SIGIERO POV
Gumising naman ako sa tamang oras, kumain at nagawa ang mga takdang-aralin pero bakit may estranghero na pakiramdam ang nanatili sa buong pagkato ko. Napahawak ako sa dibdib at napatingin sa librong nasa harap. Pinilit ko hindi pakinggan ang ingay sa paligid at nang magawa ko ito ay isang malakas na pagtibok ang narinig ko. Hindi ito normal katulad sa iba dahil mas mabilis ito, ano ba ang dahilan nito?
"Sino ang tauhan sa kwentong Noli Me Tangere ang nabaliw dahil sa pagkawala ng kaniyang dalawang anak, Sigiero maari mo ba ako sagutin?"
Dahil ba sa babaeng nakausap ko?
"Mr. Sigiero!"
Bigla ako nabalik sa reyalidad kung saan nasa klase pala ako ng aming guro sa filipino. Marahan ko tinignan ang aking guro na ngayon ay nakataas ang kaniyang kilay.
"M-ma'am," tanging naisambit ko.
"Kanina pa kita tinatawag ngunit ang utak mo ay naglalakbay kung saan," mariing niyang pagwika.
"P-pasensya na po," sagot ko.
"Bueno, sa susunod na muhuli pa kita na wala ang atensyon mo sa klase ay lalabas ka na naturingan ka pa naman matalino sa klase." Dama ko ang diin sa huling tatlong salita niya.
Tumango na lang ako bilang pagsagot at pilit ko na lang binalik ang atensyon ko sa harapan para makinig mabilis tumakbo ang oras at tanghalian na namin. Naramdaman ko ang braso ni Jai na nakasukbit sa aking balikat.
"Sabihin mo na dali makikinig ako," wika niya.
"Ano ang sasabihin ko?" Tanong ko.
"Yung dahilan kung bakit ka tulala sa klase,"
"Wala 'yun,"
"Dali na!" Pagpupumilit niya pa
Huminga ako ng malalim at tignan siya sa mata mahahalata mo dito na pursigido ito at hindi ititigil hanggat hindi nasasagot ang tanong. Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko at humarap sakanya.
"Nakita ko na yung babaeng sinasabi ko," mahina ko saad.
"Ano? Hindi kita maintindihan!" Sagot niya pa.
Napahilamos ako ng mukha at sinamaan ito ng tingin. "Nakita ko na ang babaeng tinutukoy ko," wika ko ulit na may kalakasan na.
"Ah nakita mo na yung babae!" Umalingawngaw ang boses ni Jai. Napatingin ang iba ko kaklase sa'min, buti na lang at kakaunti na lang ang tao rito sa loob ng silid.
"Baka gusto mo ng mikropono para marinig ng buong eskwelahan," sarkastimo ko wika.
"Sorry, oh, tapos? Anong nangyari?" Kuryos na tanong niya.
FLASHBACK
Matapos ko mareyalisa ang lahat ng ginawa ko ay bigla ko ito tinitigan, may kung ano nagsabi sa utak ko titigan ko lang ito nagitla ako nang magtama ang aming paningin.
"A-ah, ano," nauutal ko wika.
"May dumi ba ako sa mukha?" Inosente niyang tanong.
"W-wala," utal ko pa rin wika.
Umayos ako ng tayo at nagmartsa paalis sa lugar kung saan ko nakita ang isang anghel nang maramdaman ko na nakalayo na ako sakanya ay tumakbo ako ng napakabilis pabalik sa silid kung saan ako nandoon kanina. Sinarado ko ang pinto at hindi ko namalayan napasandal na ako rito hinawakan ko ang aking dibdib "dug dug dug" Iyan ang eksaktong sinisigaw ng aking dibdib. Hindi maproseso sa isipan ko ang nangyari dahil hindi mawala ang malakas na pagtibok ng puso ko ay mabilis ko sinolusyunan ang kaninang problema ko.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...