KABANATA 1

2.7K 19 2
                                    

RAUL's POV

Ako si Raul Natividad.

Gwapo. Matangkad. Moreno. Matikas at maganda ang pangangatawan.

Pantasya ng halos lahat ng kababaihan at mga lalaking may pusong-babae.

Higit sa lahat ay marumi ang isip at malibog.

Idagdag niyo na rin ang pagiging mayabang.

May misis na ako. Si Joy. Tindera sa palengke. Mahal na mahal ko ang aking asawa.

Kung tindera sa palengke ang aking asawa, ako naman ay rumaraket-raket sa tabi-tabi. Minsan ay tubero, karpintero, hardinero, nag-aayos ng mga sirang gamit, at marami pang iba.

Karamihan sa aking mga kliyente ay mayayaman. Mga mayayamang malibog.

Mga mayayamang taong gustung-gustong kuhain ang aking serbisyo para kanilang mapagpantasyahan.

Mga mayayamang kliyenteng gumagawa ng paraan para makita akong walang suot na pang-itaas.

Pero kahit kailan ay hindi nila matitikman ang aking alaga. Sa asawa ko lang ito. Hanggang tingin na lamang sila.

Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya kung anu-anong raket ang aking pinapasukan. Iyon ay dahil sa lintik na pamilyang sumira sa buhay ng aking mga magulang.

Hayop ang pamilya Mondragon.

Sinira ng pamilya Mondragon ang buhay ng aking pamilya. Ng aking mga magulang.

Kaya naman nang malaman ko kung saan nakatira ang pamilya Mondragon at nangangailangan sila ng driver, nakaisip agad ako ng masamang plano.

Ito na ang hinihintay kong pagkakataon.

Joy: Ngayon ka na ba mag-a-apply doon sa sinasabi mong naghahanap ng driver, mahal ko?

Tumingin ako sa aking asawang si Joy at tumango.

Raul: Oo, mahal ko. Humihina ang mga raket ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

Siyempre alam ko kung bakit.

Humihina ako sa aking mga kliyente rahil hindi nila nakukuha ang kanilang gusto mula sa akin. Ang napakalaki kong kargada.

Sumasakit siguro ang puson ng aking mga kliyente sa tuwing nakikita ang natural na bukol sa aking shorts at wala silang magawa para maangkin iyon. Natural. Asawa ko lang ang may karapatan dito.

Kahit ba bihira na lang kami magtalik ni misis.

Joy: Ipinaghanda kita ng merienda para may makain ka sa biyahe. Peanut butter sandwich. Alam kong favorite mo ito.

Ngumiti ako sa aking misis at niyakap siya ng mahigpit.

Raul: Ang sweet talaga ng misis ko. Kaya mahal na mahal kita, eh. Pa-kiss nga.

Ginawaran ko ng malalim na halik ang mga labi ng aking asawa.

Gumagaan talaga ang aking pakiramdam sa tuwing hinahalikan ko si misis.

Pabirong umirap ang aking asawa.

Joy: Nambola ka pa. Oo nga pala. Nagpunta si Aling Ludy dito kanina. Naniningil na naman ng upa. Mahina ang kita ko sa palengke kaya hindi pa ako makakabayad.

Nakita kong lumungkot ang mukha ng aking misis.

Raul: Sige, mahal ko. Ako ang kakausap kay Aling Ludy pagkabalik ko mamaya.

Lumabas na ako mula sa apartment na inuupahan namin ng aking misis matapos kong makahirit ng isa pang halik mula sa kanya.

Nadaanan ko ang bahay ng aming landlady na si Aling Ludy. May kausap itong babae. Sexy.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon