KABANATA 5

1.1K 10 0
                                    

THIRD PERSON POV

Sa dining room ng mansyon ng mga Mondragon...

Emilio: Tawagin niyo na ang Senyora Ysabelle niyo, Yaya Luna.

Luna: Masusunod ho, Senyor.

Napuna ni Emilio ang malungkot na mukha ng anak na si Cecilia.

Emilio: Cecilia, bakit ka nakasimangot?

Nag-angat ng paningin sa kanyang ama si Cecilia.

Cecilia: Wala ho ito, Papa. May kaunting hindi pagkakaintindihan lang kami ni Rigo, pero mababaw lang naman.

Tumango si Don Emilio.

Emilio: Kung anuman iyon ay sana maayos niyo agad.

Tiningnan ni Don Emilio si Rigo.

Rigo: Huwag ho kayong mag-alala, Papa. Magiging okay na po si Cecilia mamaya.

Palihim na tiningnan ng masama ni Cecilia ang asawa.

Emilio: Ikaw, Lavinia? Anong oras ang pasok ninyo ni Justin?

Lavinia: Wala pong klase si Justin ngayon, Papa. Alas otso po ang klase ko.

Emilio: Ganoon ba? So, kumusta naman ang project mo, hija, na pinagtulungan niyo ni Justin kagabi?

Biglang namula ang mukha nina Lavinia at Justin.

Lavinia: Ahm... O-okay naman po, Papa. Mukhang mataas naman po ang makukuha kong marka.

Emilio: Mabuti naman kung ganoon.

Tiningnan ni Don Emilio si Justin na nanatiling nakayuko.

Emilio: Adriana, hija, papasok ka ba sa shop mo ngayon?

Adriana: Opo, Papa. Nag-leave ang assistant kong si Rannicia at ang isa naman ay nagkaroon ng emergency. Walang tatao sa shop.

Emilio: Sige. Sumabay ka na sa paghatid ni Jacob kina Lavinia at Justin sa campus. Sasabay din ako.

Adriana: Hindi ba at ngayon ang unang araw ng duty ng bago nating driver, Papa? Bakit si Jacob pa rin ang maghahatid sa inyo?

Emilio: Oo, Adriana. Pero orientation lamang ang agenda namin ngayon. Ayokong isabak agad siya sa trabaho. Sinabihan ko rin siyang pwede siyang pumasok ng alas otso. Pero simula bukas ay gigising na siya ng alas sais.

Adriana: Sa tingin niyo ba ay okay talaga itong bagong driver natin, Papa? I mean, wala ba siyang criminal records?

Emilio: Kumpleto ang mga pinasa niyang requirements kahapon. Wala siyang criminal record kung 'yan ang ikinatatakot mo.

Ilang sandali lang ay nakababa na si Donya Ysabelle.

Ysabelle: Good morning, everyone.

Lavinia: Mukhang maganda ang gising mo ngayon, Mama.

Tumawa ng mabini si Donya Ysabelle.

Ysabelle: Maganda lamang ang view na nakita ko ngayong umaga. Nakagaganda ng araw, hija.

Emilio: Kumain na tayo.

----------

Sa loob ng servant's quarter para sa driver, security guard, at hardinero...

Jacob: Bakit mo ko hinila rito, Marta?

Biglang hinila pababa ni Marta ang boxer shorts na suot ni Jacob. Bumulaga ang malaking ari nito. Napatakip ng kanyang bibig si Marta.

Marta: Oh my... Grabe naman ang laki ng kargada mo, Jacob.

Inis na hinila pataas ni Jacob ang kanyang boxer shorts. Muling natakpan ang malaking sawa ng security guard.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon