KABANATA 12

1K 12 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nagmamadaling isinuot nina Sandra Ysabelle at Jacob ang mga damit nilang nagkalat sa sahig. Sigurado silang si Raul ang tumatawag kay Jacob mula sa labas ng guard house. Saktong pagdating ni Raul sa loob ng guard house ay nakabihis na ang dalawa. Pero hindi maikakaila kay Raul kung ano ang ginawa ng dalawa sa loob ng guard house.

Kitang-kita ni Raul ang mga bakas ng laway sa pagitan ng malalaking pakwan ni Sandra Ysabelle. Kahit pa nakatali na ang silk bathrobe ng ginang ay sumisilip pa rin ang pisngi ng pagitan ng dalawang pakwan nito. Sadyang makinis at maputi ang ginang. Kahit sinong lalaki ay matatakam dito.

Halatang-halata na kakaayos lang ng buhok ng among babae. Naka-plaster pa ang ilang hibla ng buhok nito sa namamawis na sentido. Naghahabol din ito ng paghinga at mukhang namamaga ang mga labi.

Kung titingnan naman ang security guard na si Jacob ay mahahalata ang sunud-sunod nitong paghugot ng malalim na paghinga. Pinagpapawisan din ito. Hindi rin ito makatingin ng diretso kay Raul.

Ysabelle: Oh, Raul. Bakit gising ka pa?

Nahahalata ni Raul na pinipilit maging kalmado ni Sandra Ysabelle.

Raul: Ah, hindi kasi ako makatulog, Donya Ysabelle. Kaya naisipan kong puntahan si Jacob dito. Kaso may kasama po pala siya.

May halong malisya sa tinig ni Raul kaya napataas ang kilay ni Ysabelle. Hindi rin nito gusto ang paraan ng pagkakatitig ni Raul sa kanila ni Jacob.

Taas-noong muling nagsalita ang ginang.

Ysabelle: May itinanong lang ako kay Jacob. At may karapatan akong pumunta sa kahit saang parte ng property na ito rahil ako ang nagmamay-ari nito.

Napangisi si Raul.

Raul: Wala naman po akong sinasabing hindi kayo pwedeng gumala-gala rito, Donya Ysabelle. Tama po ba?

Nakakalokong ngumiti si Raul na halos magpasabog ng pagtitimpi ni Ysabelle. Taas-noo itong naglakad palabas ng guard house habang nakatingin ng masama kay Raul. Nang nasa labas na ng guard house si Ysabelle ay lumingon ito kay Raul.

Ysabelle: Hindi ko gusto ang paraan mo ng pakikipag-usap sa akin. Malalaman ito ni Emilio.

Iyon lang at tumalikod na si Sandra Ysabelle at taas-noong naglakad pabalik ng malaking bahay.

Nakangising nilingon ni Raul ang security guard na si Jacob. Hindi pa rin ito makatingin ng diretso sa kanya. Medyo naiilang.

Tumikhim si Raul.

Raul: So, pare, may ikukwento ka ba sa akin?

Naging malikot ang mga mata ni Jacob.

Jacob: A-anong ikukwento? Wa-wala namang dapat i-ikwento.

Nakakalokong sumipol-sipol si Raul. Pagkatapos ay nilapitan si Jacob at inakbayan.

Raul: Sige na, pare. Wala namang ibang makakaalam. Halatang-halata naman, eh. Tingnan mo nga 'yan at nagkalat ang mga gamit sa sahig. Parang basta na lang inihulog mula sa mesa.

Inginuso ni Raul ang mga gamit na tumilapon sa sahig mula sa mesa. Pulang-pula ang mukha ni Jacob nang makita ang mga nagkalat na gamit at dali-daling pinulot isa-isa ang mga ito at ibinalik sa pagkakapatong sa mesa. Natatawa si Raul sa pagkataranta ni Jacob.

Raul: Relax ka lang, pare. Hindi mo kailangang mataranta. Tayong dalawa lang naman dito, eh. At saka hindi ako magsusumbong kay Don Emilio kung 'yon ang inaalala mo. Basta ba may utang ka na sa akin.

Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Raul habang nakangiti kay Jacob. Binuksan naman ni Jacob ang isang butones ng uniporme rahil parang kakapusin ito sa paghinga. Natataranta ito. Hindi pa rin makatingin ng diretso kay Raul.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon