23

8 0 0
                                    

Kylie's POV

It was dark, very dark indeed. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Dere-deretso lang ako sa pagtakbo. I was out of breath, but I didn't stop.

Naririnig ko ang pagsisigawan ng mga tao, ang mga iyakan. Pero unti-unti iyong tinatangay ng hangin palayo.

Ilang beses akong muntik nang madapa. Halos mabitiwan ko na rin ang bag na dala ko. And yet, deretso pa rin ako.

Nang sumabit ang paa ko sa isang sanga ng halaman ay tuluyan akong gumulong sa lupa. May sampung segundo akong hinabol ang hinga ko bago muling bumagon.

Nang maka-adjust ang mata ko sa dilim ay napansin kong maliit na halaman ang dahilan para madapa ako. It was a bush-like plant. Nag-desisyon akong magtago doon para saglit na makapag-pahinga. Hindi biro ang hangin na kailangan kong habulin. Alam kong kung hindi man ako mamatay sa kamay ng mukhang mga bandidong grupo na yun, ay mamamatay naman ako sa pagod.

Nanginginig ang mga binti ko. Pati ang mga braso ko, maging ang kamay ay nanlalamig.

Hindi biro ang klima sa desyerto. You might thought na mainit sa lugar na 'to. Pero ang totoo, halos umaabot ng zero degree ang temperatura. Lalo na kung ganitong hindi pa sumisikat ang araw.

I was freezing. At dumagdag sa panlalamig ko ang takot.

Sumilip ako sa halaman at tiningnan kung may humahabol sa 'kin.

Nakita kong may mga ilaw na pagala-gala sa lugar. Hindi ako sigurado kung ilaw iyon mula sa flashlight o mula sa sasakyan. Medyo malayo sila sa 'kin kaya nakahinga ako nang maluwag. At least, hindi nila ako nakita.

Humugot ako nang hininga. Bago ako tumingala sa langit.

The sky was clear. Clearer than any night sky I've seen. Thousand stars were brightly scattered across, I can almost sees nebulas and other galaxies with just naked eye.

Kung hindi ako natatakot ay baka namangha na ako nang todo sa nakikita ko. It was picturesque. Pinagkasya ko ang sarili ko sa pamamahinga habang tumitingin sa kalangitan. Pero malayong-malayo doon ang iniisip ko.

It was about the incidents at the airplane. Naguguluhan pa rin ako, pero somehow ay nagets kong tama si Thurstin. Something is wrong from the start.

Yung flight attendant na pinatay kanina... aah. Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko sa pagkakaalala. Kasabwat ang flight attendant na yun. Ang tanong lang, sino ang grupong yun? At ano ang pakay nila? What's that package that they've been looking for? And where was it? Nawawala daw kasi. Who took it?

Ang daming tanong sa utak ko, kasama na doon ang kung paano ako makakapunta sa Madrid para makapaghanda sa Fashion Week.

Naantala ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ng andar ng makina. Hindi siya makita ng tulad sa malalaking sasakyan. If my guess is correct, its a sound from... motorcycle!

Nagmadali akong muling sumilip sa pinagmulan ng tunog at nahigit ko ang hininga ko nang makita ang pauli-uli at papalapit na motorsiklo.

"'Iinaha tudir huna! Huna! (She ran over here! Over here!)" sigaw ng isang tinig.

Agad na nagregodon ang dibdib ko sa kaba. Mukhang hinahanap nila ako.

Muli akong tumayo at tumakbo. Alam kong kapag nag-stay ako ay likod ng halaman ay makikita nila ako dahil maliit lang ang pinagtataguan ko. I'll be a dead meat, kapag nangyari yun.

My legs are already numbing from running miles. Dinaig ko pa ang nakipag-marathon. Lumilingon ako sa likod para siguraduhing hindi nila ako nasusundan.

I was silently praying. Halos mangiyak-ngiyak na ako habang tumatakbo. Naaawa ako sa sarili ko. Tumatakbo sa isang lugar na hindi pamilyar. Hinahabol nang masasamang tao. Ni hindi alam kung saan tutungo. There's no one to help.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon