THIRD PERSON POV
Napangisi si Raul nang makita si Sandra Ysabelle na tinatahak ang pathway patungo sa servant's quarter ng mansyon ng pamilya Mondragon.
Sigurado si Raul na pupuntahan ni Sandra Ysabelle ang natutulog na si Jacob sa loob ng servant's quarter.
Napailing si Raul at bumulong sa hangin.
Raul: Ang tindi rin nitong si Sandra Ysabelle. Alam naman niyang oras ng pahinga ni Jacob ngayon mula sa night shift na duty bilang security guard ay balak pa yatang lalong pagurin ang katawan ng kawawang Jacob.
Si Raul ay nasa loob ng kusina nang mga oras na iyon at palihim niyang pinagmamasdan mula sa bintana ng kusina ang palinga-lingang si Sandra Ysabelle.
Marahil ay tinitiyak ni Sandra Ysabelle na walang taong makakakita rito kung saan ito patungo nang mga oras na iyon.
Ingat na ingat si Raul na hindi siya makikita sa gilid ng bintana ng kusina kung sakali mang ituon ni Sandra Ysabelle ang mga mata nito sa direksyon ng bintana ng kusina.
Naiintindihan na ni Raul kung bakit inutusan ni Sandra Ysabelle na mag-grocery at bumili sa supermarket si Marta ngayong umaga kahit katatapos lamang nitong mamili ng mga karne, isda, gulay, at prutas kahapon.
Sinabi ni Sandra Ysabelle na kulang ang mga pinamili ni Marta para sa isang buong linggo.
Hindi naman nagduda si Raul nang sabihin ni Marta sa kanya iyon dahil tingin niya ay normal lang naman ang magdagdag ng stock ng pagkain sa bahay.
Iyon pala ay pinalabas ng bahay ni Sandra Ysabelle si Marta para masigurong walang makakakita sa gagawin nito ngayon.
Dahil ang ibang mga tauhan ay abala rin sa kani-kanilang mga trabaho.
Ang hindi alam ni Sandra Ysabelle ay nakabalik na si Raul ng mansyon.
Ang akala ni Sandra Ysabelle ay magtatagal pa sa labas si Raul dahil ang alam nito ay ngayon aayusin ni Raul ang iba pang mga requirements niya para sa posisyon bilang family driver ng mga Mondragon.
Pinayagan ni Emilio Mondragon si Raul na to follow na lang ang ibang required documents niya para sa trabaho rahil kailangang-kailangan na nitong magsimula si Raul sa pagtatrabaho bilang bagong driver ng pamilya nito.
Ngunit sinabihan si Raul ni Emilio habang nasa sasakyan sila kanina na sa susunod na linggo na lamang asikasuhin ang iba pa niyang requirements dahil uuwi ito nang maaga ngayon mula sa trabaho at baka hindi agad ito masundo ni Raul kung ngayon siya mag-aayos ng mga kulang niyang requirements.
Kaya naman nandito ngayon si Raul sa loob ng kusina ng pamilya Mondragon para magkape.
Sinabihan si Raul ni Emilio noong unang araw niya sa trabaho na maaari namang magpahinga sa loob ng kusina ang mga tauhan ng mansyon sa oras na matapos na nila ang kanilang mga gawain.
May mga kwarto sa malaking bahay na ipinagbabawal sa kanilang mga tauhan na pasukin at kahit ang ibang miyembro ng pamilya ay hindi maaaring pumasok doon kung walang pahintulot mula kay Emilio Mondragon.
Ngunit ang malawak na kusina ay malayang gamitin ng mga tauhan ng mansyon bilang lugar ng pahingahan.
Tapos nang magkape si Raul kanina at hinuhugasan na lamang niya ang ginamit na tasa nang marinig niyang bumukas ang main entrance door.
Sandaling naghintay sa loob ng kusina si Raul at tinalasan ang pandinig kung may papasok sa loob ng malaking kabahayan nang mahagip ng kanyang peripheral vision ang isang taong naglalakad sa labas ng kabahayan.
At doon nga nakita ni Raul ang isa sa kanyang mga amo na si Sandra Ysabelle na papunta sa servant's quarter.
Mabilis na nagtungo si Raul sa isang parte ng kusina kung saan hindi siya masisilip ni Sandra Ysabelle ngunit siguradong makikita niya pa rin ang mga nangyayari sa labas ng bintana ng kusina.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...