8 YEARS LATER
Nagmamadali ako bumaba dahil late na ako, lumabas na agad ako ng condo ko at dumiretso sa parking lot. Pagkapasok ko pa lang sa kotse ay maka-ilang beses na tumunog ang telepono ko, tinignan ko ito at iisang tao lang ang tumatawag.
[ hello?!]
"hello? Papunta na ako!"
[ Dalian mo, kahit kailan talaga lagi kang late sa ganitong okasyon]
"Sorry na nga e, paalis na ako Love you!"
Binaba ko na ang tawag ko at nagsimula paandarin ang kotse, hinihiling ko na sana ay walang traffic dahil panigurado magagalit ito sa'kin. Sa kabutihang palad naman ay wala, dumaan na rin ako sa may coffee shop para bilhan ito ng kape pampalubag loob lang sa late ko. Inabot ako ng isang oras sa biyahe kasama na ang pagbili ko sa kape, nakarating na ako sa location at nakita ko na ito.
"Zandric!" Sigaw ko.
Huli na ng mareyalisa ko ang ingay na ginawa ko, napatingin sa'kin ang ibang tauhan ni Zandric at nakakahiya ito. Lumapit na lang ako dito at hinalikan sa pisnge upang maging pagbati.
"You're 2 hours late," seryosong saad niya.
"Sorry na, ang dami ko kasing ginawa kagabi." Napakamot ako sa ulo.
"Psh, sabihin mo lang nakalimutan mo na ngayon ang opening ng shop ko!"
"Isa na rin 'yun, Maiba tayo here!" Inabot ko sa kaniya ang bili ko kape.
"Coffee?"
"Yes, you're addicted sa coffee kaya ayan peace offering ko,"
"Fine,"
"Uy ang ganda ng botique shop mo!" Puna ko.
"Siyempre duh,"
Si Zandric ang isa sa mga naging kaibigan ko noong kolehiyo, naging malapit kami sa isa't-isa dahil na rin sa awrang binibigay niya. Yinakap ko na lang ito at nagpahinga sa kaniyang bisig, totoong nakakapagod ang adult life.
"Nagpahinga ka na ba?" Taong nito.
"Oo, may 3 hours sleep na ako," natatawang tanong ko.
"Oh." Napatingin ako sa kamay niya at may isang stick ng sigarilyo dito.
"Thank you!" Natutuwang saad ko.
Bumitaw ako sa kaniya at nag-paalam na lalabas muna dahil maninigarilyo muna ako, isa ito sa habit na hindi ko nagawang tanggalin at kalaunan na tanggap din nila dad ito. Walong taon na rin ang lumipas at masasabi ko marami na ako na achieve sa buhay.
"Astrea?" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
"Sino ka?" Takhang tanong ko.
"Riza!" Halos makapanabay pa naming saad.
Mabilis ko siyang yinakap at hindi ko aakalain na ngayon na lang ulit kami magkikita. Parang kailan lang ay highschool lang kami ngayon iba na. Bumitaw kami sa pagkakayakap at tinignan ko siya, ibang-iba na ang itsura niya.
"Kamusta ka?" Tanong ko.
"Heto maayos naman! Ikaw ba?"
"Ito stress na sa adult life." Natatawang saad ko.
"Grabe stress ka na niyan? Bakit ang fresh mo pa rin?" Biro niya pa.
"Ewan ko sa'yo, maiba tayo laki na ng pinagbago mo!"
"Grabe ka naman, ay nga pala baka gusto mo pumunta sa kasal ni Sigiero," nakangiting wika niya.
Unti-unti nawala ang ngiti sa labi ko at ang mga huling salita ay paulit-ulit sa tenga ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Tila ba naging bingi ako sa lahat at tanging iyon lang ang umiikot sa tenga ko.
"K-kasal?" Pag-uulit ko.
"Oo, sa makalawa na iyon. Punta ka ha..."
Hindi na ako ulit nakasagot dahil para bang nalutang ako sa mga sinasabi at hindi makuha ng utak ko. Umuwi ako sa bahay na may malalim na iniisip, lahat nagbabago at baka pati rin siya. Baka habang hinahanap niya ako nakakilala siya ng ibang mas kayang intindihin siya, hindi naman kaso 'yon dahil normal lang naman. Oo, normal lang makakilala. Kumuha ako ng alak sa refrigerator at inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng mga trabaho ko. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano at mas piliin ko na lang maging masaya para sa kanila.
Araw na ng kasal at pinadala lang sa'kin ang damit na susuotin ko, balak ko sana ayain si Zandric kaso busy siya kaya hindi ko na ito inabala nag-drive na ako papunta sa simbahan. Habang nag-drive ako ay ramdam ko ang kaba sa buong katawan ko, inabot lang naman ako ng dalawang oras dahil naligaw pa ako. Pagkababa ko ay napansin ko rin na marami na ang tao, pumasok na ako sa loob at naupo lang ako sa gilid.
Nagsimula na ang kasal at hindi ko at para bang nagsisi na ako sa pagpunta ko dito, gusto ko na lang umalis. Nakita ko na si Sigiero na naglalakad, malaki ang pinagbago niya, naging mas matipuno na ito at halata na masaya ito sa buhay. Pinunasan ko ang mga luhang pilit kumakawala sa'kin. Nakita ko na ang pagpasok ng bride at bigla ako napakunot ng nuo, kapatid ito ni Sigiero?
Biglang nagdugtong-dugtong ang mga hinuha ko at hindi si Sigiero ang ikakasal talaga, kung hindi ang nakakabata niyang kapatid. Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdaman ng kasiyahan na hindi ko maipaliwanag. Natapos ang kasal at dumiretso kami sa reception nakita ko ung iba pa namin kaklase.
"Uy, kamusta ka na?" Tanong ni Jai.
"Heto ayos lang, kayo ni Lady?"
"Ikakasal na kami next year," nahihiyang saad nito.
"Talaga? Congrats!"
"Oo, punta ka ha!"
"Oo naman-"
"Astrea?" Napalingon ako nagsalita.
"T-tita?" Mama ni Sigiero.
"Ikaw nga hija, kamusta ka na?" Nagagalak niyang tanong.
"Ayos naman ho, kayo po?"
"Ay eto, hindi makapaniwala na kasal na ang bunso ko, parang kailan lang e. Nauhanan pa niya kuya niya." Natatawang saad ni Tita.
"T-talaga ho?"
"Aba'y oo, siya nga pala alam na ba ni Sigiero nandito ka?"
"H-hindi pa po ata,"
"Teka tawagin ko,"
"Tita, ako na ho. Magpapahangin muna po ako sa labas." Pigil ko.
Nginitian na lang niya ako lumabas na muna ako at naupo sa may bench sa gilid ng fountain, malalamig na hangin ang sumalubong sa'kin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sigiero sa kabutihang palad ay nagdala ako ng pamalit sa gown ko kaya nag nagpalit muna ako ng pang-office ko, hindi rin ako sanay sa ganitong damit, matapos ko magpalit ay bumalik ulit ako sa bench at duon na naisipan magpalipas ng oras. Sa ganitong panahon ay masarap manigarilyo, kinapkap ko ang bulsa ko para maghanap ng isang stick at sa kabutihan palad mayroon naman.
Ngunit wala akong lighter, muli ako naghanap at naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Hindi ko nakita kung sino dahil abala ako sa paghahanap ng lighter nang wala talaga ako makita ay sumuko na lang ako.
"Lighter?" Napataas ako ng tingin.
May ngiti ito sa labi at para bang matagal niya ito inaantay, hindi nag-proseso sa utak ko ang lahat. Matapos ko siya titigan ng matagal ay kinuha ko ang kwelyo niya at nilagy sa bibig ko ang sigarilyo. Nginitian ko siya ng nakakaloko, after 8 years ito na ulit.
"Yes please,"
"Siguarado ka na ba ngayon?"
"Oo, Sigiero."
"8 years ago, ako ang gumawa nito sa'yo." Hinawi niya ang buhok ko at hinaplos ang aking mukha. Pakiramdam ko ay nandito na ang tahanan ko, wala ng pag-aalinlangan at puro kasiguraduhan na lang..
"Nakilapas na Walong taon, ako pa rin ang gagawa nito sa'yo,"
WAKAS.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...