KABANATA 28

309 4 0
                                    

THIRD PERSON POV

Malungkot ang buong kabahayan ng pamilya Mondragon matapos ang seremonya ng libing na isinagawa para sa isa sa mga kasambahay ng mga ito. Si Luna na siyang pinakamatagal na nanilbihan sa mansyon.

Malaki ang respeto ni Emilio Mondragon sa kasambahay na kasama na nito mula pa noong bago ito ikasal sa asawa nitong si Sandra Ysabelle. Newly-hired si Luna ng ama ni Emilio ilang linggo bago ang kanilang kasal ni Sandra Ysabelle.

Para na ring pangalawang ina ng magkakapatid na Cecilia, Adriana, at Lavinia Mondragon si Luna dahil ang kasambahay na ito na ang nag-alaga sa magkakapatid mula noong mga sanggol pa lamang ang mga ito sa kadahilanang madalas na wala ang presensya ng ina ng magkakapatid sa mansyon habang lumalaki ang mga ito.

Madalas na uma-attend si Sandra Ysabelle sa mga social gathering at naka-focus din ito sa mga charity works nito na kadalasang nagiging dahilan para mawalan ito ng panahon sa mga anak nito na madalas nilang pinagtatalunan ng asawang si Emilio noon na abala rin sa pagpapatakbo ng Mondragon Holdings, Inc.

Kaya naman lumaki ang magkakapatid na babaeng Mondragon na malayo ang loob sa kanilang ina. Mas marami pang oras si Sandra Ysabelle para sa mga amiga nito kaysa sa mga anak nitong babae.

Kahit noong panahong inaasikaso na ni Emilio ang kasal ni Cecilia at ng mapapangasawa nitong si Rigo ay hindi man lamang naramdaman ang presensya ni Sandra Ysabelle.

Ang isa sa mga pinakamatinding ginawa ni Sandra Ysabelle na labis na nagpasama ng loob ng asawa at ng anak nitong si Cecilia ay nang hindi ito nakarating sa araw ng kasal ng anak nito dahil sa charity work nito na eksaktong naka-schedule sa parehong araw at oras ng kasal nina Cecilia at Rigo.

Ngunit habang masama ang loob nina Emilio at Cecilia kay Sandra Ysabelle nang araw na iyon ay hindi naman mapawi ang ngiti sa mga labi ng ina ni Cecilia kinabukasan dahil sa mga naglabasang balita sa mga pahayagan kung saan binansagang isang mapagkalingang ina ng masa si Sandra Ysabelle dahil mas pinili raw nito ang magsagawa ng feeding program para sa halos limandaang katao kaysa ang dumalo sa kasal ng anak nito.

Ang sabi pa sa mga balita ay kahanga-hanga ang ginawang pagsasakripisyo ni Sandra Ysabelle na hindi makadalo sa seremonya ng kasal ng anak nito para lamang makatulong sa mga taong walang kakayahang makabili ng sariling pagkain.

Mas nakilala ang pangalang Sandra Ysabelle Mondragon dahil sa insidenteng iyon at mas dumami ang mga charity work kung saan involved si Sandra Ysabelle. Marami na ring non-profit organizations ang kumukuha kay Sandra Ysabelle bilang ambassadress ng mga ito.

Dahil sa kilalang tao ang misis ng President ng Mondragon Holdings, Inc. at marami ang humahanga sa kabaitang ipinapamalas ni Sandra Ysabelle sa pamamagitan ng mga charitable activities nito kaya naman ito ang gustong maging ambassadress ng karamihan sa mga non-profit organization para mai-promote ang kani-kanilang mission, goals, and values.

Ngunit kung gaano kataas ang respeto ng mga tao kay Sandra Ysabelle sa labas ng mansyon ng mga Mondragon ay kabaligtaran naman ang nangyayari sa loob ng malaking kabahayan.

Sa loob ng mansyon ng mga Mondragon ay halos hindi kinikibo si Sandra Ysabelle ng asawa at mga anak nito. Madalas ay pormal pa ang pakikipag-usap ng mga ito kay Sandra Ysabelle kung kakausapin man ang ilaw ng tahanan ng mga ito. At nakakasama lamang ni Sandra Ysabelle ang buong pamilya sa oras ng dinner.

Paminsan-minsan ay kinakausap ni Lavinia si Sandra Ysabelle ngunit alam naman ng ginang na ginagawa lamang iyon ng bunsong anak dahil sa iilang ginagawang pabor ni Sandra Ysabelle para rito na may kinalaman sa pag-aaral nito sa university.

Gustong maghinanakit ni Sandra Ysabelle sa mga anak nito ngunit alam ng babae sa sarili nitong ito ang may kasalanan kung bakit ganoon ang pakikitungo ng mga anak nito rito. Kahit kailan ay hindi man lamang nitong sinubukan ang maging malapit sa mga anak nito na labis nitong pinagsisisihan.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon