KABANATA 21

941 10 2
                                    

RAUL's POV

Nakangisi ako habang paulit-ulit na pinapakinggan ang audio recording ng naganap na usapan sa pagitan namin ni Cecilia sa loob ng kusina ng mga Mondragon kahapon.

Dinig na dinig sa audio recording kung paanong nagmakaawa si Cecilia sa akin na matikman ang aking laway.

Maririnig din sa audio recording na iyon na sinabi ni Cecilia na ipinakain nito sa akin ang hiyas nito.

Maririnig din doon na parang walang pagsisising naramdaman si Cecilia sa ginawang pagtataksil sa asawa nitong si Rigo kasama ako.

Sadyang nabaliw na si Cecilia sa pagnanasa nito sa akin.

Tumatawa ako sa aking isipan habang nakaupo rito sa ibabaw ng aking kama sa loob ng servant's quarter at pinapakinggan ang audio recording gamit ang aking earphone.

Tiningnan ko si Jacob na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama nito.

Ano kaya ang nangyari kina Jacob at Sandra Ysabelle dito sa loob ng servant's quarter kahapon?

Sayang at hindi ko man lamang nakuhanan ng video.

Istorbo kasi si Cecilia. Pero ayos lang din naman dahil may hawak na akong alas laban dito.

Sabado ngayon at wala akong naka-schedule na ipagmamaneho sa pamilya Mondragon.

Sina Emilio at Rigo ay nasa loob ng study room at malamang ay nag-uusap ng tungkol sa trabaho habang sina Sandra Ysabelle at Cecilia ay ginagamit ang swimming pool ngayon.

Napansin ko kanina ang aking kasamahang hardinero ng pamilya Mondragon na si Fabio na nakatunghay ito sa mag-inang Sandra Ysabelle at Cecilia habang lumalangoy ang mga ito sa swimming pool.

Base sa aming pag-uusap ni Fabio noong isang araw ay alam kong si Adriana ang tipo nito sa mga babaeng Mondragon.

At sigurado ako roon dahil ibang klase ng titig ang ipinupukol ni Fabio sa mag-inang Sandra Ysabelle at Cecilia kanina.

Parang may halong galit.

Pero agad ko rin namang iwinaksi iyon sa aking isipan dahil ang pagkakakilala ko kay Fabio ay mataas ang respeto nito sa bawat miyembro ng pamilya Mondragon.

Baka likha lamang ng aking imahinasyon ang aking nakitang galit sa mga mata ni Fabio kanina?

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang may narinig akong sunud-sunod na katok sa pintuan ng servant's quarter. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama.

Habang naglalakad ako palapit sa pintuan ay tinanggal ko mula sa pagkakasalpak sa aking dalawang tainga ang aking earphone.

Pagkabukas ko ng pintuan ng servant's quarter ay nabungaran ko si Adriana na masama ang tingin sa akin.

Raul: Grabe ka naman makakatok, Ma'am Adriana. Hindi mo ba alam na may natutulog sa loob? Kaunting respeto naman po sana.

Nasa mood na naman akong inisin itong si Miss Topakin ngayon.

Tumaas ang dalawang kilay ni Adriana kasabay ng panlalaki ng kanyang dalawang mata.

Pagkatapos ay sandaling sumilip sa loob ng servant's quarter si Adriana at nakita niyang natutulog sa ibabaw ng kama nito si Jacob.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon