Sigiero
Nakauwi na ako galing sa eskwelahan at hindi ko na rin ulit nakita si Astrea kanina matapos namin magusap hanggang ngayon ay hindi pa rin nagproproseso sa utak ko ang mga sinabi at narinig ko mula sa kaniya. Pagkabukas ko sa pintuan namin ay sumalubong sina mama at papa na nasa sala at may kausap narinig ko naman ang mga kaluskos sa kusina at panigurado si Shai iyon.
"Anak bakit ka ginabi?" Tanong ni papa.
"Marami lang ho tinapos sa eskwelahan," sagot ko.
"Ayun naman pala Amiro, hayaan mo ang anak natin gumawa ng mga bagay na para sa eskwelahan," alo ni mama kay papa.
"O, siya, pumarito ka na at kausap namin ang tito mo," sagot ni papa.
Ngumiti na lang ako ng pilit at pumasok na sa loob, nagpagpag lang ako at pumunta na sa pwesto nila mama. Labag man sa kalooban ko ay pinilit ko ang sarili ko na sundin sila.Nakita ko si tito masaya at kumakaway sa'kin. Mabuting tao si tito Justin siya ang panganay na kapatid ni Mama, breadwinner ito sa pamilya kaya pumunta sa ibang bansa. Ngayon, wala itong anak ngunit mayroon asawa mas pinagtutuunan nilang ng pansin ang kaniyang negosyo roon sa amerika. Bukod sa pagnenegosyo ay isa rin engineer si tito. Sa lahat ng mga pamangkin ni tito ako ang gusto niya pag-aralin at dalhin sa amerika dahil sa aking talino .
"Sigiero ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni tito. Kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya, inayos ko ang sarili ko at ngumiti.
"Opo, napagod lang po ako sa mga kaganapan sa eskwelahan," saad ko.
"Ang sipag mo talaga, tama lang na ikaw ang pinili ko." Ngumiti pa ito.
"S-salamat po,"
"Siya nga pala, padadalhan kita ng mga gamit na binili ko para sayo magagamit mo 'yon at saka bagong telepono,"
"Nako tito sobra na po ata," nahihiyang sagot ko.
"Aysus ayos lang 'yan, ikaw ang future architect ng pamilya natin!" Buong loob niyang sinabi.
Mas lalo ako nakaramdam ng sakit at natapos ang aming usapan ay nagpaalam na ako sa kanila. Gusto ko na magpahinga dahil marami ang naganap sa maghapon ko pagkapasok ko sa aking kwarto ay mabilis na dumiretso sa banyo para maligo. Hindi naman katagalan ay lumabas na rin ako at hinagis ko ang aking katawan sa malambot na kama. Ngayon ko naramdaman ang lahat pagod, pagaalala,pagiisip,saya at pagtatanong.
Maraming tanong ang naiwan na naman sa utak ko, isa na rito ang tanong ni Astrea sa'kin kanina, habang nilalamon ako ng antok ay may isang imahe ang lumitaw sa'kin isipan at iyon ang mukha ni Astrea habang nakangiti. Hindi na ako nanlaban pa at nagpadala na lang sa uguy ng antok at hinayaan na malunod dito.
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagtunog ng telepono ko at kasabay nito ang pagkalampag ulit ng aking pintuan. Labag sa kalooban ko na tumayo at kunin ang telepono ko sa mesa, binuksan ko ang aking pintuan at bumungad sa'kin ang mukha ng aking kapatid.
"Kuya kanina pa kita ginigising akala ko patay ka na," biro niya pa.
"Ano ba kailangan mo?" Bugnot na tanong ko.
"Hindi ako, nandyan na si kuya Jai kanina ka pa hinihintay sa baba," saad niya pa.
"Sabado ngayon ah bakit nandito si-" Kusa ako napahinto ng manumbalik ang memorya ko kahapon. Tumingin ako sa aking telepono at nakita ko ang iilang text message ni Jai sa'kin.
Napasapo ako ng aking mukha at hindi na nagsayang ng oras dumiretso na sa banyo. Binilisan ko ang pagligo ganoon din ang pagbibihis hindi na ako nakaisip pa ng aking susuotin dahil sa pagmamadali, lumipas lang ang kinse na minuto ay bumaba na ako. Nakita ko pa si Jai na nakiki-almusal at agad ko naman ito linapitan para tapikin.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...