Thurstin's POV
"Kung okay ka na, pwede tayong sumaglit doon sa taong sinasabi nila na pwedeng makunan ng documents mo. Kaya mo na bang tumayo?"
Of course, Thurstin! You dummy! Nakatayo nga siya kanina diba? Sarap sampigahin ng pisngi ko.
"I guessed so. Sige, magbibihis lang ako," ani Kylie.
Kinuha ko yung camera ko at isinukbit sa leeg ko bago ako naglakad palabas ng silid. "Hintayin kita sa labas."
Tumayo lang ako sa hallway habang hinihintay sa babae. Pinagmamasdan yung mga larawang kinunan ko nung kasal ni Cole at Bennet.
Napangiti ako. Ano na kayang ginagawa ngayon ng dinosaur na yun? I bet alam na niya ang nangyari. O posibleng inilihim ni Bennet sa kanya dahil sa maselang kalagayan ng babae.
Hah! No matter what, nakakamiss pa rin si Cole.
Cole and I, we've been through lots of rough. Hindi boring ang mga dangerous mission namin dahil sa kanya. Kung si Cole ang kasama ko ngayon, baka nagtatawanan lang kami. At sinasabihan niyang mukhang unggoy ang mga Vuldus.
Tsk! Thurstin, what are you thinking? Bakit si Cole ang iniisip mo? She's happy now. And she's safe.
That's enough.
Napabuga ako ng hangin habang patuloy na minamasdan ang mga pictures sa kasal.
Bahagya akong natigilan nang mahagip ng paningin ko ang isang kuha ng larawan ng isang babaeng nakatayo sa gitna ng mga bulaklak. The woman, goddess-like in stature is incomparable in beauty.
Kylie.
Yeah. Akalain mong may picture pala si Kylie sa camera ko nung kasal ni Cole. Aksidente ko siguro itong napindot noon habang inaayos.
Just look at her for a photo and ithink its illegal, pero ito yung time na hinahabol na siya ni Danny. Haha! Poise pa rin kahit nagpa-panic na. Lol.
Bumukas ang pinto ng silid at lumbas si Kylie. Suot niya yung bagong Pokemon T-shirt at blue pants na binili ko sa kanya. "Nandyan ka na pala. Let's go."
Namumutla pa rin ang babae kaya medyo nag-alala ako. Hinawakan ko ang noo niya at dinama ang temperatura. Halatang nagulat si Kylie sa ginawa ko pero hindi naman siya umiwas. Thankfully, hindi siya mainit. "Are you sure you're okay now?" tanong ko para maksigurado.
Tumango ang babae. "Yeah," she said.
Sabay na kaming lumabas ng hotel na kinaroroonan namin.
"Where's the motorcycle?" tanong ni Kylie. Lumilinga siya sa paligid.
"I lend it to this guy named Maximilien. Siya yung itinuro nung mag-asawa sa akin. Sabi niya siya na lang daw ang bahala doon sa motorsiklo," sagot ko.
"Ah. Siya ba yung kausap mo kanina dyan sa may kanto?"
Napamaang ako. "Nakita mo kami?"
Tumango si Kylie at itinuro ang isang bintana sa secondfloor ng hotel. "Nakasilip ako doon."
"What a peeping tom you are," ngisi ko.
Lumagapak sa balikat ko ang kamay ni Kylie. "SINO KAYA SA 'TIN ANG PEEPING TOM AT PERVERT!!?" nanlalaki ang mata niyang sabi.
Pfft. "Well, hindi ko kasalanang wala kang suot na pang-ibaba. Sino bang gumagala nang naka-panty lang at--- alright! Alright! I'll stop, sorry!" Akmang sasakalin ako ng babae kaya tumigil na ako panunukso.
Inaya ko si Kylie papunta sa New Town. Nilakad lang namin ang kahabaan ng Fevidal Avenue dahil sobrang mahal ng transportation fee sa Laayoune. Hindi convenient lalo na ang taxi. Kylie is still sick kaya halos ang bagal ng paglalakad namin.
BINABASA MO ANG
Trapped With you
RomanceShe's trapped with the man she hates the most... -- Kylie Leowfin is a beautiful, intelligent, and special model from Europe. She is living a happy life until she returns to the Philippines for the wedding of her cousin. While there, she meets Thurs...