Jai
Papasok na ako sa eskwelahan at naisip ko ulit yung usapan namin ni Sigiero tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi ko magawa mawala sa isip ko dahil may punto siya, napabuntong hininga na lang ako sa tuwing iisipin ko kung paano ko ulit kakausapin si Lady. Napakamot ako sa batok at tumingin na lang sa unahan.
"Jai!" hinanap ko kung sino ba ang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko naman si Ash na tumatakbo papunta sa'kin.
"Ash?"
"Ako nga, buti na abutan kita dito!" Masayang tugon niya. Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan niya ako sa mata.
"Bakit? May sasabihin ka ba?"
"Oo, aayain sana kita manood ng concert mamaya d'yan sa may plaza pupunta yung paborito kong banda," wika niya.
"H-hindi ko alam e, baka kasi may gagawin pa ako mamaya," tanggi ko.
"Eh? Minsan lang ito at saka next week week exam na kaya tara na!" Aya niya pa.
"Hindi talaga ako sigurado, baka rin mag-aral ako mamaya,"
"Ganoon ba? Osige, pero kapag nagbago isip mo punta ka mamayang 7pm sa may plaza!" Tinapik niya pa ang balikat ko na para bang sinasabi niya na aasahan kita.
Tinanguan ko na lang ito at muli na naglakad sa hindi kalayuan ay napansin ko si Sigiero na kasama si Astrea, bakas sa mukha ni Sigiero na masaya ito napailing na lang ako at mabilis linapitan para asarin lang.
"Tara review na tayo," wika ni Sigiero.
"Malaki ka na, kaya mo na mag-isa," pambabara ni Astrea.
"Eh? Dali na para sabay tay-"
"Ako sama sa pagrereview!" Putol ko sa kaniya at sila naman ay napatingin sa'kin.
"Ano ginagawa mo dito?" Takhang tanong ni Sigiero.
"Hello? Malamang asa hallway tayo daanan ito," pang-babara ko pa.
"Hello, Astrea!" Bati ko at tinanguan lang ako.
"So, ano r-review ba tayo?" Tanong ko ulit.
"Oh, ayan si Jai isama mo siya sa pagrereview mo, papasok na ako." Hindi na hinintay ni Astrea ang sagot ni Sigiero at nakapamulsang naglalakad ito. Hinatid ko na lang ng tingin si Astrea at matapos nito ay napatingin ako kay Sigiero at siya naman ay matalim ang titig sa'kin. Tinaas ko ang kamay ko na parang sumuko sa mga pulis.
"Oh, tigil na sa tingin mo," natatawang saad ko.
"Badtrip ka talaga," inis na wika niya.
"Wow, sorry kung naputol ko date niyo ha!" Binigyan diin ko talaga yung salitang 'Date' para mas lalo itong mainis. Inakbayan ko ito at tinapik-tapik pa ang likod siya naman ay tinaboy ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.
"Tara na nga!" Nauna na ito maglakad sa'kin at nag-kibit balikat na lang ako at sinundan siya.
Hindi naman katagalan ay nakarating na kami sa klasrum at saktong dumating na rin ang guro namin, sinabihan niya lang na kailangan na namin mag review dahil nalalapit na rin yung exam. Nagbigay lang ng mga dapat basahin na nakapaloob sa exam, tinuon ko na lang ang atensyon ko dito dahil panigurado kapag hindi ko ito ginawa ay babalik na naman ako sa pag-iisip kung paano ko ba kakausapin si Lady.
Mabilis tumakbo ang oras at hindi ko napansin ito, nasa panghuling asignatura na kami bago magtanghalian. Napatingin ako kay Sigiero at hinahanda lang nito ang gamit niya, panigurado ay hindi ito kakain sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...