THIRD PERSON POV
Napabuntung-hininga na lang si Raul. Pinulot ang pantalon na nasa ibabaw ng duffel bag at isinuot. Sunod na isinuot ang T-shirt. Pinulot ang duffel bag at isinukbit sa balikat.
Bumaba si Don Emilio ng papalabas na van. Kasama nito sa van ang mga anak na sina Adriana at Lavinia, pati ang kasintahan ni Lavinia na si Justin. Kasama rin ang security guard na si Jacob na pansamantalang driver nila. Lumapit si Don Emilio kay Raul.
Raul: Magandang umaga ho, Don Emilio.
Emilio: Magandang umaga. Ano ang nangyari, Raul?
Napakamot ng ulo si Raul. Tumingala sa langit at malakas na napabuga ng hangin. Muling humarap kay Don Emilio.
Raul: Maniwala kayo o sa hindi, mahabang istorya ho, Don Emilio. Kung pwede sana, baka ho sabihin ko na lang mamaya sa orientation niyo sa 'kin. Medyo nakakahiya ho, eh.
Nakapamulsa na si Raul at nagmamakaawa ang tingin kay Don Emilio. Magaling talagang aktor itong si Raul.
Emilio: O siya. Tulad ng sinabi ko sa 'yo kahapon, hindi ka muna magtatrabaho ngayon. Pagbalik ko ay io-orient kita sa mga bagay na rapat mong malaman sa pasikot-sikot ng bahay ko. Bilang isang driver, kailangan mong malaman ang mga bagay na rapat at hindi rapat sa aking pamamahay. Maging sa labas ng aking mansyon. Maliwanag?
Tumango si Raul ng dahan-dahan. Wari ay masusing iniisip ang lahat ng sinabi ni Don Emilio.
Raul: Naiintindihan ko po, Don Emilio.
"Matagal pa ba 'yan, Papa?"
Napalingon sa nagsalita sina Raul at Don Emilio. Bumaba pala ng van ang anak ng Don na si Adriana. Napaka-sexy nito sa suot na mahabang dress na may mahabang slit sa kaliwang gilid. Sexy at maganda talaga ito. Nagmumukha lamang mataray dahil laging nakataas ang kilay at bihirang ngumiti. Dagdagan pa ng eyeglass na lagi nitong suot. Ngunit bagay naman dito.
Emilio: Sandali na lang ito, hija.
Napatingin si Raul sa mahabang slit ng dress ni Adriana. Napabulong siya.
Raul: Sexy...
Napansin ni Adriana ang malagkit na tingin ni Raul sa hita nito. Lalong tumaas ang kilay ng dalaga.
Emilio: May sinasabi ka, Raul?
Biglang napalingon si Raul kay Don Emilio.
Raul: Ho? Ah. Wala po. Wala po.
Todo ang pag-iling ni Raul at nakapaskil ang pilit na ngiti sa mukha.
Adriana: Mamaya niyo na ho kausapin ang manyak na 'yan, Papa. Baka ma-late na ho si Lavinia sa klase niya?
Natawa si Don Emilio sa sinabi ni Adriana. Napalingon naman si Raul kay Adriana.
Raul: Ako? Manyak? Miss, hinding-hindi kita mamanyakin. May asawa na ako.
Itinaas pa ni Raul ang kaliwang kamay para ipakita ang wedding ring niya.
Adriana: Wala akong pakialam. Tigilan mo ang pagtingin mo sa akin ng malagkit. Sana karmahin ka sa kamanyakan mo. Naku, Papa, baka nagkamali ka talaga sa pag-hire sa lalaking 'yan? Gwapo lang 'yan. Pero manyak.
Tumalikod na si Adriana at muling sumakay ng van. Tuloy lang ang pagtawa ni Don Emilio.
Emilio: Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Raul. Sobrang sungit talaga niyan. Wala pa ngang nagiging boyfriend 'yan dahil sa kasungitan niya. Natatakot ako at baka tumandang dalaga ang isa kong prinsesa.
Raul: Wala ho 'yon, Don Emilio. May mga babae talagang katulad ni Ma'am Adriana.
Emilio: O, siya. Magkita na lang tayo mamaya kapag bumalik na ako. Sasamahan ka ni Yaya Luna sa magiging kwarto mo.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...