46

8 0 0
                                    

Kylie's POV










Pagkabihis ko sa bata ay inaya na kami ni Thurstin na kumain. At dahil gutom na rin ako, hindi na ako nagpaawat.

Nakapalibot kami sa maliit na mesa. Nasa pagitan namin ni Thurstin ang bata. Kung sinumang makakakita sa amin ay sasabihing isa kaming pamilya. Somehow, it feels good on my heart. Kaya pangiti-ngiti lang ako habang kumakain.

The grass is good. I mean the seaweeds and the spinach. They were tasty, especially the corn soup. Halatang nagustuhan din yun ng bata dahil panay ang hum niya.

"Did you cook this?" tanong ko kay Thurstin.

Tumango ang lalaki. "Nakigamit ulit ako ng kitchen ng hotel. Okay lang ba ang lasa?"

"Yep! It was good," nag-thumbs up ako. "You're a good cook."

Umabot hanggang tenga ang ngiti ni Thurstin. Pumalakpak pa siya. "Swerte ng mapapangasawa ko ano?"

Inikot ko ang mata ko. "Oo na. Oo na. Nakakainggit ang mapapangasawa mo." Sarcastic ang pagkakasabi ko pero parang walang talab yun sa lalaki.

"Bakit ka maiinggit? Eh pwede namang ikaw yun?"

Muntik ko nang malunok yung kutsara ko dahil sa sinabi ni Thurstin. Napaubo tuloy ako. Agad na inabot nung bata yung baso ng tubig at uminom ako doon.

Tiningnan ko nang masama si Thurstin na pangit-ngiti. "Don't joke, will you?"

"Shame. I'm not even joking."

"Stop Thurstin !"

"Okay... okay," hands-up na sabi ng lalaki pero tatawa-tawa pa rin siya.

Tumatawa din ang bata na palitan kaming tinitingnan. "You look like my father," casual niyang sabi kay Thurstin. "And you look like my mother."

Sabay kaming natigilan ni Thurstin. Ano daw? Kamukha kami ng magulang niya.

"Really Luscrea?" sabi ko.

Tumango ang bata bago sumubo ng gulay. "Yes."

"Is that why you're following us?" tanong ni Thurstin.

Muling tumango ang bata. "Yes."

"Where are your parents?" tanong ko.

Pero hindi sumagot ang bata. Mukhang ayaw niyang sagutin ang tanong. O siguro, hindi niya alam ang sagot.

"Where is that woman you're within?" tanong ni Thurstin.

Biglang nalungkot ang mukha ng bata pero saglit lang yun. "I don't know. She disappeared after we runaway from the airplane."

Nagkatinginan kami ni Thurstin. Mukhang kasama nga namin ang bata sa eroplano at gaya namin ay nakatakas din sila. Pero bakit naman nawala ang kasama niya?

"I was just sleeping and when I woke up... she was gone."

"Where are you going?" tanong ko ulit.

"Barcelona," sagot ni Luscrea.

"Why? Is it your home?"

Umiling bata bago tinuro si Thurstin. "You got my key."

Blangkong napatingin ang lalaki sa bata. "Key? What key?"

Tinuro ng bata ang bag ni Thurstin sa ilalim ng kama. "It was on your bag. My key."

Tumayo si Thurstin at kinuha ang bag. "Key? I've never seen any key in here."

Hinalungkat ni Thurstin ang bag pero wala siyang nakitang susi. "Nada in here."

Humugot ng hininga ang bata. "It's better if you did not see the key. But it's in your bag. You're not just looking enough."

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon