kaganapan bago makita ni Jai si Sigiero.
Sigiero
"Kanina ka pa nakatingin sa'kin," saad niya
"Paano mo naman nasabi na tinitignan kita, nakatutok ka nga sa telepono mo," sagot ko.
"Dami mo sinasabi, bakit mo ba ako tinitignan?"
"Mag-review na tayo." Nakanguso ko saad.
"Ayain mo si Jai, 'wag ako," masungit nitong sabi.
Napangalumbaba na lang ako sa sinabi niya, kanina pa kami ganito pilit ko siya sinusubukan ayain na mag-aral pero ang laging sagot niya sa'kin ayaw niya kesyo hindi naman daw kailangan. Gusto ko lang naman siya makasama mag-aral mas lalo ako napanguso sa naisip ko.
" Huwag ka ngumuso d'yan hindi bagay," puna niya pa.
"A-ano ba!" Inis na sagot ko.
"Oh ano?"
"Kanina mo pa ako binabara, inaaya lang naman kita mag-aral e,"
"Oh?"
"Anong Oh? Anak ng-"
Tinignan ko ito at siya naman ay nakatitig rin sa'kin nang makita ko siya para bang umurong ang dila ko. Naubos ang mga salita na kanina ay marami pa, sinamaan ko ito ng tingin at nakita ko naman ang pag-silay ng mga ngiti niya. Nahiga na lang ako sa tabi niya at tumingin sa kalangitan nawala na ako sa poku para mag-aral pa.
"Astrea..." Mahinang tawag ko.
"Anong pangarap mo sa buhay?" Biglang tanong ko.
"Wala." Walang kabuhay-buhay na sagot niya.
"Seryoso kasi,"
"Maging malaya..." Napatingin ako sa kaniya.
"Huh?"
Nakita ko kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at kinuha ko naman ang lighter ko para sindihan ito nang matapos ko gawin ay muli ako tumititig sa kaniya ngunit ang kaniyang atensyon ay nasa malayo lang. Para bang nababalot na naman kami ng kahiwagaan kung sino ba si Astrea. Sa loob ng ilang linggo mula nang makilala ko siya ay maraming bagay ako natutunan sa kaniya pero mas lamang dito yung mga bagay na hindi ko pa alam. Gusto ko magtanong pero natatakot ako na baka kapag nagtanong ako ay may maalala siya na hindi ka nais-nais.
"Malaya sa kung ano ang gusto ko gawin sa buhay, yung walang magsasabi na 'ako masusunod dahil magulang mo ako' 'tularan mo si ate mo' ' bakit hindi ka katulad ng ate mo?' mga ganoon bagay. Pero sa totoo lang, sanay na ako sa mga ganoon linyahan." Bumuga ito ng usok.
"K-kung sanay ka na bakit gusto mo parin maging malaya?" Kuryos na tanong ko.
"Dahil nakakapagod, nakakapagod marinig 'yon. Tipong hindi mo na alam kung saan ka ba lulugar dahil puro kamalian lang ang nakikita nila sa'yo. Hindi mo alam kung saan ka ba laging nagkakamali tapos minsan mapapatanong ka na lang 'anong kasalanan ko noong nakaraan ko buhay para parusahan ako ng ganito.' Nakakapagod pero hindi mo alam kung paano ka magpapahinga." Mahabang salaysay niya.
Hindi ako naka-imik hindi dahil sa wala ako masabi, hindi ako naka-imik dahil hindi ko lubos maisip ang sakit na pinagdaranan ni Astrea. Habang pinakikinggan ko ang mga problema naramdaman ko na yung pagod at sakit paano na lang kung ako pa ang nakaranas nito.
"Ikaw?" Nawala ang atensyon ko sa pag-iisip nang marinig ko ang boses niya.
"Anong ako?" Takhang tanong ko.
"Ano ang pangarap mo?"
"Maging si superman," biro ko pa.
"Yung ka-kornihan ng kaibigan mo na adapt mo na," suplada niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...