KABANATA 7

1K 12 0
                                    

RAUL's POV

Amoy na amoy ko sa loob ng van ang mabangong pabango ni Adriana. Pasimple ko siyang tinitingnan paminsan-minsan. Maganda talaga siya sa malapitan. Mukhang bata pa at talaga namang sexy. Nakakasilaw ang makinis niyang legs. Nagmumukha lang talaga siyang masungit at istrikta rahil sa eyeglass na suot niya. Pero talagang maganda.

Kahit may asawa na ako ay naa-appreciate ko pa rin ang ganda ng ibang babae. 'Yon nga lang ay Mondragon ang babaeng ito, kaya hindi rapat maging magaan ang loob ko sa kanya.

Adriana: Raul.

Ang sexy ng boses niya. Babaeng-babae.

Raul: Yes, Ma'am Adriana?

Nilingon ko siya na may ngiti sa labi. Syempre amo ko siya kaya kailangang nakangiti ako sa kanya palagi. Pero siya ay wala man lang kangiti-ngiti sa labi.

Adriana: Anong pangalan ng asawa mo?

Napatingin ako sa wedding ring na suot ko. Bumalik na naman sa isip ko na hindi rapat malaman ng asawa ko ang anumang planong mayroon ako para sa pamilyang Mondragon. Ayaw ko siyang madamay dito.

Raul: Joy po, Ma'am. Bakit po?

Adriana: Wala lang naman. Naitanong ko lang. Nakita ko kasi ang wedding ring mo.

Nakatingin siya sa labas ng bintana habang kausap ako. Donyang-donya kung makipag-usap sa akin. Medyo nakakabastos. Haklitin ko kaya leeg nito paharap sa akin? Alam ko namang type ako nito. Nagpapakipot lang. Hindi. Aalaskahin ko na lang ulit. Naaalala ko pa ang sinabi ng demonyong si Emilio. NBSB itong si Adriana.

Raul: Kayo ba, Ma'am Adriana, sino ang boyfriend niyo?

Marahas siyang napalingon sa akin. Bingo!

Adriana: Kasama ba sa trabaho mo ang mang-usisa ng buhay ng mga amo mo?

Napalingon ako sa kanya sandali. Nakataas ang isang kilay niya habang tinatanong ako. Binalik ko ang aking concentration sa pagmamaneho. Nakangisi ako nang sumagot sa kanya.

Raul: Kayo naman, Ma'am, masyado kayong naiinis. Hindi niyo naman po kailangang sagutin 'yong tanong ko.

Adriana: Hindi ko gusto ang tanong mo. Kaya manahimik ka na lang diyan. Magsasalita ka lang kung kakausapin kita. Wala kang karapatang makipag-usap sa akin na parang magkaibigan tayo. Maliwanag?

Tumiim-bagang ako.

Raul: Maliwanag po, Ma'am Adriana.

Pagdating ng oras ng hapunan ay nakita kong masayang nagkakainan ang pamilya Mondragon mula sa kusina. Nasa dining room sila habang kumakain naman kami sa kusina nina Mang Baldo at Fabio. Si Jacob ay kasisimula pa lang ng shift. Sina Marta at Luna ay nakatayo sa tabi ng dining room in case may iutos ang mga miyembro ng pamilya.

Sinadya kong pumuwesto sa lugar kung saan ako makikita agad ni Cecilia. Gusto kong umpisahan agad ang plano ko at siya ang uunahin ko.

Kanina ko pa napapansin na hindi nagkikibuan ang mag-asawang Cecilia at Rigo. Nararamdaman kong may hindi sila pagkakaintindihan at dito papasok ang inyong lingkod para sirain ang pagsasama ng mag-asawa.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon