3rd point of view
Dalawang araw na ang lumipas nang mangyari ang gulo sa pagitan ni Aliana at Astrea, simula din nang araw na iyon ay lagi na magkasabay kumain si Astrea at Sigiero. Miyerkules na ng umaga at masayang naglalakad papasok si Sigiero, dala-dala nito sa kanan kamay niya ang nilutong pagkain para sa kanila. Kahapon, ang niluto niya ay Sinigang nagustuhan ni Astrea ito at nagsabi sa kaniya na baka raw ay pwede ito magluto ng sisig.
Hindi naman tinanggihan ni Sigiero ito kaya nagluto siya, sa paglalakad ni Sigiero ay napahinto siya sa may parke mapalapit sa eskwelahan niya. Tumingin siya sa dala niyang relo at pasado alas-siete pa lang ng umaga. Isang pamilyar na likod ang pumukaw sa atensyon ni Sigiero, hindi ito nag-alinlangan na puntahan ito.
Sa halos ilang araw na nila magkasama ay kilala na ni Sigiero ang amoy sigarilyo ng dalaga. Nadatnan niya ito nakaupo sa damuhan at nakatingin lang sa harapan, inimbitahan ng binata ang kaniyang sarili na maupo sa tabi nito.
"Ang aga mo naman dito," mahinang saad niya.
Hindi gumalaw ang dalaga, hindi rin ito na gulat bagkus ito ay bumuga lang ng panibagong usok. Huminga ng malalim si Sigiero at may mga tanong ang nabuo sa utak ng binata.
"May tanong ako..." Tumingin ang binata kay Astrea ngunit hindi ito pinagtutuunan ng pansin ng dalaga.
"Bakit parang lagi malungkot ang mga mata mo?"
Napahinto ito at marahan lumingon sa binata,napansin ng dalaga ang pagiging seryoso nito. Mula noong makilala niya ang lalaking ito ay para bang may nagbago sa buhay niya pero hindi niya alam kung ano.
"Malungkot..." Wika ni Astrea
"Ano ba ang depinisyon ng malungkot?" Tanong nito sa hangin.
"Kapag ba pakiramdam mo hindi ka mahalaga? Kapag ba nakaramdam ka ng pag-iisa?" Natatawang tanong ng dalaga.
"Astrea..." Tawag ng binata.
"Alam mo sa tuwing malungkot ako bigla ka dumadating, may sa mahika ka ba?" Natatawang biro nito.
Hindi ka agad nakapagsalita si Sigiero dahil may parte sa puso niya na natuwa siya sa narinig nito. Pinagmasdan niya lang ang dalaga at hindi na muli nagsalita, biglang nakaramdam sila ng lamig at ang hangin ay humahalik sa kanilang mga balat.
"Bakit ang aga mo pala?"
"A-ako?" pagkukumpirma pa ni Sigiero.
"May iba pa bang tao dito?"
"A-ah, ganito talaga pasok ko," pagsisinungaling niya, hindi ito totoo dahil sa katunayan maaga siya pumasok para abangan ang dalagang kausap niya ngayon.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang sagot ni Astrea.
"Oo, minsan kasi gusto ko umalis ng maaga sa bahay para sa eskwelahan na lang mag-iintay"
"Maganda 'yan,para nasasanay ka hindi malate," pagsang-ayon nito.
"Ikaw?"
"hmm,nagpapalamig ng ulo kaya dito ako dinala ng mga paa ko,"
"Sana maging maayod na,"
"Sana..." Mararamdaman mo ang lungkot kahit paano sa toni ng pananalita ang dalaga
"May tanong pala ako," Biglang saad ni Astrea.
"Ano 'yun?"
"Ilang taon ka na nag-aaral sa Greenville?"
"3 years,bakit?"
"Sa buong 3 years ilang beses ka na umabsent?" Kuryos na tanong nito.
Napakunot ng nuo ang binata, biglang hinalungkat ang memorya at binilang kung ilang beses na ba ito lumiban sa klase. Ginamitan na niya ng kamay para lang hindi ito malito.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...