RAUL's POV
Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Cecilia mula sa rear-view mirror. Mukhang matindi ang tama nito sa akin. Ngumingisi lang ako sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Siya naman ay ngumingiti ng palihim. Hindi siya napapansin ng kanyang asawa rahil nakatutok ang mga mata nito sa labas.
Ngayon ay plano ng mag-asawang mamasyal sa mall. Mag-bonding. At kinuha nga ni Cecilia ang serbisyo ko para sa buong araw na pinahintulutan naman ng kanyang ama. Tulad nang dati ay sumabay sa van ni Don Emilio ang anak na si Lavinia at ipinagmaneho muli sila ni Jacob. On the way naman kasi ang university na pinapasukan ni Lavinia papunta sa opisina ng matandang Don.
Ginamit naman ni Adriana ang sariling van papunta sa shop nito. Minsan talaga ay paiba-iba ang mood ni Adriana. Minsan gusto niyang siya ang nagda-drive papuntang shop niya. Minsan naman gusto niyang ipinagda-drive siya papuntang shop.
Sayang. Hindi pa siya sumabay dito sa kapatid niya. Nasa mood pa naman akong asarin siya. Hmmm… Mukhang nagiging feeling close ako kay Adriana. Hindi pwede ito.
Cecilia: Buti naman at hindi ka busy sa negosyo ngayon, Rigo. Kayang-kaya naman 'yon ni Papa.
Rigo: Well, matagal ko na rin namang gustong mag-leave. At saka matagal na rin simula noong huli tayong lumabas. Nami-miss na rin kita.
Kitang-kita ko nang hawakan ni Rigo ang kamay ni Cecilia at pisilin ito. Sweet din pala itong si Rigo. Kaso napansin ko ang pagtingin niya sa akin sa rear-view mirror ng may halong lagkit. Aba! Tama yata ang hinala kong binabae itong asawa ni Cecilia.
Malalaman ko rin 'yan.
----------
THIRD PERSON POV
Sa Adriana's Haven…
Adriana: Buti naman ay naisipan mo kong bisitahin, Judy. Nakakaloka mag-isa rito sa shop ko.
Judy: Eh, nasaan ba kasi 'yong dalawa mong assistant?
Adriana: Sabay silang nag-leave. Hinayaan ko na. Bihira lang naman silang mag-leave. At isa pa, kaya ko naman dito. Kapag ganitong walang masyadong customer lang naman ako nabo-bore.
Judy: Mag-boyfriend ka na kasi. Ewan ko ba naman sa 'yo kung bakit hindi mo pa sinasagot si Erwin. Ang tagal-tagal na niyang nanliligaw sa 'yo.
Adriana: Alam mo, okay naman siya. Kaso ang boring niyang kausap. Wala siyang ka-thrill-thrill sa katawan. Pero naa-appreciate ko talaga lahat ng efforts niya. Actually, siya ang first suitor ko. Hindi siya tinablan ng katarayan ko.
Judy: He's a good catch. Sayang naman kung pakakawalan mo.
Nagbuntung-hininga si Adriana.
Judy: Anyway, balita ko may bago raw kayong driver. Gwapo ba?
Biglang tumaas ang kilay ni Adriana.
Adriana: Feeling gwapo kamo. Sobrang presko pa. Parang sinalo niya lahat ng kayabangan sa mundo. Ito pa. Feeling close.
Napatango-tango si Judy.
Judy: Hindi rin ba umubra sa kanya ang katarayan mo?
Adriana: Oh, well. Driver lang siya. Alam niya rapat ang limitasyon niya.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...