RAUL's POV
Mula nang mailigtas ko sa tuluyang pagkakalunod si Sandra Ysabelle ay hindi na ako nito pinagtataasan ng kilay at kung minsan pa ay para itong nakangiti sa akin.
May mga pagkakataong nararamdaman kong may nakatitig sa akin at kapag nililingon ko ang taong iyon ay hindi na ako nagugulat pa sa aking nakikita.
Dumadalas ang mga nakaw na pagsulyap sa akin ni Sandra Ysabelle at sa tuwing nahuhuli ko itong nakatitig sa akin ay mabilis nitong iniiwas ang mga mata nito. Ngunit ilang sandali pa ay muli ring babalik sa akin ang mga titig nito.
At sa tuwing ibabalik ni Sandra Ysabelle ang mga titig nito sa akin ay naroon ako para salubungin ang mga mata nito at may mga pagkakataong tumatagal nang ilang segundo ang aming titigan.
Alam kong nagkakaroon na ng interes sa akin ang magandang asawa ni Emilio Mondragon at sigurado akong hindi lilipas ang buong linggong ito na hindi lalapit sa akin si Sandra Ysabelle para ako ay kausapin.
Hindi ko na rin nakikitang lumalapit pa si Sandra Ysabelle sa aking katrabahong si Jacob.
Ayokong magmalaki ngunit malakas ang aking pakiramdam na tuluyan ko nang naagaw ang atensyon ni Sandra Ysabelle mula kay Jacob.
Kung si Sandra Ysabelle ay pinipigilan pa ang sariling lumapit sa akin, ang panganay naman nitong anak na si Cecilia ay madalas ang paglapit sa akin.
At sa tuwing lumalapit sa akin si Cecilia ay lagi akong umiiwas sa kadahilanang baka mahuli kami ng ama nitong si Emilio o ng asawa nitong si Rigo.
Sa bawat pag-iwas na aking ginagawa kay Cecilia ay nakikita ko ang frustration sa mga mata nito. Naroon ang inis ngunit alam kong hindi iyon para sa akin.
Naiinis si Cecilia rahil sa aming sitwasyon.
Ipinaparamdam ko kay Cecilia na gusto ko rin itong makasama at makaniig sa kama ngunit ang pamilya at asawa nito ang malaking hadlang para magawa namin ang bagay na iyon.
Gusto kong maramdaman ni Cecilia na wala sa akin ang problema kundi nasa mga taong nasa aming paligid.
Nais kong makaramdam si Cecilia ng lihim na pagkasuklam sa sitwasyong kinasasadlakan nito ngayon. Na kung wala sana itong asawa at hindi ito anak ng aking amo ay malaya naming magagawa ang bagay na gustung-gusto nitong gawin sa aking piling.
Ang asawa naman ni Cecilia na si Rigo ay ilang beses kong nahuling nagnanakaw ng sulyap sa akin. Maliban sa pagtitig sa aking mukha at katawan sa tuwing akala ni Rigo ay hindi ko ito mahuhuli ay madalas ko ring mahuli si Rigo na malagkit ang titig sa natural na bukol sa aking suot na mga pantalon.
Isang beses pang nahuli ko si Rigo na nakatitig sa pundilyo ng aking pantalon ay pasimple nitong kinambyo ang sarili nitong alaga sa labas ng suot nitong pantalon.
Nakahawak pa si Rigo sa bukol ng alaga nito nang makita nitong nahuli ko itong nakatitig sa bukol ng aking pantalon.
Naging malikot ang mga mata ni Rigo ngunit makalipas ang ilang segundo ay ibinalik din naman nito ang tingin nito sa akin at para kumalma ito ay nginitian ko ito na ikinalaki ng mga mata nito.
Unti-unti ko nang nakukuha ang atensyon ng halos lahat ng miyembro ng pamilya Mondragon.
Ngayong nagmamadali na akong tapusin ang paghihiganting ito para huwag tuluyang mag-alala ang aking asawang si Joy sa akin ay kailangang simulan ko na rin ang pagkuha sa loob nina Adriana at Lavinia.
Adriana.
Wala sa loob akong napangiti at napailing nang muli na namang pumasok sa aking isipan ang babaeng iyon. Ang napakakomplikadong si Adriana.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...