GOOD NEWS FROM RAUL, ADRIANA, CECILIA, EMILIO, LAVINIA, RIGO & SANDRA YSABELLE

484 3 0
                                    

Sa loob ng isang studio ay naroon ang main characters ng kwentong "Karma Ng Pagnanasa" ni Mr. WOM na sina Raul, Adriana, Cecilia, Emilio, Lavinia, Rigo, at Sandra Ysabelle.

Raul: Isang magandang araw sa readers ng "Karma Ng Pagnanasa".

Kumaway sa harap ng camera sina Adriana, Cecilia, Lavinia, at Rigo.

Si Emilio ay may kinakausap sa phone nito samantalang nanatiling nakahalukipkip lamang si Sandra Ysabelle.

Lavinia: Guys, we have good news for you!

Nakangiting umakbay si Cecilia kay Lavinia.

Cecilia: Dahil sa patuloy ninyong pagsuporta sa kwento ni Raul at ng pamilya Mondragon kaya naisipan ni Mr. WOM na gumawa ng special chapter before the final chapter of this story.

Ang madalas na nakasimangot na si Adriana ay nakangiti ngayon sa harap ng camera.

Adriana: At ang magiging focus ng special chapter ay ang mananalong Mondragon family member sa Poll.

Si Sandra Ysabelle ay nakataas ang isang kilay na nagsalita.

Ysabelle: Ang daming alam ni Mr. WOM. Pero okay lang. Mukhang malapit na akong mag-number one.

Humagikgik si Lavinia at tumingin kay Sandra Ysabelle.

Lavinia: Mahaba-haba pa naman ang laban, Mama.

Si Emilio ay tinapos na ang tawag sa phone nito at humarap na sa camera.

Emilio: Sinigurado ko lang sa kausap ko na binibilang nga ng maayos ni Mr. WOM ang mga boto. Ayos naman daw.

Ang matangkad na lalaking si Rigo ay malambing na ngumiti sa harap ng camera.

Rigo: Kaya naman kung may gusto kayong mabasang Mondragon family member sa special chapter ay pumili na kayo ng isa mula sa amin nina Cecilia, Papa Emilio, Mama Ysabelle, Adriana, at Lavinia.

Hinihimas-himas ni Raul ang kanyang baba habang nag-iisip.

Raul: Tandaan niyo, guys, may None sa choices. Malay niyo kapag mataas ang None ay ako ang maging bida sa special chapter na 'yon.

Umirap si Adriana kay Raul.

Adriana: So greedy of you, Raul. Hindi ka pa masaya na ikaw ang bida sa kwentong ito?

Malambing na umakbay si Raul kay Adriana.

Raul: Ito namang si Miss Topakin hindi na mabiro.

Isang masamang tingin ang ipinukol ni Adriana kay Raul na ikinatawa ng lahat.

Raul: Siya nga pala, readers, abangan ang update ng "Karma Ng Pagnanasa" every second Sunday at every third Sunday of the month. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat!

----------

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon