Chapter 7

8 0 0
                                    

KYLIE's POV

A sudden phone call woke me from a deep sleep. Kina kapa-kapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan pero hindi ko yun mahanap kaya napilitan akong magmulat ng mata. Para lang makitang nasa lamp table lang ito.

Inabot ko yun at tiningnan kung sinong tumatawag. Todo-effort ako sa pagmulat ng mata dahil antok na antok pa ako.

I saw that it was Rosie who's calling. Ayoko sanang sagutin kaso alam kong bobombahin niya ulit ako ng tawag kaya wala akong nagawa. Sumubsob ako sa kama.

"Hello," walang gana kong sagot.

"You're still alive, thank god!" exaggerated na bungad ni Rosie sa kabilang linya. Gustong umikot ng mata ko.

"And why are you not dead yet?"

"Silly. I'm a cat, i have nine lives. Kelan ka pupunta dito sa France? Malapit na ang sched ng fittings mo ng costume and rehersal mo."

Bumuntunghininga ako. Ito ang dahilan kaya ayokong kausapin si Rosie eh. Ipapaalala lang niya ang tungkol sa fashion week at ang napuranada kong bakasyon.

"I'll be there in five days," sagot ko na lang. Ayoko nang makipagtalo pa kay Rosie.

"Five days? Are you kidding me? Next week na ang France Fashion Week! My god naman Kylie! Dapat bukas nandito ka na!!"

Hinikit ko nang malakas ang buhok ko, pinipigilan kong mainis ke-aga-aga sa umaga.

Nahagip ng paningin ko ang digital clock sa lamptable, alas sais na pala ng gabi. Jeez. Akala ko umaga.

"When I said five days, Rosie. Expect me in five days. No more argue, no more talking. Huwag mong pasamain ang mood ko dahil sa buwisit na fashion week na yan. Let me have a fucking good sleep and rest so i wouldn't wripe your neck when i see you. Get it?!" nagtatagis ang ngipin na singhal ko sa kabilang linya.

"Easy, Selena. I'm just doing my job."

"And I just want to sleep for Pete's sake!"

"Alright! Alright!. Kita na lang tayo next week. Bye Kylie!"

Hindi na ako sumagot, gigil na pinatay ko na lang ang cellphone ko bago ako muling humiga.

Gusto ko talagang bumawi ng tulog. Well, hindi naman sa puyat ako o ano. Dahil hindi naman ako napuyat at napagod sa kasal ni Bennet kahapon. Although gabi na din kami umuwi. Sumakit naman ang paa ko kakatakbo palayo sa alaga ni Aunt Vane na si Mikey.

Pinigilan kong sumimangot nang maalala ang unggoy... orangutan, i mean. Isinubsob ko na lang ang ulo ko sa unan.

A very warm and private atmosphere prevailed at Bennett's wedding. Engrande ang pangarap kong wedding sa totoo lang. Bata pa lang ako, Throughout my life, I dreamed of having a lavish wedding with people from all corners of the globe attending. Yung makikita at malalaman ng lahat ng tao na bongga at mala-royal ang kasal ko. Yun ang gusto ko.

Kaso nung makita ko yung wedding ni Bennet at Cole, i thought... yeah, simple wedding are pretty nice too. At pakiramdam ko mas naging malapit pa ako sa mga kamag-anak ko dahil sa minimal na reception ng kasal.

The reception of the wedding ended at night with fabulous fireworks of different colors and formations. Yun ang regalo ni Kuya Cas sa kapatid at sa asawa nito. Fireworks display na supposedly ay para sa pagsalubong sa magiging baby ni Bennet at Cole.

The fireworks display were awesome, though hindi ko yun na-enjoy dahil tago ako nang tago kung saan-saan maiwasan lang si Mikey. Kasalanan kasi ng bakulaw na hudyong Thurstin na yun.

Arrggh. Hindi ko mapigilan ang magngitngit na naman nang maalala ang lalaki. That bastard! Kung hindi niya sinamasama ang buwisit na unggoy na yun eh. Maeenjoy ko sana ng todo ang wedding.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon