KABANATA 13

1K 10 0
                                    

RAUL's POV

Ngingisi-ngisi ako habang nagmamanehong pabalik sa malaking bahay ng pamilya Mondragon. Isa na namang impormasyon ang aking nakumpirma sa aking ikaapat na araw bilang driver ng mga Mondragon.

Tipo ako ng asawa ni Cecilia.

Unang kita ko pa lang kay Rigo ay alam ko ng may masama siyang balak sa aking katawan. Ang hindi niya alam ay isasama ko rin siya sa aking plano. Patatakamin ko rin siya hanggang mabaliw siya sa pagnanasa sa akin. Asawa siya ng isa sa mga Mondragon kaya madadamay din siya sa aking paghihiganti. Kung masasaktan si Cecilia rahil sa kanya ay masasaktan din ang mga magulang ng asawa niyang babae. At 'yon ang gusto ko. Masaktan muna sila hanggang sapitin nila ang parehong kapalarang sinapit ng mga magulang ko.

Kitang-kita ko kanina kung paanong amuyin ni Rigo ang aking panyo. Napapangisi ako sa tuwing naaalala ko iyon.

Binuksan ko ang pinto ng passenger seat ng sasakyan ni Don Emilio para silipin kung ano ang ginagawa ni Rigo rahil hindi pa siya bumababa kahit nakababa na ng sasakyan ang Don. Pagkabukas ko ng pinto ng passenger seat ay nagulat ako sa aking nakita.

Inaamoy ni Rigo ang panyo ko na marahil ay hindi ko napansing nalaglag mula sa dashboard ng sasakyan.

Raul: Sir Rigo?

Nakita kong tumigil sa pag-amoy ng panyo ko si Rigo. Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko at nahihiyang tumingin sa akin. Nagpipigil akong matawa sa hitsura niya. Namumula ang kanyang dalawang pisngi rahil sa hiya at pinagpapawisan ang kanyang sentido kahit malamig sa loob ng sasakyan. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa akin. Nakita kong nanginginig ang kamay niyang may hawak ng panyo ko.

Parang isang bata si Rigo na nahuling gumagawa ng kabalastugan. Maya-maya ay umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa labas ng sasakyan. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay na may panyo. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nanginginig ang kanyang kamay.

Rigo: Pa-panyo mo. Nahulog.

Inabot ko ang nanginginig na kamay ni Rigo. Sinadya kong ikulong sa aking kanang palad ang kanyang kanang kamay. Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at napabuka ang kanyang bibig na walang lumalabas na mga salita. Mula sa pagkakatingin sa labas ng bintana ay lumingon siya para tingnan ang kamay niyang nakakulong sa aking palad. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakakulong sa aking palad na parang nakuryente. Naiwan ang aking panyo sa aking kamay.

Inilagay ko ang aking panyo sa loob ng bulsa ng aking suot na pantalon. Tinitigan ko si Rigo at tulad kanina ay iniwas niya ang tingin sa akin at itinuon sa labas ng bintana.

Raul: Salamat. Siguro ginamit mong pamunas ang panyo ko para magtanggal ng dumi sa mukha. Malapit kasi sa ilong mo kanina.

May halong panunukso ang tinig ng boses ko. Gusto kong tuksuhin si Rigo. Nakita kong para siyang nataranta.

Rigo: Ha? Hi-hindi, ah. A-akala ko, pa-panyo ko kaya pinulot ko. Pero nang amuyin ko, hin-hindi pala.

Tumango-tango ako ng nakakaloko at nanatili pa ring nakatitig kay Rigo. Pabulong akong nagsalitang muli na para bang may sikreto kaming dalawa.

Raul: Inamoy mo pala.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Rigo at parang maiihi na. Hindi na mapakali sa kinauupuan.

Karma Ng PagnanasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon