Astrea
Parehas kami gulat ni Sigs nang makita namin ang isa't-isa agad ko naman binitawan ang librong hawak niya para tuluyan niya ito makuha. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko akalain na magkikita kami, tinignan ko siya at ngayon naman ay nakatingin din ito sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako.
"Sigs,"
"Astrea,"
Halos makapanabay namin wika, napansin ko rin na ngumiti na rin ito, inayos ko ang tindig ko at humarap na kay Sigs. Nakasuot ito ng Oversized vintage long sleeves at ang pababa naman ay isang chinos. Samahan mo pa ng magulo niyang buhok na mas lalong nagpa-angat ng kaniyang aura. Tinigil ko na nag pagtingin sa kaniya at baka kung ano ang isipin niya pa.
"Hi." Nagitla ako sa kaniyang pagbati pero pilit ko ito tinago.
"Hello, good to see you," wika ko.
"Ano pala ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Nagpapalamig," sagot ko.
"Huh?" Bakas sa mukha niya ang pagkalito.
Nang sana siya aking na sasagutin ay bigla naman tumunog ang telepono ko at agad ko ito tinignan rumihistro naman ang numero ng ate ko kaya pinatay ko na lang ito para hindi makatawag ulit pa. Napabuntong hininga na lang ako, ayaw ako tantanan binalik ko na lang ang tingin ko kay Sigs at hindi na ako nagulat nang makita ko siyang nakatingin sa'kin.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.
"Oo,"
"Huy bakit ka uupo dito!" Saway niya sa'kin ng bigla ako mapaupo, sinandal ko ang leeg ko sa bookshelf dahil na rin sa pagod.
"Astrea..." Tawag niya pa sa'kin.
"Shhh, ang ingay mo," sagot ko at ipinikit saglit ang aking mga mata.
"Wag ka umupo d'yan, baka mapagalitan tayo ng gwardya," nag-aalalang saad niya.
"Masyadong masunurin," bulong ko.
"Ha?"
"Wala, umupo ka na lang sa tabi ko," utos ko pa.
"P-pero..."
"Kung ayaw mo naman pwede mo na ako iwanan-"
Naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa tabi ko, lihim na lang ako napangiti. Tahimik lang kami at hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko parang pagod na pagod ako ngayon araw kahit totoo naman.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.
"Ano sa hula mo?" Balik na tanong ko.
"Hindi," diretsang sagot niya.
"Paano mo nasabi?"
"Hula ko lang,"
"Galing mo naman," biro ko pa.
Hindi ito nagsalita kaya napamulat ako ng mga mata at may kinukuha siya sa kaniyang bulsa napakunot ako ng nuo sa ginagawa niya hanggang sa makita ko ang telepono niya at earphones. May kinalikot ito at sinasaksak ang earphone, sinuot niya ang isang pares sa kaniya sa parteng kanang at hindi ako nakagalaw ng bigla niya ilapit ang kaniyang mukha sa'kin parang huminto panandalian ang mundo ko. Naramdaman ko na lang na inilagay niya sa'kin ang isa pang pares ng earphone at bumalik sa kinauupuan niya. Hindi mawala yung kabog sa dibdib ko, hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa dibdib ko.
"Minsan ang musika ang takas natin sa mga problem," mahinang wika niya pero sapat lang para marinig ko. Bumalik ako sa ayos at tumingin sa harapan ko kung saan ang mga libro ay nakaayos.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...