RAUL's POV
Hindi ko akalaing bibigay agad si Cecilia sa patibong ko. Grabe na pala ang katigangan ng babaeng 'yon. Iba talaga ang kamandag ko. Binubuhay ang init ng mga babaeng kulang sa dilig.
Hindi ko naman maitatangging nag-enjoy din ako sa pagtikim ko sa kanya. Pero hanggang doon na lang 'yon. Hahayaan ko silang mabaliw sa pagnanasa, pero hindi ko ibibigay ng buo sa kanila ang katawan ko. Kailangan kong magtira para sa asawa ko.
Natawa ako nang maisip 'yon. Hindi ko nga ipapahiram ang buo kong katawan, pero patitikimin ko pa rin sila ng sarap. Ano ang pagkakaiba niyon sa taong nagtaksil sa kanyang asawa?
Ang pinanghahawakan ko na lang siguro ay hindi nila makukuha ang puso ko. Si Joy lang ang mahal ko. Wala ng iba pa. Siya lang ang magmamay-ari ng puso at buong katawan ko. Pagkatapos ng paghihiganti kong ito ay babalik na ulit sa normal ang buhay ko. Mamumuhay na akong matiwasay kasama ang asawa ko.
Nasa malalim akong pag-iisip nang pumasok sa servant's quarter si Fabio. Malungkot ito.
Raul: Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa 'yang mukha mo, pare?
Nitong mga nakalipas na araw ay nakasundo ko na ang mga kasamahan kong trabahador din ng mga Mondragon. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Maski sila ay may mga daing din sa bawat miyembro ng pamilya maliban kay Mang Baldo. Puring-puri nito ang mga Mondragon.
Fabio: Bad trip kasi, pare. Narinig ko kanina na may date daw si Ma'am Adriana ngayon. Lalo tuloy akong nawawalan ng pag-asa sa kanya.
Talaga? May date si Adriana? Akalain mong may makikipag-date sa masungit na 'yon.
Gusto kong matawa sa hitsura ni Fabio. Bigong-bigo ang pagmumukha nito. Parang pinagkaitan ng lahat ng bagay sa mundo.
Raul: Type mo ba talaga si Adriana, pare? Eh, ang sungit niyon. Laging magkasalubong ang kilay. Parang ganito, oh.
Ginaya ko si Adriana at pinagsalubong ko ang aking kilay. Pagkatapos ay itinaas ko ang aking kanang kilay. Ginaya ko rin ang kanyang pagsasalita.
Raul: Raul, ipagmaneho mo ako. Hindi ka maaaring makipag-usap sa akin dahil isa ka lamang hamak na driver.
Tumingin sa akin si Fabio at pagkatapos ay malakas na tumawa.
Fabio: Huwag mo nang uulitin, pare. Hindi bagay sa 'yo.
Raul: At least napatawa kita. Para ka kasing timang diyan. Nakipag-date lang si Adriana, nawalan ka na agad ng pag-asa. Pwede mo naman siyang ligawan sa sarili mong paraan.
Fabio: Paano? Isa lang naman akong hamak na hardinero. Baka sabihin niya rin sa akin na wala akong karapatang kausapin siya?
Raul: Alam mo, pare, walang mawawala sa 'yo kung susubukan mo. Lakasan lang 'yan ng loob. Gusto mo tulungan pa kita, eh.
Tumaas-baba pa ang mga kilay ko matapos sabihin 'yon.
Fabio: Talaga, pare? Sige. Gusto ko 'yan. Patulong na rin tayo kay pareng Jacob. Hindi ko alam kung bakit ako natotorpe pagdating kay Ma'am Adriana. Isa siyang dyosa sa aking paningin.
Isang malakas na pagbato ng unan ang iginawad ko kay Fabio.
Raul: Corny mo!
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...