RAUL's POV
Nakangiti akong tumango sa aking kapitbahay at kaibigang si Marcus na umuupa rin sa apartment kung saan ako nangungupahan kasama ang aking misis na si Joy.
Araw ng Linggo ngayon at day off ko kaya naman umuwi ako sa aking inuupahang apartment para makasama ang aking asawa na na-miss ko rin nang ilang araw.
Ang kaibigan kong si Marcus ay nakatayo sa labas ng apartment unit nito at mukhang may inaabangan. Malamang ay ang nililigawan nitong babae.
Marcus: Kumusta ang pagtatrabaho bilang family driver, pareng Raul? Marami bang seksing babae sa mansyon, ha?
Nakangisi akong umiling kay Marcus.
Raul: Naku. Sinabi mo pa. Busog na busog ang mga mata mo kung naroon ka.
Malakas na tumawa si Marcus.
Marcus: Naku, pare. Ibahin mo 'to. Loyal kay Teacher Rowena 'to.
Pinukpok pa ni Marcus ang sarili nitong dibdib gamit ang kanang kamao nito para ipakita kung gaano ito ka-loyal sa nililigawan nitong guro na si Rowena na umuupa rin sa isa sa mga unit ng apartment na ito.
Raul: Ayusin mo lang talaga, Marcus. Jackpot ka na riyan kay Teacher Rowena. Mabait at matalino na, maganda pa.
Hinimas-himas ni Marcus ang baba nito habang umaaktong may iniisip ito.
Marcus: Alam mo, pareng Raul. Iyang si Teacher Rowena ang swerte sa akin. Aba! Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin. Pero tingnan mo naman, sa kanya ko inialay ang aking puso. Kaya rapat siyang magpasalamat sa akin.
Pagkatapos sabihin iyon ay malakas na tumawa si Marcus.
"Dapat talaga akong magpasalamat, Marcus?"
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Marcus nang marinig namin ang tinig ng boses na iyon ni Teacher Rowena.
Agad akong tumingin sa likuran ni Marcus at nakita ko nga roon ang nakahalukipkip na nakatayong si Teacher Rowena. Nakataas pa ang isang kilay nito habang hinihintay si Marcus na lingunin ito.
Mukhang nanggaling si Rowena sa loob ng apartment unit namin ni Joy.
Alanganin akong ngumiti at kumaway kay Teacher Rowena.
Raul: Hello, Teacher Rowena.
Ibinaba ni Rowena ang isang kilay nito nang tumingin sa akin at ngumiti.
Rowena: O, Raul. Nakarating ka na pala. Nabanggit nga sa akin ni Joy na uuwi ka ngayon. Tamang-tama. Naparami ang aking inilutong ulam kaya nagdala ako kay Joy.
Tumango ako kay Teacher Rowena at nagpasalamat.
Raul: Naku, mapaparami na naman ang kain ko nito. Eh, alam naman ng lahat dito na basta luto ni Teacher Rowena ay talagang masarap.
Marahang tumawa si Teacher Rowena.
Rowena: Sus. Nambola ka pa, Raul. Pumunta ka na roon sa apartment unit ninyo ng asawa mo at siya na lang ang bolahin mo. May aasikasuhin pa ako rito.
Muling tiningnan ni Teacher Rowena ang kaibigan kong si Marcus na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sa babaeng nililigawan nito.
Pinisil ko ang kaliwang balikat ni pareng Marcus bilang pagpapakita ng suporta rito. Kitang-kita ko ang kaba sa mukha nito ngayon.
Raul: Kaya mo 'yan, pare. Minsan talaga ay kailangan muna nating pag-isipan ang mga salitang lalabas mula sa bibig natin.
Sinamaan ako ng tingin ni Marcus kasabay ng pamamawis ng sentido nito.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...