3rd person point of view.
Limang araw matapos ang kaganapan sa pagitan ng dalawa hindi sinunod ni Sigiero ang kaniyang magulang na layuan niya si Astrea ngunit ang dalaga ay kabaliktaran ang ginagawa. Nilayuan niya ito at pilit na iniiwasan lagi niya kasama si Alonzo at sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga landas ay nagpapanggap ito ng walang nakikita. Nasasaktan ang binata sa sa ginagawa ng dalaga. Nahihirapan din ang binata kunin ang pahayag ng dalaga, pansin ng mga kaibigan nila ang ginagawang pag-iwasan.
"Hindi mo ba aayain si Astrea?" Tanong ni Rhys habang sila kumakain sa cafeteria.
"H-ha?"
"Sabi ko hindi mo ba aayain-Aray!" Napadaing ito nang sikuhin siya ni Jai.
"Bakit mo ginawa sa'kin 'yun?!" Inis na wika Rhys.
"Hindi ka ba marunong manahimik?" Inis na wika ni Jai.
"Nagtatanong lang naman e,"
"Kahit kailan talaga wala kang kwenta," mahinang bulong ni Jai.
"Wag na kayo d'yan magtalo," awat ni Sigiero.
"Oh, Sigiero ilang araw na namin napapansin ang hindi niyo pagsasama parang noong mga nakaraan linggo ay hindi kayo mapaghiwalay ano ang nangyari?" Pagkukuwestyon ni Jai
"Nalaman kasi ni mama yung mga nangyayari sa'kin," mahinang usal ng binata.
"Ha? Ano ang ibig mo sabihin?" Makapanabay nilang tanong.
"May mga pagkakataon ako na hindi dumadalo sa klase at hindi na masyado nakakapagpokus pa,"
"Oo pansin rin namin 'yon, ano kasunod?"
"Nalaman din namin nila na may babae ako kasama,"
"Ha? Paano na niyan?" Tanong ni Rhys.
"Hindi ko sinunod pero si Astrea na mismo lumalayo sa'kin, pilit ko siyang kinakausap ngunit iniiwasan niya ako at lagi niya kasama si Alonzo," bakas sa tono ng pananalita ng binata na siya ay nasasaktan.
"Kanina napadaan ako sa opisina ng mga guro at narinig ko nga na sakit na sa ulo si Astrea akala nila ay nagbago na ito pero mas lumalala pa," wika ni Jai.
Napukaw naman ito ng atensyon ni Sigiero napatingin siya kay Jai nakaramdam ito ng kaba dahil sa hindi malaman dahilan.
"Ha? Paanong nagbago?"
Umayos ng upo si Jai at napahawak sa kaniyang baba at tila ba ay inaalala ang kaniyang mga nalaman kanina.
"Ayon sa pagkakatanda ko ay hindi na ito nagpapasok sa lahat ng klase kung minsan papasok ito ng lasing at hindi rin makausap ng maayos. Lagi niya kasama si Alonzo may isang beses daw na nakita ng mga guro na sina Alonzo at Astrea ay naninigarilyo ng sabay."
"Ano?!" Gulat na wika ni Rhys.
"A-anong sabi nila Aphra at Ashirina?" Tanong ni Sigiero.
"Nang minsan makita ko sila ay binati ko ngunit para sila naging bulag at hindi ako pinansin," sabat ni Rhys.
"May nangyari kayang kakaiba?" ani ni Jai.
Hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataon na sagutin ang tanong dahil kinailangan na nila mag-hiwalay dahil may kailangan pa gawin si Sigiero sa may ssg. Habang siya ay naglalakad patungon sa opisina nila ay napatingin siya sa labas at nakita niya si Alonzo na lumabas ng gate. Hindi na rin niya nagawa usisain pa dahil nakita na agad si ni Ria si Sigiero kaya tinawag na niya ito.
Wala naman nagawa si Sigiero kaya sumunod na lang siya, mabilis naman sila nakarating sa opisina at pagkabukas nila ng pinto ay bumungad na sa kanila ang mga kasama nila na nakaupo. Naupo na rin si Sigiero at mabilis winaksi sa isip ang pag-aalala at mga isipin niya sa buhay.
"Good morning everyone," panimula ni Riza.
"Hello president," makapanabay wika ng lahat.
"Nagpatawag ako ng meeting dahil nasabi sa'kin ng mga teacher next week ay may retreat tayo kasama ang mga 4th year sa isang island 2 nights and 3 days lang tayo," wika ni Ria.
"Wow, kasama tayoo kahit hindi tayo g-graduate," manghang wika ni Kleo.
"Oo nga anong mahika ginamit mo?"Tanong ni Wrenz.
"Tama kayo, dapat hindi naman talaga tayo kasama roon pero nakausap ko kasi ang mga teacher at so far kasi marami tayong mga events na naganap na successful gusto rin naman nila bigyan ng magandang retreat ang mga 4th years," mahabang salaysay niya.
"Tama, kaya magplano na tayo!" Masayang wika ni Wrenz.
Lahat naman ay nakaramdam ng saya nang marinig at malaman iyon. Ang binatang si Sigiero naman ay tahimik lamang at nakikinig hindi niya magawang maging masaya sa nalaman niya dahil may parte parin sa utak niya na iniisip ang dalaga. Hindi naman katagalan ay natapos na sila sa pagplano at pahapon na pala.
Sabay-sabay sila lumabas ng opisina at si Sigiero naman ay didretso na sana sa likod ng eskwelahan upang duon muna magpalipas ng oras dahil ayaw niya pang umuwi. Kapag umuwi siya ay kukultin lang ito ng kaniyang magulang tungkol sa pagiging arkitekto at mga sermon na hindi matapos tapos. Naririnid na ang tainga ni Sigiero sa ganoon hindi niya lang magawa magreklamo para hindi na humaba pa ang usapan nila.
Paliko na sana siya nang marinig niya ang kaniyang pangalan, napaligo siya sa kaliwa at nakita niya si Ashirina at Aphra na tumaktabo palapit sa kaniya. Napakunot ito ng nuo at sa parehas na pagkakataon ay nagkaroon siya ng pag-asa para malaman kung kamusta at kung ano na ba ang nangyayari kay Astrea.
"Sigiero!" Makapanabay nilang wika ng kay Sigiero.
"Ano?" Saad ni Sigiero.
"N-nakita mo b-ba si-"
"Ano? Hindi kita maintindihan Aphra huminga ka muna," mahinanong wika ni Sigiero.
"Nakita mo ba si Astrea?" Napatingin si Ashirina kay Sigiero at ngayon ay seryoso ang titig sa binata.
"Hindi, bakit?" Naguguluhan saad ng binata.
"Tumawag ang ate niya sa'min kagabi at hindi pa raw ito umuuwi," sabat ni Aphra.
"Ano?" Nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso si Sigiero sa mga narinig niya.
"Oo, nag-aalala na kami hindi namin alam kung saan siya hahanapin," basag na ang boses ni Aphra.
"Si Alonzo nakausap niyo ba? O kahit puntahan?"
"Sinubukan namin kaso wala ito sa bahay nila at hindi namin matawagan ang telepono-"
"Pero nakita ko siya kanina," mahinang wika ng binata sa sarili.
"Ano?" Makapanabay nilang saad.
"Nakita ko siya kanina palabas ng eskwelahan..."
"Kailangan natin mahanap si Alonzo baka alam niya kung nasaan si Astrea!" Aligagang wika ni Aphra.
"Tutulong ako!" Wika ng binata
Tumango silang dalawa at naghiwalay na kami ng landas hindi alam ni Sigiero kung saa hahagilapin si Alonzo o si Astrea dahil wala naman itong alam na pwede nilang puntahan.
"Nasaan ka na ba?"
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...