19

7 0 0
                                    

Kylie's POV





Naalimpungatan ako sa pagkakatulog. I felt like there's something bright flashed before my eyes. Kunot ang noo na pinilit kong imulat ang mata. Namamanhid ang puwet ko dahil sa sobrang tagal na pag kaka upo. my god!

"Thurstin... yung ilaw. Did you turn it on?" tanong ko.

Inaninag ko ang lalaki sa kabila ng nakakasilaw na liwanag. Nang maka-adjust ang paningin ko ay nakita ko ang lalaki na nakatayo na tila may hinahalungkat sa bag niya.

"Did I wake you up?" tanong nang lalaking hindi lumilingon.

"Ah no. I'm still sleeping, you see. I'm just sleep-talking!" angil ko.

Itinuwid ko ang likod ko. Parang may mainit na baga sa may balakang ko. This is why I hated travelling in long hours. Nakakangalay na, nakakainip pa. Not to mention, nakaka-pikon pa yung katabi mo.

"Sorry. Matulog ka na lang ulit. May hinanap lang ako sa bag ko," narinig kong sagot ni Thurstin.

"Anong oras na?" tanong ko.

"I'm not sure. Gabi na tayo darating sa Madrid. In three or four hours siguro."

Layo pa. Humikab ako. Kita kong sarado pa rin ang kurtina na tumatabing sa pwesto namin. Base sa tahimik na paligid, mukhang tulog pa rin ang mga pasareho sa business class.

Bumaling ako paharap kay Thurstin. Sumasakit ang likod ko dahil sa ngalay.

"May masakit sa'yo?" tanong ng lalaki.

"Yung balakang ko, namamanhid..." sagot ko sabay ngiwi.

"I can massage it for you."

Automatic na napasimangot ako. Tinitigan ko nang masama si Thurstin na nakuha pang ngumisi.

"Bastos!"

"Anong bastos dun? Naga-alok ako ng tulong. Ang dumi ng utak mo, Merida!" tumatawang sabi ni Thurstin.

"You can massage your own ass, thank you so much!"

Humagalpak lang ng tawa si Thurstin. Badtrip.

"Para kang matandang dalaga. Lagi ka na lang galit. Haha!"

"Sa mga taong tulad mo lang!"

Sumaltak-saltak ang lalaki bago kinuha ang isang magazine sa harap niya. Magbabasa siya kaya natural bukas yung ilaw.

"Can you just sleep? Kita mong tutulog ako tapos magbabasa ka! How am i supposed to sleep with the light brimming on my face?!"

Lumingon si Thurstin sa 'kin. "Hija... kaya nga naimbento ang eyemask, diba?"

Kinuha ni Thurstin ang kapirasong tela sa may gilid namin at binato yun sa 'kin. Nakanguso akong sinalo yun. It was a black eyemask.

"Brain, Ineng. Hindi iyan palaman sa bungo mo," nang-aasar pa niyang sabi.

Sarap sakalin ng lalaking 'to. Alam ko naman yun no? Sobrang pagod at antok lang ako kaya hindi ko na naisip yun! Pwede naman yun diba?

Psh!

Muli akong pumihit palayo sa lalaki. Sa may bintana ako bumaling tapos isinaklob ko yung eyemask sa mata ko at tsaka muling hinabol ang tulog.

I feel a little bit comfortable after finding a good position. Hindi pa nagtagal at muli kong naramdaman ang antok.

Pakiramdam ko ay nakatulog ako ulit, i just felt warm and everything is okay until...

*BLAAAAGG!*

Tumama ang ulo ko sa pasimano ng bintana. There was a huge shaking of sorrounding. Ramdam ko ang paggalaw ng lahat maging ng inuupuan ko.

Kahit sumasakit ang noo ko ay agad kong tinanggal   ang eyemask sa mata ko at mabilis na tiningnan ang paligid.

Yes. The plane was shaking so badly.

"Hold on tightly!" sigaw ni Thurstin sa'kin at agad akong kumapit sa silya ko.

Nagba-vibrate sa paa ko ang ugong ng makina ng eroplano.

Something must have gone wrong with the airplane. Sumikdo ng malakas ang dibdib ko.

Kita kong hinawi ni Thurstin ang kurtina at tumambad sa akin ang mga taong nagkakagulo. Some of them were shouting. Asking what's happening.

"Please, stay on your seat. There's just a slight problem," sabi ng isang flight attendant.

"May high pressure at bagyo lang tayong dinadaanan sa kasalukuyan." Dagdag pa nito.

High pressure area? Kung ganun nasa mataas na altitude pa kami. That's dangerous, isn't it? Naalala ko dati yung sinabi ni Rosie, na hindi bale nang low pressure ang madaanan ng eroplano kesa sa high pressure. Mas malaki ang tsansa daw na hindi maapektuhan ang eroplano at madali na lang ang mag-emergency landing. Hindi katulad ng nasa high altitude ka, there's no way you can fight decompression.

Holy crap!

Patuloy pa rin sa pag-uga ang buong eroplano. Parang naririnig ko ang nag-uupugang mga bakal kung saan ganundin din ang pakikipaglaban ng eroplano sa malakas na hangin.

"Kapag pinasukan ng ice sheet ang profeller ng eroplano, patay na tayo..." ani Thurstin sa tabi ko. Lalo tuloy ako natakot.

"Anong pwedeng solusyon dun?" tanong ko. Nag-uumpisa nang manginig ang kamay ko.

"Walang solusyon dun," sagot ng lalaki.

Nanlaki ang mata ko. "My god, Thurstin! Ayoko pang mamatay! Bata pa ako! I still have a lot of things to do in my life!!"

"So am I, hindi lang ikaw ang may gustong mabuhay!"

Thurstin looked a bit frustrated but he was calm nonetheless. Calmer than anyone on the airplane. Kita kong kanya-kanyang panic ang mga tao. Nagsisigawan sila sa bawat pag-uga ng eroplano.

"We're over Mediterranean Sea, aren't we? I can see water below!" sigaw ng isang pasahero malapit sa 'min.

"Probably!"

Gusto ko ring silipin ang bintana na malapit sa 'kin pero natatakot ako. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

"Please calm down, everyone!!" sigaw muli ng isang flight attendant. "We can pull through this!"

"We're flying south," bulong ni Thurstin sa tabi ko.

"Huh?" tumingin ako sa lalaki. Nakatingin siya sa dako ng bintana.

"We're flying south,"ulit niya. "Mukhang malakas ang high pressure na dinaanan natin kaya iniwas na lang ng mga piloto ang eroplano. It was a nice decision."

"Pero ang ibig sabihin nun, magiging out of the way tayo," sabi ko. "If we're flying South then we're over..."

"Egypt yeah. Or Algeria," tumatango-tangong sabi ni Thurstin.

Biglang umuga nang malakas ang eroplano. Nagsigawan ang mga pasahero. Parang may humukay sa sikmura ko dahil sa takot. Agad akong humawak sa kamay ni Thurstin at sumubsob sa balikat niya.

I was so scared, hindi ko na iniisip kung anong reaksyon ni Thurstin sa ginawa ko. Nakakahiya na kung nakakahiya.

Natatakot na talaga ako huhu.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon