Kabanata 20

1 0 0
                                    


Jai

Nakasimangot ako habang hinihintay si Sigiero bumibili kasi ito ng bulaklak pang-pitong araw na niya bumibili ng bulaklak at hindi ko alam kung kanino niya ba ito binibigay. Isang linggo na rin mula noong makita ko siya sa plaza tinanong ko rin naman siya kung anong ginagawa niya roon ngunit nginingitian na lang niya ako. Tumunog ang telepono ko at naglalaman ito ng mensahe ni Lady napangiti na lang ako dahil maayos na kami at nagkakaintindihan na rin.

"Hindi ba na ngangawit ang bibig mo sa kangingiti?" Napatingin ako sa nagtanong.

"Kaysa naman saiyo na puro bulaklak ang binibili," masungit na tugon ko.

"Tara na nga," tanging saad niya na lang.

Tumayo na rin ako at binulsa ang telepono lumabas na kami ng tindahan at sinabayan ito ng paglalakad nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngiti. Sinamaan ko ito ng tingin at hindi ko pa rin mahinuha kung kanino niya ito binibigay. Noong nakaraan araw ang binili niya ay isang bugkos na oras ngayon naman ay daisy.

"Saan sementeryo mo dadalhin niyan?" Pang-aasar ko.

"Anong sementeryo?!" Inis niyang tanong.

"Sementeryo, cementery, libingan ng mga patay-"

"Alam ko 'yun!" Huminto ito at tinignan ako ng masama.

"Alam mo naman pala e!"

"Hindi ko ito dadalhin sa sementeryo! Mukha na ako pupunta sa sementeryo?"

Pinipigil ko ang aking pagtawa dahil namumula na ito at salubong ang mga kilay, umayos ako at tinignan siya ulit.

"Eh kanino mo ba ibibigay 'yan? Mag-iisang linggo ka na ganiyan!"

"Basta!" Naglakad na ito ulit at mas binilisan niya pa ang paglalakad.

"Hoy! Hintayin mo ako!" Sigaw ko.

"Manahimik ka diyan!" Sigaw niya pabalik.

Nailing na lang ako dahil may hindi ito sinasabi sa'kin, hinabol ko na lang ito at patuloy na tinatanong pero hindi na ako pinapansin hanggang sa makarating kami sa eskwelahan napapatingin na ang iba sa'min marahil pati sila ay nagtataka kung bakit ganito ko kulitin si Sigiero. Kung totoo ang hinuha ko maraming babaeng iiyak kapag totoong may nililigawan na ito.

Pagkapasok namin sa loob ng klase ay bahagya kami nagulat dahil ang ibang 4th year student ay nandito kaya napakunot ako ng nuo, hinahanap ko agad si Rhys at nandoon sa gilid paningurado ay naglalaro na naman sa telepono niya nang makita ko si Rhys ay mabilis ko ito nilapitan. Liningon ko naman si Sigiero at nawala ito sa pwesto niya nilibot ko ang mga mata ko at huminto ito nang makita ko ito kausap niya si Astrea?

"Rhys tignan mo!" Mabilis ko kalabit sa kaniya.

"Ano ba! Naglalaro ako e!" Inis niyang sabi.

"Tignan mo si Sigiero binigay yung bulaklak kay Astrea!"

"Ha?!"

Akala ko ay namamalikmata lang ako pero totoo nga, binigay ni Sigiero kay Astrea ang bulaklak na binili namin agad umingay ang paligid namin at nagsimula ang mga tuksuhan nakita ko ang pagiging walang pakialam ni Sigiero at dito ko na napagtagpi-tagpi ang lahat. Tumayo na lang si Astrea at hinila si Sigiero palabas ng klasrum.

"Nakita mo ba yung nakikita ko?" Hindi makapaniwalang wika ni Rhys.

"Oo." Natawa ako at tinapiktapik na lang ang balikat ni Rhys at animo'y siya ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina.

Dumating na ang propesor namin at nagsibalikan na kami sa dati namin mga upuan, wala pa rin si Sigiero at hindi ko maiwasan mangisi dahil nagagawa na niya ang mga bagay na hindi naman niya dati nagagawa.

Urong SulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon