3rd point of view
May ngiti sa labi si Sigiero habang siya ay nagluluto ng kaniyang babauinin at para sa kanilang kakainin nilang dalawa, pumayag ang dalaga na sabay silang kumain ngunit hindi ito natuloy kahapon dahil may mahalagang gagawin siya. Kaya ngayon nalang aayain ni Sigiero, kaniyang tinikman ang niluluto at hinuhuli niya sa kaniyang dila kung may kulang pa ba o tama na. Nang masigurado niya na ayos na ang lasa ay pinatay na niya ang kalan at sinalin sa lalagyan, hindi napansin ni Sigiero na nasa likod na pala ang kaniyang kapatid at nakatitig lang habang nagluluto. Muntik na mabitawan ni Sigiero ang kaniyang dala-dalang pagkain nang makita niya si Shai.
"A-ano ba!" Mahinang sigaw niya.
"Anong ano ba?" inosenteng tanong ng dalaga sa kaniyang nakakatandang kapatid.
"Kanina ka pa ba d'yan?"
"Oo," saad nito.
"Bakit hindi ka nagsalita? Kung may sakit ako sa puso baka kanina pa ako namatay dahil sa'yo," inis na wika ni Sigiero.
"Kaso wala, nga pala para kanino 'yan?" Usisa ng dalaga.
"Ang alin?"
"Yung baunan mo, siyempre yung pagkain na niluluto mo," pamimilosopo pa nito.
"Baon ko." Inilapag ni Sigiero ang baunan niya sa lamesa at tinanggal ang apron na suot-suot.
"Hindi ka nagluluto ng baon at saka adobong baboy?"
"Anong problema sa adobong baboy ha?"
"Wala lang, cheap mo naman magluto kuya sana naman yung pang-sosyal," pang-aasar nito.
Bigla tuloy napaisip si Sigiero sa sinabi ng kaniyang kapatid, hindi niya agad naisip ang bagay na iyon paano na lang kung hindi magustuhan ng dalaga ang pagkain na ihahain niya. Nawala ang ngiti sa labi nito at napansin ito ng kaniyang kapatid, kumuha siya ng kutsara at tinikman ang luto ng kaniyang kuya.
"Pero..." Napatingin si Sigiero sa kapatid niya.
"Kung ganito naman kasarap ang luto ng adobo kahit ako na hindi kumakain ay mapapakain talaga." Nginitian ni Shai ang kaniyang kuya.
Pagkatapos marinig ni Sigiero ang salitang iyon ay kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya sa puso niya. Nakita iyon ng kapatid niya at may parte dito na natuwa dahil hindi naman ganoon ang kuya niya pero ito nagagawa na. Binalot na agad ito ni Sigiero at nagpaalam na sa kaniyang kapatid, masaya siyang papasok ngayon dahil magkikita na ulit sila ng dalaga.
pumasok na ito sa eskwelahan at hindi naman ito inabot ng kalahating oras sa paglalakad, pagkapasok niya pa lang ay marami na ang studyante sa labas ng na para bang may pinagkakaguluhan dahil sa kuryosidad ng binata ay lumapit ito at nakita niya ang isang guro at isang studyante na nagsasagutan.
"Grabe nangyari sa kanila 'no?" Rinig niya sa katabi niya.
"Ano bang nangyari kay sir Variz at Aliana?" Usisang tanong ng kausap.
"May nakapagsabi kasi na sinisiraan daw ni Alina si sir Variz sa group chat nila tapos may nagsabi kay sir ayan nagsasagutan sila,"
"Hindi ba mas maganda kung sila na lang ang nag-usap? Sa office sana ganooon," dagdag pa nito.
"Nagpang-abot kasi sila dito at dahil na rin siguro sa init ng ulo nila kaya ayan nandito sila,"
"Pero may bali-balita na ang nagsabi raw sa teacher ay si Astrea,"
Mabilis nakuha ang atensyon ni Sigiero nang marinig niya ang pangalan na iyon, nakaramdam siya ng pagkabahala at pag-aalala.
"Ha? Paano naman nasali ang pangalan niya?"
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...