Kabanata 30

1 0 0
                                    

Astrea

Pagkauwi ko kanina mula sa pag-uusap namin ni Sigs ramdam ko yung lungkot sa kaniyang mga mata. Kahit naman ako malulungkot pumasok ako sa loob ng bahay at kitang-kita ko ang pagiging abala nilang lahat. Hindi ako sanay na ganito sila, kadalasan ay walang tao kapag uuwi ako ng bahay pero heto ngayon, puno ng ilaw. Maiingay na salita ni mama nakita ko sila manang abala sa paghahanda ng lulutuin daw bukas.

"Mom? Bakit parang may piyesta bukas?" Natatawang tanong ko. Naupo ako sa coach at pinagmasdan sila.

"Special day bukas!" Sabat ni ate.

"Special? Moving up lang naman meroon bukas, anong special duon?"

"Dahil mag-moving up na ang bunso ko." Lumapit sa'kin si dad at yumakap.

"Parang kailan lang naglalaro ka pa sa putikan," natatawang wika ni mom.

Sinamaan ko na lang sila ng tingin at humalik sa kanilang mga pisnge. Hindi ko inaasahan na pwede pala maging masaya ang pamilya ko, hindi sila naging huli. Umakyat na ako at sinabing hindi na kakain. Gusto ko na lang magpahinga, agad ko naman tinapon ang sarili ko sa kama matapos ko maligo. Iniisip ko ag magiging kinabukasan ko, sigurado na ako sa kursong kukunin ko. Matapos kasi ng moving-up ko ay didiretso na kami sa maynila sa tuwing maalala ko ang mukha ni Sigs kanina para ba akong nasasaktan.

Ayoko siya paasahin lalo't na may ganitong mangyayari sa'kin pinikit ko na lang ang aking mga mata at nagpalamon na lang sa antok. Hinihiling ko na sana pumunta siya buukas para makapag-paalam ako sa kaniya. Hindi ko na namalayan at tuluyan na ako nakatulog.

Kinabukasan

Nagising ako dahil sa malalakas na katatok mula sa pintuan ko, aakalain mo na nasa horror movie ako dahil ganito ang mga tagpo kapag palapit na ang multo. Tumayo na muna ako at binuksan, tumambad ang mukha ng ate ko. Ngiting aso at may mga hawak ng kung ano-ano sa kaniyang kamay.

"Ate ang aga pa, mamaya pa yung program." Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata.

"Anong maaga pa? Marami tayong prosesong kailangan pagdaanan upang ayusin ang mukha mo," wika ni ate.

"Wag mo sabihin na gagamitin mo sa'kin 'yan?" Naguguluhan wika ko.

"Of course my dear little sister!" Hinila niya ako papasok sa loob ng kwarto ko at nagdasal na lang na sana ayusin ni ate ang gawa niya dahil minsan na nga lang ito mangyari.

May kung ano-ano pa siya ginawa sa mukha ko, mga pinahid na hindi naman ako pamilyar sa mga produkto. Bago niya pala ako lagyan ng mga ganiyan kanina ay pinaligo na muna ako, baka raw kasi may maka-amoy sa'kin tapos ma-turn off. Inirapan ko si ate nang sabihin niya iyon, matapos iyon heto na siya sa mga pa-arte niya sa katawan.

"Ate ano ba 'yan bakit mo pinaplantsa ang buhok ko?" Inis ko saad.

"Malamang para maayos buhok mo, at saka hindi ka ba pinagalitan? May kulay na pula ang buhok ko," puna niya pa.

"Wala naman sila magagawa kapag nagmatigas ako-Aray!" Napahawak ako sa braso ko.

"Anong walang magagawa? Ikaw nga, tigilan mo na ang paninigarilyo mo at pagbubulakbol mo. Kolehiyo ka na sa susunod na pasukan, isipin mo ang mga kinabukasan mo!" Pagpangaral niya pa sa'kin.

Pilit akong tumango plano ko naman talaga magtino na sa kolehiyo, pero yung paninigarilyo hindi ko mapapangako. Marami pang ginawa sa'kin si ate at umabot kami ng halos tatlong oras para lang ayusan ako. Kumakain ako habang inaayos niya ang buhok ko sinuot ko na rin ang uniporme ng eskwelahan namin pati na rin ang sapatos. Bumaba na kami dahil tinatawag na kami ni dad. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko dahil sabi ni ate 'wag muna para raw ma sopresa ako.

Urong SulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon