sabay-sabay tayo kakain sa ngayon ay pumasok na kayo sa kaniya-kaniyang kwarto. Sa kaliwa ang mga lalaki at sa kanan ang mga babae sa isang room dalawa kayo, magkita ulit tayo dito!" Masiglang bati ni Ria.

Mabilis kumilos agad ang mga student pagkarating ni Astrea sa kwarto niya ay hindi niya inakala na may kasama pala ito at kung ang swerte nga naman ay mahal si Astrea, mas mahal naman siya ng malas dahil si Lia ang kasama niya sa kwarto.

"Uy, hello po!" Magalang na bati nito.

"Hello rin," normal na sagot ni Astrea.

"A-ah sana po magkasundo tayo," nahihiyang usal ng dalaga.

Pilit na ngiti na lang ang binigay ni Astrea dahil nahiga na lang ito at pinilit ipikit ang mga mata at magpadala sa ugoy ng antok. Maaga rin kasi siya naging kanina at hindi rin ito masyado nakatulog sa bus kaya dito na lang ito babawi. May dalawang oras pa naman para siya ay makatulog, hindi na namalayan ng dalaga na unit-unti na siya nilalamon ng antok at hindi na nagawang pigilan pa.

Sigiero

Matapos ang dalawang oras ay nagtitipon na kami ang mga gawain ngayon ay puro palaro at kasiyahan nasa unahan si Ria dahil siya ang namamahala sa mga ganitong gawain. Masaya ko naman sila pinapanood, wala akong balak na sumali dahil nakakapagod ang galaw na galaw.

"Guys, maglalaro tayo ng bring me!" Sigaw ni Ria.

Napuno ng hiyawan ang apat na sulok ng silid, pinakatitigan ko na lang sila at hindi maiwasan ngumiti dahil nakikita ko na maraming mga studyante na gusto makilahok.

"Bring me something blue!" Hiyaw ni Ria.

Sa isang saglit ang mga studyante ay nawala sa unahan at naging kalat-kalat ang kanilang pwesto. Nakikihiyaw na lang ako at nagulat ako sa biglang paglapit sa'kin ni Aphra at hinihingi ang blue ko ballpen malugod ko naman binigay.

"Ayan mayroon na tayong winner, Aphraines!" Anunsyo ni Ria.

"Yehey!" Sigaw naman din niya.

"Dahil diyan nanalo ka ng bente pesos!"

Nagtuloy-tuloy lang din naman ang mga palaro napansin ko rin na nakikilahok si Astrea sa mga laro ngayon. Magkasama pa rin sila ni Alonzo, hindi ko naiwasan tignan siya at ngayon ay nakangiti niya kinakausap si Alonzo. May parte sa puso ko ang kumurot at iniisip kung ako ba ang kausap niya ay ngingiti rin ba ito?

"Next, Bring me my secretary!" Mabilis ako napalingon kay Ria.

Sumalubong sa'kin ang mga studyante na palapit sa'kin ngunit bago pa ako makagalaw ay may humawak na sa'kin pulsuhan nagpapatianod sa kaniyang paghila bagama't sinusundan pa rin kami ng ibang studyante ay hindi niya pa rin ako nabibitawan. Nakarating kami sa pwesto ni Ria at tinaas niya ang kamay ko.

"May winner na!" Anunsyo pa niya.

Tinignan ko ito at siya naman nakatingin sa'kin malapad ang kaniyang mga ngiti.

"Our winner is Lia!"

"Uy Lia secretary pala nais ha!"

"Teh pumila ka ang haba ng pila oh!"

"Saan bahay mo sunugin ko?"

Iilan lang 'yan sa mga maririnig mo dito natawa ako dahil sa mga biro nila ngunit hindi nakalagpas sa'kin paningin na si Astrea. Diretso ito nakatingin sa'kin, nauna siyang nagbitaw ng tingin dahil inalo siya ni Alonzo. Hindi ko na ito ulit tinignan dahil para bang nadudurog ako. Lumipas pa ang oras at gabi na ang iba sa'min ay kanya-kanya na ang ginagawa habang ako ay tumutulong sa pagluluto.

"Sigiero pwede mo ba ito hugasan muna?" Utos sa'kin ni Riza

"Sige sandali lang," Sagot ko.

Nagtungo naman ako sa may likurang parte dahil duon ang hugasan, madilim na rin kasi ala-siete na ng gabi buti na lang ay may kakaunting ilaw ang nagsisilbing gabay ko. Naghugas na agad ako ng plato hindi naman katagalan ay may kaluskos ako narinig. Bumilis ang tibok ng puso nang maramdaman ko iyon. Napatingin ako sa may kaliwa at may korteng pigurang tao. Nakaramdam ako ng kakaiba pero may kung ano sa katawan ko na pinuntahan ito at nakita ko ang isang magandang dalaga. Noong una pa lang alam ko na maganda na ito pero ngayon ko lang nakita ang ganda niya nasa ilalim ng buwan. Nagtago ako bigla nang maramdaman ko may palapit sa pwesto niya.

"Astrea, gabi na tara na dito!" Rinig ko sigaw ng lalaki.

"Sunod na," saad ko.

"Ilang araw na rin Sigiero..."

Dito hindi ako nakagalaw dahil binanggit niya ang pangalan ko, umalis na siya sa pwesto at naiwan ako ng nakatulala.

"Astrea, ikaw pa rin talaga..."

Itutuloy...

Urong SulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon