KABANATA 26

413 9 0
                                    

THIRD PERSON POV

Muntik nang tumirik ang mga mata ni Lavinia sa pagkainis nang makita ang kasintahang si Justin na papalapit sa kanya habang naglalakad siya sa loob ng university campus para pumunta sa classroom ng susunod niyang klase. Humahangos pa ito sa pagtakbo para lamang malapitan siya.

Napangisi si Lavinia sa kanyang isipan nang maalalang nakaganti na siya sa inaakala niyang pagtataksil ni Justin sa kanya kasama ang kanyang mga kaibigang ngayon ay mortal na niyang mga kaaway na sina Cara, Flor, at Nanette.

Iniisip ni Lavinia kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Justin oras na malaman nitong pinagtaksilan niya rin ito at ang mas malala pa roon ay ang ama ni Justin na si Gregor Soriano ang kasama niya sa kanyang pagtataksil sa kasintahan.

Matapos ang naging pagtatalik nina Lavinia at Gregor ay agad na sinabi ni Lavinia sa ama ng kanyang kasintahan kung ano ang kanyang totoong dahilan kung bakit nakipagtalik siya rito. Tandang-tanda pa ni Lavinia kung paanong nagulat si Gregor dahil sa kanyang sinabi.

Inamin ni Lavinia kay Gregor na kaya lamang niya naisipang makipagtalik dito ay para makaganti sa ginawang pagtataksil ni Justin sa kanya kasama ang kanyang tatlong dating kaibigan. Sinabi ni Lavinia kay Gregor na kaya ito ang napili niyang akitin para makatalik ay dahil naisip niyang kung ito ang kanyang makakasama sa pagtataksil sa kasintahan nito ay mas magiging masakit iyon para kay Justin dahil mismong ama pa nito ang magkakanulo sa tiwala na ibinigay ng anak nito rito.

Medyo nahiya pa si Lavinia nang sabihin niya kay Gregor ang kanyang dahilan kung bakit inakit niya ito at humantong sila sa pagtitikiman ng laman ng isa't isa. Ang akala pa ni Lavinia ay magagalit sa kanya si Gregor ngunit hindi ganoon ang nangyari.

Sinabi ni Gregor kay Lavinia na tama lamang ang kanyang ginawa rahil kung ito rin daw ang nasa kanyang kalagayan ay ganoon din ang gagawin nito. Alam na alam daw ni Gregor kung ano ang pakiramdam ng pagtaksilan ng taong minamahal kaya naiintindihan daw nito ang ginawa ni Lavinia.

Nagkasundo sina Lavinia at Gregor na wala silang ibang taong pagsasabihan ng nangyari sa kanilang dalawa maliban lamang kay Justin. Hindi makapaniwala si Lavinia na ganoon na lamang ang pagsang-ayon nito sa lahat ng kanyang sinabi.

Buong akala ni Lavinia ay magagalit si Gregor sa kanya oras na malaman nito ang totoong dahilan kung bakit inakit niya ito rahil ang pagkakaalam niya ay sobrang malapit sa isa't isa ang mag-amang Gregor at Justin. Ngunit ang nangyari ay mas kinampihan pa siya ni Gregor at hindi man lamang ito nakitaan ni Lavinia ng pag-aalala para kay Justin oras na malaman na ng anak nito ang ginawa nilang pagtataksil at pagtatraydor kay Justin.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit walang ibang dapat makaalam ng ginawang pagtatalik nina Lavinia at Gregor ay dahil matalik na kaibigan ng kanyang amang si Emilio ang ama ng kanyang kasintahan.

Ang pagiging magkaibigan nina Gregor at Emilio ay umabot hanggang sa negosyo. Malaki ang hawak na share ni Gregor sa kompanya ng mga Mondragon. Malaki ang tiwala ni Gregor kay Emilio pagdating sa pamamahala ng negosyo kaya hindi ito nanghihinayang sa malaking share na binili nito sa Mondragon Holdings, Inc.

Paniguradong magkakagulo ang dalawang pamilya oras na malaman ni Emilio Mondragon ang ginawang kahalayan ng anak nito at ng matalik nitong kaibigan na itinuturing na rin nitong kapatid.

Nang sabihin ni Lavinia kay Gregor na nakuhanan niya ng video ang pagtatalik nilang dalawa ay nagulat si Lavinia nang hindi man lamang niya nakitaan ng pagkabigla at takot si Gregor. Bagkus ay tumawa pa ito rahil naaliw ito kay Lavinia. Sinabi pa nitong talagang planado at pinaghandaan ni Lavinia ang paghihiganti para sa anak nitong si Justin.

Plano ni Lavinia na ipapanood sa kanyang boyfriend na si Justin ang video ng pagtatalik nilang dalawa ni Gregor sa araw ng kanilang anniversary para triplehin ang mararamdamang sakit ni Justin.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon