3RD POINT OF VIEW
Nakapangalumbaba lang si Sigiero habang ang mga kasama niya ay nag-uusap at hindi niya pa rin magawang makalimutan ang nangyari noong nakaraan. Dalawang araw na kasi ang lumipas nang masigawan siya ni Astrea at matapos noon ay hindi na ulit sila nag-uusap. Hindi niya alam ang dapat na gawin dahil ngayon lang naman nangyari ito sa kaniya, napabuntong hininga na lang ito at na pansin ni Jai iyon.
"Pang-limang buntong hininga mo na yan," wika niya.
"H-ha?" Napatingin si Sigiero sa kaniyang kaibigan.
"Kanina ka pa gumaganyan, hindi mo nga ginalaw ang pagkain mo,"
"Wala akong gana kumain," mahinang sambit ng binata.
"Ngayon ka na nga lang sumabay sa pagkain ay nawalan ka naman ng gana,"
"H-hindi ko naman sinasadya, hindi lang talaga maganda yung mood ko," bakas sa boses niya ang lungkot.
"Ano ba kasi ang nangyari? Dalawang araw ka ng ganyan, simula ng pagbalik mo ay iba na ang mga kilos mo, may nangyari ba?" Pag-uusisa nito.
"Ano kasi may kaibigan kasi ako..." Panimula niya.
"Oh? Anong meroon diyan sa kaibigan mo?"
"May kaibigan din siya, yung kaibigan niya ay may parang problema kaya nilapitan ito ng kaibigan ko at ngayon nasigawan siya pero naiintindihan naman ng kaibigan ko kung bakit naging ganoon ang akto ng kaibigan niya. Sa tingin mo ba ano kayang pwedeng magandang gawin?" Mahabang salaysay ng binata.
Balak sana pilosopohin ni Jai si Sigiero pero bakas sa mata niya na sobrang problemado ito, umiling a lang siya ng ilang beses at sinabit ang kamay niya sa balikat ng kaniyang kaibigan.
"Yung kaibigan na tinutukoy mo ay sabi mo naintindihan niya kung bakit naging ganoon ang naging akto ng kaibigan niya?" Pag-uulit nito.
"Oo,"
"Sa tingin ko ibigay mo ang hilig niya,"
"Paanong hilig?"
"Bigyan mo ng pagkain o kung anong bagay na magpapasaya sa tinutukoy mong kaibigan,"
Mabilis ito napalingon si Sigiero kay Jai at nabigla naman ang kaniyang kaibigan. Mababakas sa mukha ni Sigiero na nabuhayan na ito ng loob, kahit papaano ay bumalik na yung sigla sa mga mata niya.
"Mapapasaya kaya siya?" Seryosong tanong niya.
"Oo naman, sino ba naman ang may ayaw kapag binigay ang gusto mo?"
"S-sige salamat!" Masayang wika ng binata.
Bumalik sa pag-iisip si Sigiero may plano na ito para humingi ng tawad kay Astrea dahil sa pagiging makulit niya noong nakaraan ngunit, may isa pa rin problema. Hindi niya alam ang hilig ng dalaga, panibagong problema na naman ang kinaharap nito. Matapos nila kumain sa cafeteria ay pumasok na sila sa kaniya-kaniyang club dahil friday ngayon, sa kaniyang paglalakad ay nakita niya si Ashirina isa sa mga kaibigan ni Astrea naisip nito na baka alam niya ang mga gusto at ayaw ng dalaga hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Sigiero at mabilis niya ito pinuntahan sa may bulletin board dahil nandoon ito.
"Hello?" Mahinang tawag niya. Mabilis na napalingon si Ashirina dahil sa boses ng binata, nagtatakhang tinignan niya ang binata dahil hindi naman normal na kausapin ito kaya nakakunot nuo niya ito tinignan.
"Hello, Sigiero right?" Pagkukumpirma pa nito.
"Yes, may gusto sana ako itanong?" Wika niya.
"Sige, ano ba ang tanong mo?"
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...