KYLIE'S POV
We just ordered beer with chips and mojos. Si Ann juice lang dahil nagdadalang tao pala siya. Umandar ang oras ko dahil lang sa kuwentuhan at balitaan ng kung anuano.
Eleven thirty nang dumating ang sundo ni Ann. Hanggang doon lang pala ang paalam niya sa asawa niya. Kaya nauna na siyang umuwi sa amin. Si Cali, nagpaalam na rin. May pasok pa daw siya kinabukasan.
Si Jellai, nakatulog na sa bangko. Tinamaan yata nung beer. Palibhasa, light drinker siya kaya ayun bagsak agad.
"Tara sa C.R." aya ni Ly sa kin.
"Paano si Jel?" tanong ko.
"Hayaan mo lang siya dyan mahiga. Jusko yang babaeng yan, hindi na nagbago. Kahit yata coke ipainom mo eh malalasing pa rin."
"Hahaha!"
Sabay kaming nagtungo sa C.R. ni Ly. Inayos ko lang ang sarili ko. Namumutla ako nang todo, pansin ko. Kinuha ko yung blackrimmed eyeglass sa bag ko at isinuot yun. Wala namang grado yung salamin. Sinusuot ko lang yun kapag feeling ko, haggard ang itsura ko.
Nagmukha akong nerd, gaya ni Cali.
Nang tumunog ang cellphone ni Ly ay sinagot niya yun. Sa trabaho niya pala. Newscaster si Ly at bigla siyang naassign na pumunta sa Bohol para balita yung isang kakapangyaring lindol sa lugar.
"Oh swap! Mauna na rin ako sayo, Balin. Work," anang babae na agad nagmadali.
"No problem. Just go."
"See you, next time friend."
Ly kissed me on my cheek. "Isasama ko na si Jellai. Isang building lang ang tinutuluyan namin."
Tumango ako. Sabay din kaming lumabas ng C.R. pagliko sa isang corner ay bumundol sa 'kin ang isang malaking pigura ng lalaking nakaitim na jacket. Tumalbog ang cellphone ko sa sahig dahil nabitiwan ko yun.
To my ashtonishment, ni hindi man lang lumingon ang lalaki sa akin at derederetso siyang pumasok sa Men's Comfort Room. Di ba niya ako nakita? Bulag ba siya?
"Stupid people are everywhere," gigil na Sabi ko.
Nauna nang umalis si Ly. Nagmamadali na siya eh. Nakita kong inakay niya ang tulog pa atang si Jellai palabas ng bar. At kumaway pa siya sa kin bago sila tuluyang mawala sa exit.
Napailing akong pinulot ang cellphone ko. Thank god, GTE-Axis phone are one of the sturdiest. Hindi siya masisira nang basta basta unless pagulungan mo sa ten wheeler truck.
I check for scratches. At medyo napasimangot ako nang makitang may maliit na scratch sa gilid ng phone ko.
Damn, stranger!
Tumayo ako sa labas ng Men's Comfort Room at hinintay lumabas ang lalaking bumundol sa akin kanina. Nakasuot siya ng black jacket na may red strife sa collar kaya madali lang siya hanapin.
I stood for more than five minutes at ilang lalaki na rin ang lumabas pasok sa loob ng CR pero di pa rin lumalabas ang lalaki.
Anong nangyari dun? Nagpakalunod sa inidoro?
Nagdesisyon na akong pumasok sa loob ng C.R. at inihakbang ang paa ko papasok nang... muli, bumundol sa 'kin ang lalaki na aktong palabas naman.
Sa lakas ng impact, ako yung humagis sa sahig. Hindi ako agad nakahuma, sumakit yung puwet kong sumadsad sa semento.
What the fvck?!
"What the hell are you doing on the floor, Miss?!" anang pamilyar na tinig ng bumundol sa 'kin. Nahigit ko ang hininga ko. Pamilyar talaga yung tinig niya.
BINABASA MO ANG
Trapped With you
RomanceShe's trapped with the man she hates the most... -- Kylie Leowfin is a beautiful, intelligent, and special model from Europe. She is living a happy life until she returns to the Philippines for the wedding of her cousin. While there, she meets Thurs...