KABANATA 25

554 10 0
                                    

THIRD PERSON POV

Naningkit ang mga mata ni Raul matapos mabasa ang mensaheng ipinadala sa kanya ni Trixie, ang pamangkin ng kanyang landlady na si Ludy.

"Nagbayad ka na pala kay Tita Ludy para sa na-delay ninyong upa noong nakaraang buwan. Hindi mo man lang ako hinintay makauwi. Talaga bang gusto mong ipaalam ko kay Joy 'yong muntik nang mangyari sa atin?"

Mariing pumikit si Raul dahil parang sumasakit ang kanyang ulo pagkabasa sa mensaheng iyon ni Trixie.

Noong nakaraang araw ng Linggo ay day off ni Raul at umuwi siya sa apartment unit nila ng kanyang asawang si Joy para makasama ang kanyang misis. Nang araw na iyon ay dala rin ni Raul ang bayad para sa delayed nilang upa sa apartment unit noong nakaraang buwan.

Tulad nang napag-usapan nina Raul at Emilio noong nag-apply siya bilang family driver ng mga Mondragon ay lingguhan ang kanyang pagsahod. Kaya naman natanggap niya ang kanyang unang sahod bilang driver noong gabi ng Sabado.

Nang pumunta si Raul sa bahay ng kanyang landlady na si Ludy ay wala roon ang pamangkin nitong si Trixie na labis namang ikinatuwa ni Raul ngunit ang message na natanggap niya mula kay Trixie ngayon ay nagpapatunay na hindi pa siya tinitigilan ng dalaga at gusto pa rin nitong ituloy nila ang kanilang nasimulan.

Kahit kinakabahan si Raul sa posibleng gawin ni Trixie ay nilakasan pa rin niya ang kanyang loob at ni-reply-an ang message nito.

"Hindi ko kasalanan kung naglakwatsa ka noong Linggo. Sige, magsumbong ka kay Joy. Tingnan lang natin kung paniwalaan ka niya."

Pagka-send ng message na iyon ay hindi maikakaila ni Raul ang kanyang nararamdamang kaba.

Ang message na iyon ni Raul para kay Trixie ay paraan lamang niya para maipakitang hindi siya natatakot sa maaari nitong gawin dahil kung magpapakita siya ng takot ay paniguradong hindi siya tatantanan ni Trixie at hindi gusto ni Raul na mangyari iyon.

Umaasa na lamang si Raul na hindi tototohanin ni Trixie ang banta nito sa kanya. Hindi niya gustong dagdagan pa ang iniisip ng misis na si Joy lalo pa nga at nag-aalala ito para sa kanya ngayong alam na nitong sa pamilya Mondragon siya nagtatrabaho.

Alam ni Joy ang kagustuhan ni Raul na makapaghiganti sa pamilya Mondragon ngunit ilang taon na niyang hindi muling binanggit ang tungkol sa bagay na iyon kaya naman nakampante na si Joy at inisip na marahil ay ibinaon na lamang ni Raul sa limot ang lahat ng mga masasalimuot na bagay na nangyari sa kanyang buhay.

Ngunit nagulat na lamang si Raul nang marinig niya mula sa misis na si Joy na alam na nitong nagtatrabaho siya bilang driver ng mga Mondragon.

Hindi alam ni Raul kung paanong nalaman ng kanyang asawa ang tungkol sa bagay na iyon at ngayon ay nag-aalala ito para sa kanyang kaligtasan. Sinubukang hikayatin ni Joy si Raul na huwag nang ipagpatuloy ang kanyang paghihiganti sa pamilya Mondragon ngunit hindi natinag si Raul.

Gusto sanang sabihin ni Raul kay Joy na trabaho lamang ang kanyang habol sa mga Mondragon dahil wala siyang stable job noon pero hindi niya gustong magsinungaling sa kanyang asawa. Para kay Raul ay iba pa rin ang paglilihim ng sikreto kaysa sa pagsisinungaling.

Sinabi na lamang ni Raul kay Joy na hindi niya ipapahamak ang kanyang sarili at mag-iingat siya. Alam ni Raul na hindi iyon ang gustong marinig ng kanyang asawa pero hindi gustong palampasin ni Raul ang pagkakataong ito na maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Kaya naman mamadaliin na ni Raul ang kanyang paghihiganti nang hindi na tumagal pa ang pag-aalala ng kanyang asawa.

Nakita ni Raul na muli siyang nakatanggap ng mensahe mula kay Trixie. Agad niyang binasa iyon.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon