THIRD PERSON POV
Umaga ng Biyernes.
Ipinagmamaneho ni Raul ang ibang miyembro ng pamilya Mondragon patungo sa destinasyon ng mga ito para sa araw na iyon gamit ang isang malaking van.
Pasimpleng tiningnan ni Raul Natividad si Emilio Mondragon sa rear-view mirror ng sasakyan. Kalmado ang mukha nito habang nakapikit ang mga mata.
Animo ay mapayapa ang buhay ni Emilio rahil hindi kakikitaan ng alalahanin ang mukha nito na sa tingin ni Raul ay mukhang nakaidlip na.
Sunod na sinulyapan ni Raul sa rear-view mirror ang manugang ni Emilio na si Rigo Guanlao na nakaupo sa kaliwang gilid ng matanda. Nakatanaw si Rigo sa labas ng bintana ng sasakyan at mukhang malalim ang iniisip.
Napangisi si Raul.
Isa sa mga natuklasang sikreto ni Raul tungkol sa pamilya Mondragon kahapon ay ang sikreto ni Rigo.
Sigurado si Raul na binabae si Rigo base sa mga naging reaksyon nito kahapon nang mahuli niya itong inaamoy ang kanyang nahulog na panyo sa sahig ng sasakyan at base na rin sa mga ikinilos nito nang pasimple niya itong akitin bago ito tuluyang pumasok sa loob ng building kung nasaan ang opisina nito.
Sigurado rin si Raul na walang ideya ang asawa ni Rigo na si Cecilia sa totoong pagkatao ng mister nito.
Tumawa si Raul sa kanyang isipan dahil alam niyang pareho lang namang may sikreto ang mag-asawang Cecilia at Rigo sa isa't isa.
Si Rigo ay pilit na ikinukubli ang totoong pagkatao mula sa asawa nito, samantalang siya at si Cecilia ay nagkaroon ng mainit na sandali sa loob ng isang fitting room ng isang mall tenant noong isang araw.
Ipinatikim ni Cecilia kay Raul ang hiyas nitong dapat ay sa mister lamang nito.
Naabot ni Cecilia ang sukdulang sa loob ng fitting room na iyon dahil sa marami ng karanasang bibig ni Raul.
Tuluyang nakalimot si Cecilia na may asawa itong tao at ninamnam ang mga maiinit na sandali kasama si Raul na bagong driver ng kanilang pamilya.
Bibig pa lamang ni Raul ay parang naabot na ni Cecilia ang langit.
Dahil sa kaganapang iyon sa loob ng fitting room kaya nasiguro ni Raul na sekswal na babae si Cecilia at maaaring hindi na napupunan ni Rigo ang obligasyon nito kay Cecilia pagdating sa pangangailangan nito bilang babae.
Ngunit kahit nalaman na ni Raul ang kahinaan ng isa sa mga babaeng Mondragon ay hindi siya lubusang natutuwa.
Nagsisisi si Raul na kinain niya ang hiyas ni Cecilia. Na tinikman niya ang katas na nagmumula sa mabango nitong hiyas.
Nag-iinit si Raul sa tuwing naaalala niya ang mainit na eksena sa pagitan nila ni Cecilia. Naninigas ang kanyang alaga sa tuwing naaalala kung paano niyang nalasahan ang likidong rumagasa mula sa yungib ng babae.
Bago sinimulan ni Raul ang paghihiganti sa pamilya Mondragon ay nangako siya sa kanyang sarili na hindi siya magtataksil sa kanyang asawang si Joy habang isinasagawa ang kanyang mga plano para sa pamilyang nagwasak sa kanyang pamilya.
Ngunit ang ginawa ni Raul sa loob ng fitting room na iyon kasama si Cecilia ay maituturing na isang pagtataksil.
Naiinis si Raul dahil nagpadala siya sa tawag ng laman at sandaling nakalimutan ang kanyang pangako sa sarili at ang pangakong kanyang sinumpaan nang ikasal sila ni Joy sa huwes.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...