Ashirina
Mga pangyayari bago magkita sina Astrea at Sigiero.
Nagising ako sa isang malakas na katok ng mula sa pinto ko, padabog ko ito binuksan at sumalubong sa'kin ang mukha ng kapatid ko. Masama ang tingin sa'kin at nakabusangot, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at nakapambahay na ito.
"Ang aga-aga nambubulabog ka linggo ngayon pwede ba pagpahingahin mo naman ako?" Inis ko wika.
"Ikaw kaya ang nakakainis!" Singhal niya pa.
"Aba, hoy Jared ikaw ang kumatok dito sa pintuan ko ng ganito ka-aga tapos ikaw pa galit?"
"Tse! Bumaba ka na yung boyfriend mo nandyan sa baba, isusumbong kita mamaya kay mama!" Bigla na lang ito nawala sa paningin ko at hindi na proseso ng utak ko ang sinabi niya.
Ilang minuto ang lumipas bago ko nareyalisa ang mga sinabi ni Jared sa'kin, ako? May boyfriend? Kailan pa? Bumalik ako sa kwarto para magbihis ng suot ko at hindi naman ito inabot ng matagal pagkababa ko ay masama pa rin ang tingin sa'kin ng kapatid ko at nakita ko may lalaking naka-upo nga sa tabi ni Jared. Sa pagkakatanda ko wala ako sinagot, marahan ako naglakad at tinignan ng maiigi kung sino ba itong tinutukoy ni Jared. Ilang metro na lang ang layo ko sa kaniya ng mamukhaan ko ito.
"S-sigero?" Gulat na wika ko.
"A-ah hello." Tumingin ito sa'kin.
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman bahay namin?" Sunod na sunod na tanong ko.
"Nalaman ko lang kay Aphra, pasensya na sa biglang pagpunta ko dito gusto ko sana hinilingin ang tulong mo," wika nito.
Napansin ko na may dala-dala itong malaking lalagyan at nakasuot din ito ng black pants at white t-shirt. Mas lalong bumagay sa kaniya ang magulong buhok nito, mukhang nahihinuha ko na kung ano ang dahilan niya kung bakit ba siya nandito. Tinignan ko si Jared at sinenyasan ko ito na umalis muna alam ko rin na nahihiya ito si Sigiero. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago talaga umalis ng makasiguro ako na wala na si Jared ay naupo ako sa tabi ni Sigiero.
"Sige anong tulong niyan?"
"Pwede mo ba tawagan si Astrea?" Mahinang sambit niya.
"Si Astrea?" Pagkukumpirma ko pa.
"Oo, gusto ko sana siya lutuan dito tapos ibigay yung peace offering ko."
"Hmmm, sige ano ba pinag-awayan niyo?" Pag-uusisa ko.
"Hindi naman kami nag-away p-parang nasigawan niya ako,"
"Ha?" Gulat na tanong ko. Napakunot ako ng nuo nang makita ko yumuko siya, ang oa ng reaksyon mo Ashirina. Kung nasigawan siya ni Astrea bakit ito ang gumagawa ng paraan para mag-kaayos sila? At saka close friend na ba sila?
"Kasalan ko kung bakit niya ako nasigawan, makulit kasi ako." May bahid ng sakit ang salita niya.
"Maari ko ba malaman kung bakit mo ginagawa ito?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tanungin ito dahil nagduda na talaga ako.
Tumingin ito sa malayo at marahan na ngumiti. "Noong una ay akala ko ay nahihiwagaan lang ako sa pagkatao niya pero nang magsimula kami mag-usap may parte sa pagkato ko na gusto ko pa siya makilala yung totoong siya kasi pakiramdam ko ay iba yung totoong karakter niya at dahil nakakapag-usap na kami ayoko ito mawala kaya ginagawa ko ito. Kasalanan ko naman kasi talaga kinulit ko siya pero nang makita ko siya umiyak hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na aluhin siya." Mahaba niyang salaysay.
Napanganga ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na ganito ang magiging sagot niya sa'kin. Sa mga ganitong pagkakataon ay gusto ko na lang maging si Astrea, hindi ko akalain na sa tagal namin magkaibigan ay makakilala ako ng isang taong magpapahalaga kay Astrea. Napasandal ako sa upuan namin at humuni.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...