35

6 0 0
                                    

Thurstin's POV




My eyes are becoming blurry as I stared at the sky filled with spectacular lights of stars, nebulas and constellations. What a breathtaking view but somehow its hard to appreciate amidst our desperate situation.

Humugot ako nang hinga.

Naririnig ko sa unahan ng truck ang pagkanta ng matandang lalaki ng isang kantang spanish. Sinasaway siya ng asawa niyang babae pero hindi nagpapaawat ang lalaki. Tuloy pa rin ito sa pagkanta.

Dumako ang tingin ko sa babaeng natutulog sa hita ko at lalo akong napahugot ng mas malalim na hinga.

Kylie looked as if she's uncomfortable in her position. Judging by her posture, no doubt she is. 'Don't worry, Kylie. We're almost there.'

Pinigilan kong sumaltak, patuloy na tila may bumabarang mabigat sa dibdib ko habang tinititigan ang babae. I don't understand my feelings but it's hard for me to see Kylie's hardship. Alam kong nahihirapan na siya. Bagaman at nabawasan ang pagrereklamo niya, alam kong mas hirap na siya ngayon kesa nung mga nakaraang araw.

It's her first time to experience things like this and somehow I felt a pang of pity for her.

Hanggang saan ang itatagal mo, Kylie Kakayanin mo pa kaya? Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na hirap at hindi na agad ako mapalagay dahil dun.

Tinitigan ko ang babae at pinigilan ko ang kamay ko na haplusin ang mukha niya.

This beautiful face of yours, 'yan ang maglalagay sayo sa mas higit na panganib, Kylie. I hope you can hear me say, though I can't. Ang totoo, yung nakausap kong lalaki sa Dora, siya ang nagsabi sa'kin na hinahanap ng pinuno ng mga Vuldus ang babae. Na makakatakas ako kung gugustuhin ko, tutulungan niya ako. Pero kailangan kong ibigay sa mga Vuldus si Kylie, yun ang kapalit.

Nung marinig ko yun ay natakot ako, kaya nagmamadali akong bumalik doon sa lugar na pinag-iwanan ko kay Kylie para lang makita na wala siya doon. I feel so pissed. Nagalit ako, pero mas nag-alala ako. Madaming scenario ang nabuo sa utak ko. Akala ko nakuha na siya ng mga Vuldus ng tuluyan. I couldn't even bear to think of it. Kaya nung makita ko siya, nakahinga ako nang maluwag. Akala ko di ko na siya makikita.

I'm wondering as to what the Goverment are doing right now, even The Leofwin's. Siguradong gumagawa na sila ng paraan. Malamang na alam na rin nila ang tungkol sa mga Vuldus. Pero hindi ko pwedeng iasa sa kanila ang kaligtasan namin. I have to do something on my own way.

Malalim na ang gabi, sinong magaakala na malayo din pala ang Laayoune. Tsk.

Sumilip ako sa unahan at nakita ko ang mga ilaw na unti-unting lumalapit at lumilinaw. At last, we arrived. Ayon sa mapa na binigay kay Kylie nung lalaking nakausap niya, dalawa lang ang pwedeng papasok sa siyudad. Isang malaking sementadong bridge papuntang New Town at isang luma at mas makipot na kalsada papuntang Old Town, ang ikalawang entrance.

"Are we using the old route?!" sigaw ko sa dalawang espanyol sa harap.

Lumingon ang matandang babae mula sa malaking bintana at tumango. "Can't be help. The New Town bridge is full of disgusting mammals!"

Disgusting mammals. Probably the terrorists or the authority, whichever both are bad. Pfft! Mula sa isang kalsada ay nahati iyon at nagsanga sa dalawa. Gaya nang sinabi ng matandang lalaki, doon kami dumaan sa lumang ruta. Gusto ko sanang makita yung New Town Bridge pero masyadong malayo iyon. Sa kabilang bahagi pa ng siyudad.

Laayoune was located at a river valley. In fact, malaking ilog ang nasa tabi ng siyudad pero nakakadismayang tuyo na ang ilog. Kaya siguro sa malayo pa kumukuha ng tubig ang dalawang matanda.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon