Kabanata 5

1 0 0
                                    


WEDNESDAY

DAY ONE

Ashirina

Pinakita ko sa guard ang id ko at pinapasok naman halos mapupudpod na ang daliri ko kaka-tipa ng mensahe kay Astrea nakaramdam ako ng pag-aalala. Nagtataka din ako kung bakit wala siya kaninang alas-singko sa harap ng bahay namin. Hindi naman ugali ni Astrea iyon ayaw na ayaw niya inaabutan ng umaga sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako at minabuti na dumiretso na lang sa may field dahil duon gaganapin ang 4 day event. Sa paglalakad ko ay napansin ko na marami rin pala ang mga studyante na hindi naka-uniporme akala ko ako lang. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa field at naupo lang ako sa may bench tinignan ko ulit ang telepono para alamin kung nag-reply na ba si Astrea.

"Himala, hindi mo kasabay si Astrea." Nagitla ako ng may marinig ako nagsalita sa gawing kanan ko.

"Ang aga-aga sinisira mo araw ko," masungit ko saad sakaniya.

"Ang arte mo," pang-iinis niya pa.

"Ang asyumero mo Vincente,"

"Yah! Don't call me that, it's Vince or Love for shot." Naramdaman ko na lumingkis ang mga braso niya sa balikat ko.

"Hey, don't touch me, mamaya may germs ka!" Tinabig ko siya ngunit masyado ito malakas kaya hindi ko napagtabuyan.

"Wow, parang hindi ako naging crush noong grade 7,"

"Past is past at saka nagayuma mo ako dati," inis ko wika.

"Ashirina." Napataas ako ng tingin at tumambad sa'kin ang mukha ni Astrea.

"Bakit ngayon ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

"Tara," saad niya at nag-martsa paalis.

Hindi na ako nagdalawang-isip na sumunod sa kaniya hindi naman ito nagsasalita kaya minabuti ko na lang din na huwag na magtanong pa. Huminto kami dito sa may puno mga ilang dipa rin ang layo sa kinauupuan ko kanina. Tinapon niya ang bag nito sa gilid at nahiga ito naupo na lang din ako sa tabi niya.

"Nag-away ulit kami," mahina niyang saad.

Agad ako napatingin sa kaniya wala ka mababakas na emosyon minsan mapapatanong ka na lang kung paano niya kinakaya ang lahat. Higit sa tatlong na taon na kami magkakilala at simula't simula ganito na siya, hindi madalas ipakita ang kahinaan niya. Hindi ko alam kung maganda ba ito o masama isa rin sa ugali niya ang hindi mag-kwento pero magsasabi ng mga palaisipan na salita.

"Mahirap ba ako intindihin?" Natigilan ako sa tanong niya,

"Lahat naman tayo mahirap maintindihan pero may isang tao darating sa buhay natin na kahit gaano ka kahirap intindihin mananatili pa rin sa tabi mo," saad ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Lalim mo," sagot niya. Mabilis napawi ang mga ngiti sa kaniyang mga labi. Tumingin ito sa kalangitan at animo'y nakikipag-usap na naman sa hangin, ilang segundo rin siyang ganiyan.

"Darating kaya sa'kin 'yon?" Hindi ko naintindihan ang mga sinabi nita dahil mas nangibabaw ang boses ng aming Punong-guro.

Mabilis na rin kami tumayo at nanatili kung saan kami naka-pwesto nagsilapit ang mga studyante sa may entablado na nakalagay sa may gitnang parte ng soccer field. Nakita ko naghahanda na magsigarilyo si Astrea napailing na lang ako isa rin sa madalas gawin ng kaibigan ko ay ang manigarilyo.

"Magadang Umaga Greenvill High Student, ngayon umaga ay nais ko sabihin na ito ang unang-araw ng 4-day Event na inorganisa ng mga teachers at ssg student council. Salamat din sa kanila dahil mayroon tayo magagandang disenyo na makikita niyo gilid, ginawa itong 4-day event para kahit papaano ay magkaroon ng pahinga ang mga studyante-"

Urong SulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon