Cole's POV
"Hello! Hubby? Anong nangyari? Kamusta na?! May balita na ba? Ang sabi sa T.V. hindi pa rin daw nakikita yung airplane! Nagpapanic na yung Mommy mo, kahit si Mana hindi mapatahan! Ilang araw na ah, wala pa rin ba?" bungad ko agad sa cellphone nung makitang tumawag si Bennet.
"Honey, hindi mo muna kinumusta kung ako ba talaga to o ibang tao. Wala ka na bang pakialam sa 'kin? Si Thurstin at Kylie na lang, ha?" himig nagtatampong sabi ni Bennet sa kabilang linya.
Sa kasalukuyan ay nasa Montecarlo siya at inaasikaso ang kaso ng pinsan.
"Tigilan mo ako, lalaking may malaking tenga! Alam kong maayos ka lang kaya huwag kang magdrama. Di bagay sa apelyido mo!"
Narinig kong tumawa si Bennet pero mayamaya ay sumeryoso na siya.
"Naka-banned lahat ng news network para sa kaso na 'to, Honey so useless ang panonood mo. Hindi yun totoo. Isinara ng United Nation ang kaso sa publiko at ginawang confidential," ani Bennet.
Napamaang ako. "Why? Bakit daw?"
"Dahil may involved na malaking grupo ng terorista."
Naumid ako. "T-Terorista?! Abu Sayaff?!!" sigaw ko.
"Hindi," frustrated na sagot ni Bennet. "Sa Mindanao lang ang AbuSayaff, Hon."
"ISIS?!" sigaw ko ulit.
"No. Hindi."
"Eh ano?"
"It's a long-existing group from the desert of Africa called Vuldus. They're powerful, hindi lang agad napagtuunan ng pansin dahil wala silang ginagawa para mapukaw ang atensyon ng mass media at ng international union. Ngayong may ginawa na sila, the people in authority have no idea how to handle the group. Seems like hindi ganoon kadaling mapasuko sila lalo na at malawak ang teritoryong sakop nila."
"You mean yung grupo na yun ang responsable sa pagkalawa ng flight nina Thurstin?"
"Ninety-nine percent probability," sagot ni Bennet.
"Do you think you can do anything?"
"I am doing anything I can. Rolf is with me, you know him right?"
Rolf, half-cousin ni Bennet na member ng Russian Elite Airforce. "Yes," sabi ko.
"He's a genius navigator. Malapit na niyang ma-locate ang eroplano so don't be too worry. Isa pa, may nafe-feed kaming data sa cellphone ni Kylie. I'll call you again pag may bagong balita," anang lalaki.
"Okay. Ingat ka din dyan."
"Yeah I will. Ikaw din, don't stress yourself too much. Makakasama kay baby. I miss you both!"
"Miss you more," bulong ko.
"Love you!"
"Love you more!"
Nang mawala sa linya si Bennet ay napabuntung-hininga na lang ako.
Vuldus. The name sounds familiar. I think nung may mission kami sa Malta dati, nag-warning ang embassy tungkol sa kanila. Those desert pirate are different from terrorist. I hope Thurstin and Kylie will be alright. Sana magkasama rin sila. Alam kong isnabera si Kylie at ma-pride naman si Thurstin, pero sana mag-joke ang tadhana at pagsamahin sila. Sana talaga.
Kylie's POV
Malapit na akong tamaan ng antok, promise. Nararamdaman ko na ang pamimigat ng mata ko. Ipinilig ko ang ulo ko at minasdan si Thurstin na balewalang natutulog sa maalbok na lupa.
BINABASA MO ANG
Trapped With you
RomanceShe's trapped with the man she hates the most... -- Kylie Leowfin is a beautiful, intelligent, and special model from Europe. She is living a happy life until she returns to the Philippines for the wedding of her cousin. While there, she meets Thurs...