KABANATA 23

665 9 0
                                    

RAUL's POV

Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa aking among si Sandra Ysabelle habang pabalik-balik siyang lumalangoy mula sa isang dulo patungo sa kabilang dulo ng malaking swimming pool ng pamilya Mondragon.

Katulad nang dati ay naroon ang panganay na anak ni Sandra Ysabelle na si Cecilia sa loob ng kwarto nito at ng asawa nitong si Rigo at maaaring mamayang tanghali, hapon o hindi kaya gabi na ito lumabas mula sa kwarto nito.

Malakas ang pakiramdam kong isa sa mga madalas na gawin ni Cecilia sa loob ng kwarto nito ay ang paligayahin ang sarili nito.

Sekswal na tao si Cecilia base na rin sa mga bagay na ginawa nito kasama ako at posibleng isa ako sa mga taong pumapasok sa isipan nito kapag pinaglalaruan ang sarili nitong hiyas.

Ang ibang tauhan ng pamilya Mondragon ay abala sa kani-kanilang mga gawain habang ako naman ay nagkakape ngayon dito sa loob ng malawak na kusina ng mansyon at tinatanaw sa labas ng bintana ang paglangoy ng asawa ni Emilio.

Ang babaeng siyang dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang.

Si Sandra Ysabelle Mondragon na alam kong hindi magaan ang loob sa akin lalo na nang muntik ko siyang mahuli sa isang kompromisong sitwasyon kasama ang isa sa security guards ng mga Mondragon sa loob ng guardhouse.

Nag-iisip ako ng paraan kung paano paaamuin ang isang Sandra Ysabelle Mondragon nang makita kong huminto sa paglangoy sa swimming pool si Sandra Ysabelle at para siyang nagpa-panic.

Sa tantiya ko ay parang pinupulikat ang paa ni Sandra Ysabelle at ngayon ay tumitingin siya sa paligid ng pool at maaaring naghahanap ng maaaring sumaklolo sa kanya.

Tiningnan ko ang paligid ng pool.

Mukhang wala si Fabio, ang hardinero ng pamilya Mondragon, sa parteng iyon ng hardin nang mga sandaling iyon.

Kung sinusuwerte nga naman ako.

Kanina lamang ay iniisip ko kung paano mapapaamo sa aking mga kamay itong demonyang si Sandra Ysabelle at ngayon ay nasa aking harapan na agad ang isang oportunidad.

Isang oportunidad para mapalambot ang loob sa akin ni Sandra Ysabelle.

At sa gagawin kong ito ay hindi lamang lalambot ang puso sa akin ni Sandra Ysabelle, magkakaroon pa siya ng utang-na-loob sa akin.

Sisiguraduhin ko ring gagamitin ko ang oportunidad na ito para simulan ang aking pang-aakit kay Sandra Ysabelle.

Hinayaan ko munang mag-panic nang ilang minuto si Sandra Ysabelle.

Nakangisi ako mula sa loob ng malawak na kusina habang pinapanood ang unti-unting paglubog ni Sandra Ysabelle sa tubig ng swimming pool.

Nakakatuwang isipin na pwede nang malagutan ng hininga si Sandra Ysabelle ngayon kung gugustuhin ko pero gusto ko munang makitang naghihirap ang babaeng ito sa aking mga kamay.

Gusto kong makitang nahihirapan si Sandra Ysabelle dahil sa aking paghihiganti.

Nang makita kong unti-unti nang nalululon ni Sandra Ysabelle ang tubig mula sa pool ay marahan ko nang inilapag sa maliit na mesa ang aking hawak na mug na may laman pang kape at lumabas ako ng kusina gamit ang backdoor.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon