3rd point of view
Matapos masaksihan ni Sigiero kahapon ang nangyari ay para ba itong walang gana na pumasok. Napansin ito ng kaniyang magulang at hindi na naiwasan magtanong kung ano na ang nangyayari dito. Linapitan niya ang anak niya na nakaupo sa sala at naghahanda para umalis sa kanilang bahay.
"Sigiero?" Tawag ni Lizel ang nanay ni Sigiero.
"M-ma?"
"May problema ba tayo?" Tanong nito.
"Ha? Wala po ma, a-ayos lang po ako." saad ng binata.
"Sigurado ka ba? Kahapon pa kita napapansin na parang tulala, ano na bang nangyayari sa'yo?" Tanong nito.
"Ma, ayos lang po ako wala po kayo dapat alalahanin."
"Siguraduhin mo lang anak, ayoko mawala ka sa pokus mo habang nag-aaral ka. Alam mo naman na ikaw lang maasahan namin ngayon." Seryosong saad ng nanay ni Sigiero.
"Opo ma," tanging naisagot ng binata.
Nagpaalam na ito na papasok na at umalis na ng kanilang bahay habang naglalakad si Sigiero ay hindi niya alam kung ano ba ang dapat niya iakto kapag makikita niya si Astrea. Dapat ba nito ipaalam o hindi. Pinagsawalang bahala muna nito ni Sigiero at pumasok na ito sa loob ng eskwelahan, habang naglalakad ito ay napansin niya agad sina Aphra at iba pa ngunit ang pumukaw sa atensyon niya ay sina Astrea at Alonzo na magkasama napansin ni Aphra si Sigiero at hindi naman ito nagalin-langan tawagin.
"Sigiero!" Malakas na sigaw niya.
Tila ba nagbigla ang binata sa kinilos ng dalaga, ngumiti na lang ito habang nangyayari ito ay inaasahan ni Astrea na lalapit ito sa kanila at makikipag-usap ngunit taliwas ang nangyari. Pagkatapos kumaway ni Sigiero ay mabilis na ito dumiretso sa may klasrum at iniwan sila.
"Weird, hindi siya lumapit sa'tin," puna ni Ashirina.
"Oo nga, hindi ba Astrea?"
"H-ha?"
"Ang weird iba?" Pag-uulit ni Asherina.
"S-siguro."
"Kilala mo siya?" Tanong ni Alonzo.
"Parang ganoon na nga." Maikling tugon ng dalaga.
Hindi na ulit nagsalita si Astrea at pinagsawalang bahala na lang ang mga pangyayari. Ngunit sa pag-aakala ni Astrea na babalik sila sa dati ay hindi ito nangyari apat na araw na ang lumilipas at hindi na ulit sila nag-usap pa. Sa tuwing magkikita ang dalawa tanginging ngiti na lang ang naisasagot ni Sigiero at nagkukunyari na may ginagawa. Ito ang dahilan na kinait ng ulo ni Astrea dahil para siyang nanghuhula sa kung ano na ba ang nangyayari sa kanilang dalawa.
"Astrea halika na! Nandoon na ang iba sa may auditorium para sa surpise!" Atubiling wika ni Asherina.
"Sunod ako mamaya," maikling wika niya at nagsindi ng sigarilyo.
"Anong mamaya? Halika na!" Pilit pa nito.
"Mamaya na nga, susunod ako ubusin ko lang ang sigarilyong hawak ko."
"Sige na nga, pero bilisan mo ha!"
Tumango na lang si Astrea at humipak pa ng usok napahilot ito sa sentido. Naramdaman niya na may lumapit sa kaniya at mabilis niya ito nilingon.
"Hindi ka pa rin nagbago, ang hilig mo parin sa sigarilyo," natatawang wika nito.
"Sino ba may sabing nagbago ako?" Walang ganang tanong ni Astrea.
"Pwede umupo?" Tanong nito.
"Ginagawa mo na nga,"
Mahina naman natawa ang binata sa inaasal nito, ilang araw na sila magkasama ni Astrea pero hindi niya pa rin maalis sa isip niya ang pagkamanghang nangyayari kapag nakikita niya ang dalaga. Nagsindi rin ito ng sigarilyo at hinilig ang ulo sa balikat ni Astrea.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...