30

9 0 0
                                    

Kylie's POV






"What about my spare clothes?" tanong ko.

"Makakabili tayo sa bayan. O mas okay siguro kung yan na munang suot mo ang pagtyagaan mo. Nasaan yung pantakip sa mukha? That's a hihab. You should cover your face.!"

Umasim ang mukha ko. Ayokong takpan ang mukha ko pero kinuha ko yung headdress ng niqab.

"Mainit 'to!" reklamo ko.

"Mas mabuti na kesa makilala ka nung mga myembro ng Vuldus. Tiyak akong nagkalat sa bayan ang mga tauhan nila. At alam nila kung anong hitsura mo dahil dun sa mga I.D. mo!" buska ni Thurstin.

Naisip kong tama naman ang lalaki. Medyo natakot pa ako dahil sa sinabi niya.

"Oo nga no? Paano kung gustuhin nila akong makuha dahil... nagandahan sila sa akin at nabighani sila sa aking alindog? Oh my god!" nanlaki ang mata ko sa realization.

Thurstin twitch his lips upward. "Taas talaga ng imagination  mo no?, hija!" sabi niya.

"Hindi ka kagandahan, matangkad ka lang."

Gusto kong sampalin si Thurstin pero nagpigil ako. Gigil ko na lang siya inangilan. Maganda ako. Period.

"Ble," anang lalaki sabay ngisi.

"Mas maniniwala pa akong hahanapin ka nila dahil ikaw lang ang alam nilang nakatakas sa eroplano."

Natigilan ako. Oo nga. Nung gabing yun, nakita nila akong tumakas at hindi na nila ako nahabol. Speaking of...

"Ano na kayang balita dun sa mga pasahero ng eroplano? Na-rescue kaya sila?" tanong ko. "The Vuldus are the same group from that crash site right?"

"We're not sure. Hindi ko alam kung iisang grupo lang sila. Pero ang tanda kong sabi ni Mike noon, Vuldus ang laganap ngayon sa Spain. At yung mga pasahero? Sa siyudad na tayo makakabalita kung anong nangyari sa kanila. The worse is that, they're probably dead."

Umuling ako. Kinontra agad ng isip ko ang posibilidad na yun. Those passengers are still alive. They're being held as hostages. That's that.

"Thurstin---"

Biglang tinakpan ng lalaki ang labi ko at nanlaki ang mata ko nang bigla siyang dumikit sa akin. Yung dikir na as in nakayakap na siya sa katawan ko. My body gone rigid and my heart beats fast.

"Ssshhh..." he hissed. He sounded very alert.

I was confused... at first. Not until I heard engines and loud voices speaking just from nearby. YUNG MGA HUMAHABOL SA 'MIN! MALAPIT LANG SILA, SHEEET!!

Nanlalaki ang mata kong lumingon ako sa lalaki. Thurstin just motioned me to remain silent.

Hindi ako gumalaw. Nakiramdam lang ako sa paligid. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko. The bad guys are near us. Kapag nahuli kami, patay kami.

Boses mga lalaki ang naririnig ko. Nag-uusap sila sa mabilis na salitang Arabic. At nagsisigawan sila.

"Blah blah blah blah the girl blah blah blah boss blah blah oink oink meeh meeh!"

I can't comprehend what they're saying. But they're near us. Just above the rock where we're hiding. Isang silip at makikita nila kami. I'm hoping na nakatago nang maayos yung motosiklo. Kapag nakita yun ng mga lalaki. Patay kami.

Narinig kong mahinang nag-usap usap ang mga lalaki. At hindi ako masyadong maka-focus dahil sobrang lapit lang ni Johan. His face is breath away from mine. Kung hindi niya tinatakpan ang bibig ko, baka nahalikan ko na siya sa sobrang lapit niya.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon