THIRD PERSON POV
Masayang-masaya ang binatang si Emilio Mondragon nang araw na iyon dahil na-close niya ang isang deal with an investor para sa kanilang kompanya, ang Mondragon Holdings, Inc. Iyon ang kauna-unahang beses na na-close ni Emilio ang isang deal with a potential investor for their company.
Proud na proud ang ama ni Emilio Mondragon sa kanya at hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni Emilio rahil sa mga papuring naririnig mula sa iniidolong ama.
Agad na ibinalita ni Emilio sa kasintahang si Ingrid ang magandang balita ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang mahimigan mula sa kabilang linya ng phone na parang wala sa sarili ang kanyang fiancée.
Excited na ibinalita ni Emilio sa kanyang kasintahan ang kanyang achievement ngunit wala man lamang itong reaksyon at nang matapos nang magkwento si Emilio ay hindi pa rin nagsalita mula sa kabilang linya si Ingrid. Nang untagin ito ni Emilio ay para pa itong nagulat at tinanong si Emilio sa pautal na pagsasalita kung tungkol saan ang kanyang sinabi.
Nagtataka man sa kakaibang ikinikilos ng kasintahan ay inulit na lamang ni Emilio ang kanyang sinabi kay Ingrid. Napangiti naman siya nang marinig na proud sa kanya ang babaeng iniibig.
Sinabi ni Emilio kay Ingrid na kailangan nilang i-celebrate ang kanyang tagumpay kaya naman niyaya niya ang kasintahan para sa isang dinner date. Nang una ay parang ayaw pa nitong pumayag dahil hindi agad ito nakasagot sa paanyaya ni Emilio. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Ingrid at sinabing maghihintay ito kay Emilio.
Nang makauwi na ang binatang si Emilio sa kanilang mansyon mula sa trabaho ay may iniabot na brown envelope sa kanya ang kanilang newly-hired na kasambahay na si Luna. Sinabi nitong dumating iyon kaninang tanghali at inihulog sa kanilang mailbox.
Napakunot ang noo ni Emilio nang tingnan ang brown envelope na iniabot sa kanya ni Luna. Walang anumang nakasulat sa labas ng brown envelope kung kanino at saan iyon nanggaling. Tanging "To: Emilio Mondragon" lamang ang nakasulat sa bandang kanang itaas na bahagi ng likod ng brown envelope.
Hindi alam ni Emilio pero bigla siyang kinabahan habang hawak niya sa kanyang kanang kamay ang nasabing brown envelope. Nang makapasok na sa loob ng kanyang kwarto si Emilio ay nakakunot pa rin ang kanyang noo habang nakatitig sa hawak na envelope.
Inilapag ni Emilio ang bitbit na leather attaché case sa ibabaw ng kanyang kama habang unti-unting umupo sa dulo ng kama at nakatitig pa rin sa brown envelope.
May parte ng isip ni Emilio na ayaw buksan ang brown envelope dahil unang-una ay hindi niya alam kung kanino iyon nanggaling at pangalawa ay iba ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon at hindi iyon maganda. Ngunit malaking parte ng kanyang isip ay binabalot ng kuryosidad kung ano ang nilalaman ng envelope na iyon.
Sa huli ay nanaig kay Emilio ang kagustuhang alamin kung ano ang nasa loob ng brown envelope at kung bakit iyon ipinadala sa kanya. Dahan-dahang binuksan ni Emilio ang envelope na nakasarado gamit ang sa tingin ni Emilio ay isang mumurahing pandikit.
Nang tuluyang mabuksan ni Emilio ang brown envelope ay hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Nanginginig ang kanang kamay na kinapa ni Emilio ang laman ng envelope. Nang mahawakan sa kanyang kamay ang laman ng envelope ay parang pinagpawisan ang buong sentido ni Emilio kahit malamig naman sa loob ng kanyang kwarto.
Unti-unting inilabas ni Emilio ang bagay na kanyang nakapa mula sa loob ng brown envelope. Malalim pang nagbuntung-hininga ang binatang si Emilio bago tuluyang tumambad sa kanyang mga mata ang laman ng envelope.
BINABASA MO ANG
Karma Ng Pagnanasa
General FictionRAUL NATIVIDAD, ang lalaking maghihiganti sa pamilyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. PAMILYA MONDRAGON, ang pamilyang inakala ni Raul na siyang lumapastangan sa kanyang mga magulang. Sa hangaring makamit ang hustisya, tamang l...