THIRD PERSON POV
Nakahalukipkip si Adriana habang masamang nakatitig kay Raul sa rear-view mirror ng van na ginamit nito sa pagsundo sa kanya mula sa kanyang shop, ang Adriana's Haven.
Mainit ang ulo ni Adriana ngayon dahil pakiramdam niya ay parang napahiya siya sa harapan ng isa sa kanyang mga mahahalagang clients.
At iyon ay dahil sa newly-hired driver ng kanilang pamilya na si Raul Natividad.
Inis na inis si Adriana rahil kung kausapin siya ni Raul ay parang magka-level lang sila ng estado sa buhay. Na para bang matagal na silang magkaibigan kung asar-asarin siya nito.
Na para bang dati pa silang magkakilala at hindi isa si Adriana sa mga amo ni Raul.
Ikinuyom ni Adriana ang kanyang kanang palad nang masilip niya sa mukha ni Raul ang nakakalokong ngisi habang nagmamaneho ito.
Adriana: Napakapresko talaga ng lalaking ito.
Hindi namalayan ni Adriana na bumubulong na pala siya sa hangin.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Raul ang sinabi ni Adriana na mas lalong nagpalaki ng ngisi nito sa mukha.
Raul: Ano po, Ma'am Adriana? May sinasabi po ba kayo? Presko po? Masyado po bang malamig? Hinaan ko po ba ang aircon?
Nahihimigan ni Adriana ang pang-aasar sa tinig ng boses ni Raul kahit umaakto itong parang isang inosente.
Malalim na nagbuntung-hininga si Adriana at mariing pumikit. Pagkamulat ng mga mata makalipas ang ilang sandali ay masamang tumitig kay Raul sa rear-view mirror.
Adriana: No. Just keep on driving.
Mariin ang pagbitiw ni Adriana sa mga salitang iyon.
Tumaas pa ang dalawang kilay ni Raul nang sandaling tumingin kay Adriana sa rear-view mirror at pagkatapos ay nagkibit-balikat bago ibinalik ang tingin sa daan.
Si Adriana ay ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Muli na namang naalala ni Adriana kung bakit inis na inis siya kay Raul nang araw na iyon.
Dumating nang araw na iyon sa boutique shop ni Adriana ang isa sa kanyang mga mahahalagang clients, si Chelsea Visitacion.
Si Chelsea Visitacion ay anak ng isang kilalang may-ari ng clothing brand sa bansa, si Brandon Visitacion. Si Brandon Visitacion ay isa sa mga kaibigan ng kanyang amang si Emilio Mondragon.
Personal na magkakilala sina Adriana at Chelsea rahil sa pagiging magkaibigan ng kanilang mga ama.
Nagpunta si Chelsea sa Adriana's Haven para mamili ng wedding dress na isusuot nito para sa nalalapit nitong intimate wedding.
Kasamang dumating ni Chelsea ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla para tulungan ang bride-to-be sa pamimili ng magiging wedding dress nito.
Katulong ni Adriana sa pag-a-assist kay Chelsea ang kanyang dalawang assistants na sina Mabelle at Rannicia.
Umaga pa lamang pero pakiramdam ni Adriana ay para maghapon na siyang nagtatrabaho. Pagod na pagod siya sa pag-aasikaso kay Chelsea na halos sampung beses nang nagsusukat ng iba't ibang wedding dresses.
Actually, hindi naman mapili si Chelsea sa mga isina-suggest na wedding dresses ni Adriana base na rin sa sinabi ni Chelsea na preference nito, pero ang mga matatalik na kaibigan ni Chelsea ang maraming comments sa mga isinusukat nitong wedding dress.
At kadalasan ay nakikinig si Chelsea sa sinasabi ng mga kaibigan nito.
Dahil nga pakiramdam ni Adriana ay parang pagod na pagod siya umaga pa lamang, kaya naisipan niyang magpasundo na lang sa bago nilang family driver na si Raul mamayang gabi at iiwan na lang ang kanyang sariling sasakyan.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...