Sigiero
Pababa na ako ng hagdanan at pasado alas-siete pa lang ng umaga ay gumayak na ako dahil kailangan ko pumasok ng maaga sa. Tuwing biyernes ay ganito ang aking sistema, pagkababa ay nakita ko agad si mama at papa na nakaupo kumakain sa hapag kainan. Binati ko sila at saka dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape.
"Grabe yung mga balita ngayon lalo na ang mga pagtaas ng mga bilihin," wika ni papa.
"Totoo, kaya nga mas magandang nagtitipid tayo," dagdag ni mama.
"Oo nga pala nasaan si Shai?"
"Nasa kaklase niya," sagot ko ng makaupo ako sa tabi nila.
"Ang aga niya naman pumunta roon, maiba tayo Rus malapit ka na mag kolehiyo at nakapili na kami ng mama mo para sa kursong kukunin mo." Napatingin ako kay papa nang sinabi niya iyon.
"Kukunin mo ay arkitekto tamang-tama iyon dahil ang tito at tita mo ay nandoon mabilis ka makapunta sa London," pagsang-ayon ni mama.
Wala silang sagot nakuha mula sa akin minabuti ko na lang kumain ng tahimik at hindi sila pansinin. Hindi rin nagtagal ay umalis na ako sa bahay, naglalakad ako ngayon papasok sa eskwelahan dahil malapit lang naman ito sa bahay namin. Kung bibilangin nasa benteng minuto lang naman ang kakainin oras at dahil medyo maaga pa naman ay naisapan ko ito gawin.
Napahinto ako sa isang tindahan para bumili ng band-aid para sa maliit na sugat na nakuha ko noong nakaraang araw.
"Ma, ayoko ho maging Accountant." Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang dalawang babae.
"Bakit naman?" Marahan na tanong ng ina.
"E, hindi ko naman hilig, ayoko gawin ang isang bagay na napipilitan lang ako, " wika ng anak.
Mabilis itong yinakap ng ina. "Kung d'yan ka sasaya , sige lang sino ba ako para hadlangan ang kasiyahan ng anak ko," wika nito.
Napayuko ako at tumingin sa ibaba hindi ko maiwasan malungkot at mainggit mayroon siyang magulang na kaya umintindi sa ayaw at sa gusto. Nagitla ako nang may kamay na umakbay sa'kin mabilis ako kumilos at liningon kung sino ito.
"Jai!"
"Ako nga! Kanina pa kita tinatawag at hindi mo ako linilingon akala ko nga nabingi ka na..." Ang kaniyang tingin ay lumipat sa kanan kamay ko
"Pero nang makita kita na pinaglalaruan mo 'yan alam ko na," seryosong wika niya.
Mabilis ko tinignan ang kamay ko at duon ko lang nakita na kanina ko pa pala pinaglalaruan ang lighter. Bukas pa ito kaya mabilis ko ito pinatay at tinago sa bulsa, nagkasalubong ang tingin namin ni Jai at hindi ito nagsalita alam ko naman na alam na niya.
"Mukhang ayaw mo magsalita ngayon, hayaan mo muna tara na, kapag tayo na late ikaw talaga sisihin ko," sambit niya at nauna na maglakad sa'kin.
Sinundan ko na lang siya at nakipag asaran na lang ako. Mabilis tumakbo ang oras at nakarating na kami sa eskwelahan nagpaalam si Jai na pupunta muna sa cafeteria para bumili ng almusal dahil nagugutom na raw siya.
Nauna na ako sa gym dahil doon ang napag usapan, pagkapasok ko ay isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa'kin. Dinig na dinig ang bawat hakbang ko, na upo ako sa may bandang gilid ng court. Minabuti ko mahiga saglit at ipikit ang mata.
"life is too cruel..."
Hindi pa ako tumatagal sa pagpikit ay narinig ko na ang tinig na iyon. Mabilis pa sa alas-kwatro ay dumilat ako at tinignan ang paligid ngunit walang bakas ng tao napakunot ako ng noo pangalawang araw ko na nakakarinig ng mga ganito. "Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Jai na may multo sa gym," isip ko. Naubo ako ng naamoy ko ang isang usok, mabilis ko tinakpan ang aking ilong at tumayo kung saan ako nakaupo. Bumukas ang pintuan ng gym at dinig-dinig ito.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...