KABANATA 14

900 7 2
                                    

THIRD PERSON POV

Pangiti-ngiting nag-a-apply ng makeup sa kanyang mukha si Sandra Ysabelle habang nakaupo sa vanity chair sa harap ng salamin ng vanity table. Pagkagising na pagkagising ng kanyang asawang si Emilio ay isinumbong niya agad dito ang ginawa ni Raul kagabi. Kung paano siyang kausapin ng driver nila nang makita siya nito sa loob ng guard house kasama si Jacob kagabi.

Naalalang muli ni Sandra Ysabelle kung paano siyang kausapin at tingnan ni Raul na may halong malisya kagabi.

Ysabelle: Oh, Raul. Bakit gising ka pa?

Sigurado si Sandra Ysabelle na nahahalata ni Raul na pinipilit niyang maging kalmado.

Raul: Ah, hindi kasi ako makatulog, Donya Ysabelle. Kaya naisipan kong puntahan si Jacob dito. Kaso may kasama po pala siya.

May halong malisya sa tinig ng boses ni Raul kaya napataas ang kilay ni Ysabelle. Hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatitig ni Raul sa kanilang dalawa ni Jacob.

Taas-noong muling nagsalita si Sandra Ysabelle.

Ysabelle: May itinanong lang ako kay Jacob. At may karapatan akong pumunta sa kahit saang parte ng property na ito rahil ako ang nagmamay-ari nito.

Napangisi si Raul kay Sandra Ysabelle.

Raul: Wala naman po akong sinasabing hindi kayo pwedeng gumala-gala rito, Donya Ysabelle. Tama po ba?

Nakakalokong ngumiti si Raul na halos magpasabog ng pagtitimpi ni Ysabelle. Taas-noo siyang naglakad palabas ng guard house habang nakatingin ng masama kay Raul. Nang nasa labas na ng guard house si Ysabelle ay lumingon siya kay Raul.

Ysabelle: Hindi ko gusto ang paraan mo ng pakikipag-usap sa akin. Malalaman ito ni Emilio.

Iyon lang at tumalikod na si Sandra Ysabelle at taas-noong naglakad pabalik ng malaking bahay.

Inaamin ni Sandra Ysabelle na nabitin siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Jacob sa loob ng guard house kagabi. Oo, nakaraos siya sa loob ng bibig ng lalaki, pero kulang iyon. Gusto niya ring maramdaman sa loob ng kanyang kweba ang pagputok ng walang-dudang malaking alaga ni Jacob.

Matagal nang inaakit ni Sandra Ysabelle ang isa sa mga security guards ng kanilang pamilya na si Jacob. Tipo niya ito simula nang una niyang makita. Namasa ang lahat ng dapat mamasa sa kanya pagkakita niya pa lamang sa lalaking-lalaking tindig nito. Parang gusto na niyang hilahin ito sa loob ng kwarto nilang mag-asawa nang unang beses na ngumiti ito sa kanya. Parang doon pa lang ay naangkin na ni Jacob ang hiyas niya.

Gustung-gusto ni Ysabelle ang pagiging matipuno at matikas ni Jacob. Tipong kayang-kaya siyang balibagin sa kama. At iyon ang gusto niya. Ang bastusin sa kama na hindi na nagagawa ng kanyang asawa sa kanya rahil sa pagiging inutil nito.

Alam ni Sandra Ysabelle na si Jacob ang sagot sa nararamdaman niyang uhaw kaya naman inakit niya ito. Sa bawat pang-aakit na ginagawa niya rito ay laging siyang tinatanggihan ng lalaki rahil amo raw siya nito at pareho silang may asawa na. Pero hindi iyon naging dahilan para sumuko si Ysabelle bagkus ay mas na-challenge pa siyang pasukuin sa pagitan ng kanyang mga hita si Jacob.

Kagabi ay muling sinubukan ni Ysabelle na akitin si Jacob. Hindi niya alam pero parang sinuwerte siya kagabi. Napasuko niya sa kanyang katawan si Jacob. Siguro ay dahil matagal na itong hindi nakakauwi sa misis nito at wala ng aksyon sa kama at dahil na rin sa matagal na niyang pang-aakit dito, kaya naman mabilis na bumigay si Jacob kagabi. Sobrang naligayahan si Ysabelle sa ginawang romansa ni Jacob sa kanyang katawan kagabi.

Hinding-hindi malilimutan ni Ysabelle kung paano siyang hinalikan ni Jacob, kung paanong naglakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan, kung paanong pinagpala nito ang kanyang dalawang pakwan, at kung paano nito kinain ang kanyang basang perlas. Ang kulang na lang ay ang lusubin ng alaga nito ang kanyang yungib na siyang hindi nangyari rahil sa istorbong si Raul.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon