Astrea
Maaga ako nagising dahil sa usapan namin na pupunta ng ocean park sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanila tinignan ko agad ang telepono ko at naglalaman ito ng mnensahe ni Sigs.
Sigs.
Good morning excited to see you.
Ayan ang eksaktong laman ng mensahe agad ko naman binaba ang telepono ko at napatingin ako sa salamin tatlong linggo na mula mangyari iyon at hindi ko alam kung bakit ko pa rin nasabi iyon. Buntong hininga na lang ang nagawa ko at kumilos na. Ngayon ay ayaw ko muna isipin dahil wala talaga ako makuhang sagot. Hindi naman lumipas ang labing-limang minuto ay tapos na ako. Kaswal lang sinuot ko ng masigurado ko na ang kasuotan ko ay bumaba na ako saktong walang tao kaya dumiretso na ako sa labas. Kinuha ko ang bagong kotse na binigay sa'kin ni dad noong nakaraan. Mabilis ko naman ito pinaandar ito at dumiretso na sa bahay nila Sigs para sunduin ito.
Hindi naman katagalan ay nakarating na ako sa bahay nila saktong pagkarating ko ay palabas na itong gate kaya binusinahan ko para malaman niya na nandito na ako.
"Good morning," bati ko nang maibaba ko ang salamin ng kotse.
"Good morning too, napadaan ka?" Takhang tanong niya.
"Sinundo talaga kita, sakay na." Utos ko.
"Ha? Nag-abala ka pa," nahihiyang wika niya.
Hindi na ako nagsalita at hinintay na lang na makapasok siya sa tabi ko narinig ko na ang pagbukas ng pinto kaya hinanda ko na ang kotse. Nang makita ko nakasuot na siya ng seat belt ay pinaandar ko na ang kotse papunta sa ocean park.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Hindi pa, dumiretso agad ako dito."
"Heto." Napatingin ako sa kaniya at hawak niya ang isang sandwich sa kamay niya. Pinakatitigan ko muna ito at linapit ko ng kaunti ang mukha ko sa pagkain at kumagat pagkatapos noon ay bumalik na ako sa dati ko pwesto.
"Masarap ba?"
"Lagi naman." Maikling saad ko.
Kitang-kita ko sa salamin kung paano lumapad ang mga ngiti niya sa labi, hindi ko tuloy maiwasan ngumiti rin. Hindi na kami ulit nagsalita at hinayaan ko na lang manaig ang katahimikan sa'min dalawa. Hindi naman katagalan ay dumating na din kami at nauna na ako bumaba. Natanaw ko na ang iba at nakita ko na rin ang paglabas ni Sigs dumiretso na ako para puntahan sila.
"Uy, aga ah." Puna ni Ashirina.
"Hindi ako tulad mo," pang-aasar
"Wow, sakit mo sa apdo." Umakto pa ito na nasasaktan.
Nginitian ko na lang ito na bigla ako ng maramdaman ko may umakbay sa balikat ko, mabilis ko hinanap kung sino ba ito at si Sigs lang. Hindi ito nakatingin sa'kin kinalma ko na lang ang sarili ko.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong niya.
"Oo, tara na gusto ko na mga ikot," wika ni Lady.
"Tara na!" Sabay-sabay nilang sagot.
Pinanood ko sila maglakad ngunit nang maramdaman ko may humawak sa pulsuhan ko at nagpatianod na lang ako sa hila nito. Si Sigs lang pinapanood ko siya hilahin ako una namin pinuntahan ang aquarium na maraming isda, ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Natutuwa ako sa mga maliit na isa na magkakasama. Liningon ko ang lalaking may hawak sa'kin, nakangiti rin ito para siyang batang tuwang-tuwang pinagmamasdan ito.
"Sigiero tignan mo oh kamukha mo ito!" Sigaw ni Jai. Nakaturo ito sa piranha na isda.
"Nakakainis ka talaga!"
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...