47

9 0 0
                                    

Thurstin's POV








Tumayo ako at mabilis na tumungo sa pintuan papunta sa kusina ng hotel. 


Alam kong nabaghan si Fabian sa inasal ko pero hindi ko na siya pinansin. Mas kailangan kongpuntahan si Kylie sa taas. We need to get out of this building asap.

I was about to run to the stairs, but I halted. Nasa may lobby na ng hotel ang mga bandido at kasalukuyang nagtatanong sa matandang receptionist na nandoon.

"Hal ra'ayt hadhih almar'ata?"

May hawak silang papel na alam kong may larawan ng hinahanap nila. Larawan ni Kylie.

"No arabic, english or espanol only," sagot ng babae. Napadako ang tingin niya sa kin at alam kong nakilala niya agad ako. Nag-iwas ng tingin ang babae.

"Have you seen this woman?" tanong muli ng lalaki na may malalim na tinig.

Umiling ang matandang babae. "No. Who is that?"

Saglit akong nakahinga nang maluwag. Alam kong nakilala kami ng matandang babae dahil nakita niya kami kanina sa lobby ng hotel pero mas pinili pa rin niyang manahimik.

"Think again," anang lalaki na may pagbabanta na sa tinig. Nakita kong nahintakutan ang matandang babae.

Shit! Saan pa ba pwedeng dumaan dito? Hindi ako pwedeng dumaan sa hagdan dahil makikita ako ng mga myembro ng Vuldus.

Argh! Bahala na.

Akma akong lalakad patungo sa direksyon ng hagdan nang biglang may kamay na humila sa braso ko.

It was Fabian. Hinila niya ako patungong kusina. Namumutla ang mukha niya, halatang natatakot siya.

"Come, there's another way outside," aniya.

"I'm not going outside, I need to get to my wife!"

"I know, I know. But you cant use the stairs because of those people. There's an old ladder outside for fire exits. You can use that to get your wife and escape," ani Fabian.

Napatigilan ako. Paano niya nalaman na kailangan kong tumakas? Nahalata niyang in distress ako dahil sa inasal ko?

"You're one of those people, right? From the airplane."

Great! All this time alam ni Fabian.

"How...?" akma kong tanong pero hinila na ako ni Fabian papunta sa lumang hagdagan paakyat ng hotel. Ang lumang fire exit.

"You don't have to explain, the moment I saw you two, I know. You're not a traveler or a tourist. But your life is in danger. So you need to move fast."

Madilim ang likod ng hotel ataraming gamit ang nakatambak sa likod, mga lumang furnitures siguro. Itinuro ni Fabian sa akin ang lumang hagdan. Mukhang luma na iyon at

hindi nagagamit. Pero wala naman akong choice kaya umakyat ako doon. Kinakalawang na ang bakal na hagdan at pakiramdam ko ay matatanggal iyon anumang oras. Pero mas

binilisan ko ang pag-akyat. Nang makarating ako sa second floor ay maliit na balcony ang nakita ko. Pumasok ako sa pinto, bumungad sa kin ang maliit na hallway patungo

sa mga silid. Naririnig ko ang pagsigaw ng myembro ng Vuldus sa babaeng receptionist sa ibaba.

"You have to remember if you see the girl or not!"

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon